Chapter 4 - Unbelievable

2442 Words
Charlotte Napamulat ako dahil sa sunod-sunod na tunog mula sa doorbell ko. Tinakpan ko ng unan ang ulo ko para hindi ko na marinig iyon pero lalo lang sumakit ang ulo ko. Padabog na bumangon ako at bumaba ng hagdan para buksan ang pinto. "Malilintikan talaga sa akin kung sino ka man na walang magawa," inis na sabi ko habang bumaba ng hagdan. Hindi ko na matandaan kung anong oras ako nakauwi kanina dahil sa pagmamadali ko. Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagpalit ng damit at humiga na sa kama. Araw naman ng linggo kaya kahit buong maghapon ako matulog ay okay lang. Ang sakit ng ulo ko pati na rin ng buong katawan ko kaya mas pinili ko na humiga agad kaysa maligo o kumain ng almusal. "Kagigising mo lang, Lot?" hindi makapaniwala na tanong ni Marjorie pagbukas ko ng pinto. Tiningnan ko ito ng masama saka inismiran. Hinayaan ko na bukas ang pinto at tinalikuran ko na ito. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang pagkirot noon. Hindi naman marami ang nainom ko kagabi kaya hindi ko alam kung bakit sumasakit ang ulo ko. Naglakad ako papunta sa kusina para uminom ng tubig. "May kasama ka ba ngayon dito? Nag-uwi ka ng lalaki rito?" nanlalaki ang mata na tanong nito habang kasunod ko at saglit ako pumikit. "Kung sakali naman na ganun nga may problema ba? Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" irita na tanong ko rito at tumawa ito. "Hindi ko alam kung dahil sa kalasingan o pagod ka kagabi na umuwi kaya baliktad ang t-shirt mo," natatawa na puna nito at napatingin ako sa suot ko. Sa sobrang pagmamadali ko kanina ay hindi ko na napansin na baliktad ang suot ko na t-shirt at short. Hindi na ako nagabala na baliktarin pa ang suot ko at binuksan ko na ang refrigerator para kumuha ng maiinom. "Wala ka bang ibang lakad?" walang gana na tanong ko rito at inagaw niya ang bote ng tubig na hawak ko saka ito uminom doon. "Tumawag si Monique kanina mukhang may problema ang babaita," sagot ni Marjorie at bigla akong natigilan dahil narinig ko ang pangalan ng kaibigan namin. "Ano raw ang problema niya?" nag-aalala na tanong ko at nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam Lot. Kanina pa kita tinatawagan para alamin kung nakausap mo ba siya pero hindi ka naman sumasagot kaya pumunta na ako rito," paliwanag nito. "Okay, maliligo lang ako ng madali. Tawagan mo siya alamin mo kung nasaan siya ngayon para alam natin kung saan natin siya pupuntahan," sabi ko rito at mabilis na umakyat ako ng hagdan papunta sa kwarto ko. Pagdating sa kwarto ay pumasok na agad ako sa banyo. Tiniis ko ang lamig ng tubig na dumadaloy sa buong katawan ko. Binilisan ko ang pagligo para mapuntahan agad namin si Monique. Paglabas sa banyo ay kumuha ako ng pantalon at red v-neck t-shirt sa cabinet. Nag-apply lang ako ng mascara at lipstick. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ako ng kwarto ko. "Nag-reply na ba siya?" tanong ko kay Marjorie pagbaba ko ng hagdan at tumango ito. "Magkita na lang daw tayo sa dati," sagot nito. Ang tinutukoy nito ay ang Restaurant na lagi namin pinupuntahan. Ka-close na nga namin ang owner ng Restaurant na si Sarai. Pareho ito ng ugali ni Marjorie at katulad namin ay single pa rin ito. "May dala ka bang sasakyan?" tanong ko rito at tumango ito saka tumayo. "Okay, magkita na lang tayo roon," sabi ko at nauna na ito lumabas ng bahay ko. Pagkalipas ng ilang minuto ay nasa parking lot na ako ng Restaurant kung saan kami magkikita. Napansin ko agad ang sasakyan ni Monique at Marjorie. Pagkatapos ko I-park ng maayos ang sasakyan ko ay bumaba na ako saka pumasok sa Restaurant. Agad ko nakita ang dalawa sa hindi kalayuan kaya nilapitan ko na ang mga ito. "Are you okay Monique?" nag-aalala na tanong ko pagkaupo ko at hinawakan ko ang kamay nito. "He is cheating on me," walang emosyon na sagot nito at nagkatinginan kami ni Marjorie. Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi ko inaasahan na naririnig ko iyon mula rito. Pitong taon ng kasal si Monique at Arnold pero bago pa ikasal ang mga ito ay tatlong taon naging mag-boyfriend/girlfriend ang dalawa. Saksi kami ni Marjorie sa pagmamahalan ng dalawa. Masaya naman ang dalawa at makikita talaga na nagmamahalan. Inggit na inggit kami ni Marjorie rito dahil nakahanap ito ng katulad ni Arnold na mabait, maunawain, maalaga at mapagmahal. Kaso katulad ng kahit anong relasyon ay may mga pagsubok. Ang tanging pagsubok lang naman sa relasyon ng dalawa ay ang hindi makabuo ng baby. Ilang taon ng sumusubok ang dalawa pero hang ngayon ay negative pa rin. Five years ago ay nabuntis si Monique pero sa kasamaang palad ay ectopic pregnancy kaya kailangan operahan si Monique. Nagpa-check up na rin ang dalawa pero pareho naman na normal ang test ng dalawa. Sumubok na rin uminom ng iba't ibang gamot ang mga ito pero wala pa rin epekto. Kahit nakikita namin na pinanghihinaan na si Monique ng loob ay pinipilit namin na pasayahin ito. "Umorder muna tayo ng pagkain para habang kumakain ay mapag-usapan natin ang problema mo," sabi ni Marjorie at tinawag ang waiter. Humawak ako sa tiyan ko nang biglang kumalam iyon. Hindi naman ako masyado nakakain kagabi bago kanina naman ay hindi ako nag-almusal. Umorder na muna kami ng pagkain para sa amin tatlo. "Paano mo nasabi? I mean nakita mo ba siya na may kasama o may nakita ka na ebidensya?" tanong ni Marjorie pagkalipas ng ilang minuto na katahimikan at nagsimula na itong umiyak. "Kailangan ba na makita ko pa? Hindi ba sapat ang nararamdaman ko na may iba siya? Sa loob ng ilang taon namin na pagsasama ngayon lang ako kinutuban ng ganito. Iba kasi ang nararamdaman ko lately at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko," lumuluha na tugon nito. Alam ko ang nararamdaman ni Monique sa oras na ito ang magkaroon ng pagdududa at alinlangan sa puso para taong mahal mo. Dumating na rin ako sa ganitong sitwasyon na naguguluhan ako kung ano ang dapat kong gawin. Nagtatalo ang puso at isip ko kung dapat ko ba siya komprontahin, hayaan na lang at hintayin na ito mismo ang magsabi dahil sa sobrang takot. Kahit gustong-gusto ko malaman ang katotohanan ay pinigilan ko ang sarili ko na tanungin siya dahil natatakot ako na baka tama ang hinala ko. Kasama at kaharap ko nga siya pero deep inside ay alam ko na may nagbago. Ang pagkakamali ko ay hinayaan ko na lang muna dahil umaasa ako na siya na mismo ang magsasabi sa akin pero mas naging masakit ang resulta. "Hindi naman sa ganun Monique pero syempre kailangan ay may proof ka na totoo ang kutob o hinala mo. Mahirap na mag-base ka lang dahil sa nararamdaman mo dahil hindi ka naman one hundred percent sure. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon Monique pero kung sakali na komprontahin mo siya ay pwede niya iyon itanggi dahil wala kang hawak na ebidensya. Tandaan mo walang criminal ang umamin sa kanyang kasalanan ng dahil lang sa bintang," paliwanag ni Marjorie habang hinihimas ko ang likod ni Monique. Sa aming tatlo si Marjorie talaga ang maraming masakit na karanasan pagdating sa pag-ibig at relasyon. Ilang beses na ito naloko, nasaktan at iniwan ng mga naging karelasyon nito. Ang huli ang pinakamatindi dahil hindi lang ito niloko pero sinasaktan pa ito verbally and physically. Awang awa kami rito pero sobrang tigas ng ulo niya dahil naniniwala siya na magbabago si Chris. Masyadong seloso at insecure si Chris kay Marjorie na wala naman dahilan kaya madalas sila nagaaway. Natauhan lang siya nang magising sa hospital pagkatapos ng ilang araw nawalan siya ng malay. Hinding-hindi namin makakalimutan ang araw na iyon at hangga't maaari ay ayaw na namin maalala pa. Pinakulong ni Marjorie si Chris dahil sa mga ginawa nito. Mula noon ay hindi na naging seryoso si Marjorie sa pakikipagrelasyon. Hindi na rin ito umaasa na makakahanap pa ng matino na lalaki. Sa tingin ko rin ay na trauma na ito sa mga nangyari kaya hangga't maaari ay ayaw nito ng commitment. Lagi nito sinabi na kuntento na ito sa one night stand at casual s*x. "Hindi ko siya kayang komprontahin dahil natatakot ako. Alam ko naman kasi ang dahilan kung bakit niya iyon ginagawa. Napaka-walang kwenta ko dahil hindi ko siya mabigyan ng anak. Kahit anong gawin ko ay hindi iyon sapat dahil may pagkukulang pa rin ako," umiiyak na sabi nito at huminga ako ng malalim. Tumigil muna kami sa pagsasalita ng ilagay na ang pagkain na inorder namin. Kahit gutom na gutom ako ay parang nawalan ako ng gana kumain dahil nasasaktan ako para sa kaibigan ko. Buong akala ko ay hindi ito mararanasan ni Monique dahil nakita namin kung gaano kamahal ng dalawa ang isa't isa. "Monique, wala kang kakulangan dahil pareho naman kayo nagpatingin at normal ang lahat. Sadya lang talaga na hindi pa para sa inyo kaya hindi pa dumadating. At saka huwag na huwag niya idadahilan iyon para lokohin ka niya dahil hindi ka naman nagkulang sa kanya. Pinagsilbihan mo siya at balos ibinigay mo sa na kanya ang lahat ng oras, panahon at pagmamahal mo," giit ni Marjorie kay Monique. "Huwag na huwag mo isipin na ikaw ang may kulang o mali Monique. Desisyon niya ang magloko at hindi mo iyon kasalanan," sabi ko rito. "Ano ang plano mo na gawin ngayon?" tanong ko rito at saglit na pumikit ito saka huminga ng malalim. "Sabi nga ninyo kailangan ko muna kumpirmahin kung tama nga ba ito nararamdaman ko na sa tingin ko naman ay totoo talaga. Hahanap ako ng mga ebidensya para mapatunayan ko sa sarili ko na tama ang hinala ko at ipapamukha ko sa kanya para hindi na siya makatanggi. Tama ang mga sinabi ninyo hindi ko dapat sisihin ang sarili ko sa bagay na hindi naman ako ang nagkamali," sagot nito. "At kung mapatunayan mo na may babae nga siya ano ang gagawin mo?" tanong ni Marjorie. "Sa totoo lang hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko. Natatakot ako na mawala siya sa buhay ko at hindi ko alam kung paano ako kung wala siya. Mahal na mahal ko siya pero hindi ko alam kung kaya ko ba magbulag-bulagan sa mga nangyayari," nanghihina na sabi nito at nagkatinginan kami ni Marjorie. Sumatutal na sampung taon na magkasama si Monique at Arnold kaya normal lang na matakot ito. Ilang taon nasanay ito na laging may kasama at naka-depende na ito sa asawa nito. Pagkatapos magpakasal ay tumigil sa trabaho si Monique para maging housewife at halos kay Arnold umikot ang mundo nito. Narealize ko na hindi rin pala maganda na umiikot lang sa isang taon ang buhay. May up and down din ang pag-aasawa at ang pagiging single. "Ano man ang maging desisyon mo ay nandito lang kami para sa iyo. Huwag kang matatakot dahil hindi ka namin iiwan," sabi ko rito at niyakap ko ito saka yumakap din si Marjorie. "Maraming salamat sa inyong dalawa," naluluha na tugon ni Monique habang nakayakap kami rito. "Pwede na siguro tayo kumain dahil kanina pa nagwawala ang mga alaga ko," sabi ni Marjorie at sabay-sabay na tumawa kami ng naghiwalay kami sa pagka-kayakap. Nag-umpisa na kaming kumain at wala muna nagsalita habang kumakain. Pakiramdam ko ay gutom na gutom ako dahil saglit ko lang naubos ang inorder ko na pagkain. "Ano ang nangyari kagabi pag-alis ko?" tanong ni Monique pagkatapos kumain. "As always," sagot ko habang nakatingin ako kay Marjorie at tumawa ito ng malakas. "At akala mo hindi ko nakita na may kasama ka na boylet kagabi," nakangiti na sabi nito at umiwas ako ng tingin. Hindi ako proud sa ginawa ko kagabi pero hindi naman ako nagsisisi dahil ginusto ko naman iyon. Aaminin ko na nag-enjoy ako dahil kakaibang kaligayahan ang naramdaman ko kagabi at noon ko lang iyon na experience. Halos mabaliw ako sa ginawa nito sa akin at hindi lang isang beses ako nito pinaligaya pero naulit pa iyon bago ako umalis. It was my first time and probably the last time to have s*x with an escort. I didn't know what to do especially with the payment because I don't have any idea. "Talaga?" hindi makapaniwala na tanong ni Monique sa akin at tiningnan ko ng masama si Marjorie. "Beke nemen gusto mo magkwento sa amin," kantiyaw ni Marjorie. Bago ako magsalita ay sinenyasan ni Marjorie ang wiater at umorder ito ng isang bucket ng beer. Hindi ako makapaniwala na darating ang oras na magkwento ako tungkol sa kasama ko. Sa nakalipas na dalawang taon ay hindi ako na involve sa isang lalaki dahil na rin sa takot ko. Ang unang lalaki na minahal ko ay iniwan ako ng walang dahilan at ang ikalawa naman ay ginamit lang ako. Sa mga panahon na nasaktan ako ay binaling ko sa trabaho ang nararamdaman ko at worth it naman. "I met someone in the party. Pagkatapos mo ako iwan ay pumunta ako sa bar counter para kumuha ng maiinom at doon ko siya nakita. Inaya niya ako na sumayaw at sumama naman ako. After namin magsayaw we kissed and the next thing is we end up in his place," kwento ko at muntik ng maibuga ni Marjorie ang iniinom nito. "Ano ba naman Lot, wala naman kabuhay buhay ang kwento mo? Ang sabi ko kwento hindi summarize ng mga nangyari," natatawa na sabi ni Marjorie at natawa na lang din ako. "Hindi naman po kasi ako katulad mo na sobrang detalyado kung magkwento," sabi ko rito saka kumuha ng beer at binuksan iyon. "Excited lang kami ni Margo dahil ngayon ka lang ulit nagkaroon ng kasama na lalaki after two or three years?" sabi ni Monique at natawa ako sa sinabi nito. "Two at kailangan pa ba na ipangalandakan mo na ngayon lang ulit," sabi ko at umiling saka uminom. "Sabi ko naman sa iyo eh interesado talaga si pretty boy. Hindi talaga inaalis ang tingin sa iyo at iba ang tingin niya sa iyo Lot," nakangiti na sabi ni Marjorie at umiling ako. Hindi ko na kailangan sabihin sa mga ito ang buong detalye ng mga nangyari. Alam kong hindi naman ako husgahan ng mga ito pero hindi lang ako komportable sa ideya na nagbayad ako para lang mapaligaya. Nangyari na iyon at wala na akong magagawa para ibalik pa iyon kaya dapat ko ng kalimutan. "That would the last time I will see him," bulong ko nang maalala ko ang itsura nito at inubos ko na ang natitirang laman ng bote.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD