MAAGA siyang nakarating sa office at wala pa doon si jace, nag sabi naman ito sakaniya na ma le late ito dahil pupuntahan niya ang kaibigan niya. onti palang ang nakikita niyang kaibigan nito at ang masasabi niya lang ay parang mga pinagsama samang gwapo ang grupo nila. "mariz, natapos ka na sa gagawin mo?" tanong niya sa secretary ni jace, pero pakiramdam niya secretary parin siya, pareho lang naman ang p.a at secretary diba?! "a-ah opo ma'am, may ipapagawa po ba kayo?" mabilis ang pag iling niya. "wag mo nga ako tinatawag na ma'am! pareho tayong empleyado dito, ano ka ba!" sambit niya dito. "e-eh.. iba naman po kayo... girlfriend po kayo ni sir jace e" "eh ano naman! basta, hailey lang ang itawag mo sakin ha! intendyes?!" tumango naman ito kaya napangiti siya. pinag masdan niya ito

