Nathaniel Napatingin ako sa nagsara na pinto at huminga ako ng malalim. Hindi ko ugali na maging bastos pero ayaw ko naman nakikita na nagkakaganoon si Charlotte. Ayaw ko na pagdudahan niya ako at magisip siya ng bagay na hindi maganda tungkol sa akin. "Jessica," tawag ko sa pangalan niya at nakita ko na mas namungay pa ang mga mata niya. "Ayaw ko sana maging bastos pero hindi magandang tingnan na babae ang gumagawa ng paraan para lang mapansin. Ayaw ko ma-disappoint ang girlfriend ko dahil mahal na mahal ko siya. I don't want to offend anyone especially my girlfriend," paglilinaw ko sa kanya at nakita ko na naglaho ang malapad na ngiti sa labi niya. Hindi naman ako manhid para hindi makita ang intensyon niya dahil sanay na ako sa mga ganun na sitwasyon. I can easily tell if the gir

