Charlotte Pagdating namin sa cottage ay inilibot ko ang tingin sa paligid. Tama lang ang laki noon para sa dalawang tao. Kung titingnan sa labas ay parang normal na cottage lang iyon pero pagpasok sa loob ay maganda at maaliwalas tingnan. Sa gitna ng kwarto ay ang isang malaking kama na gawa sa kahoy. Halos gawa sa kahoy ang interior sa loob ng cottage. Medyo may kalayuan ang cottage sa mismong Resort at by the looks of it sigurado ako na may kamahalan ang price rate noon. Mag kalayuan din kami sa dagat pero naririnig pa rin ang alon dahil sa malakas na ulan. Hanggang sa mga oras na iyon ay malakas pa rin ang ulan. "Magkano ang rate nito?" tanong ko habang sinisilip ko ang banyo. Nagulat at nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan na ganoon ang itsura noon. Kung sa labas ay ka

