DAY OFF niya ngayon kaya sinamantala niya nang mag ayos ng gamit, mga dadalhing damit niya at mga importanteng bagay. pumayag siya sa kasunduan ng mommy ni jace. nag dadalawang isip pa siya at kung kaya niya ba mahiwalay kay jace ng matagal... napasandal siya sa tabi at napahilamos ng mukha ng maalala nanaman ang usapan nila. *flashback* kumunot ang noo niya dahil sa kondisyon nito. hindi lang ba kakasabi lang na gusto na siya nito para kay jace? "alam kong nagtataka ka..." nag labas ito ng brown envelope at binigay sakaniya, marami man siyang tanong sa utak pero tinanggap nalang niya ang brown envelope at binuksan ito. bumungad sakaniya ang mga pictures nila ni jace na mag kasama, hindi nila alam iyon. may pasakay sa kotse, pag labas ng building, kumakain sila sa restaurant at yung p

