Chapter 5 - FAMILY is IMPORTANT

2548 Words
Charlotte "What time ang dinner?" tanong ni Marjorie. Nasa loob ako ng Salon nito para magpa-manicure at pedicure. Ngayong gabi ang pamamanhikan ng pamilya ni Kevin para sa kapatid ko na si Clarissa. Ikakasal na ito sa longtime boyfriend nito na si Kevin. Nasa edad na naman si Clarissa dahil twenty seven na ito at napatunayan naman ni Kevin sa pamilya namin na mahal nito ang kapatid ko kaya walang dahilan para pigilan pa namin ang mga ito. Masaya ako para sa dalawa dahil tinupad ng mga ito ang request ko na tapusin muna ang pag-aaral at makahanap ng stable na trabaho bago magpakasal. "Seven pa naman," sagot ko rito habang nililinis ang paa ko. "May balita ka na kay Monique?" tanong nito at napatingin ako rito. "Nag-hire na siya ng private investigator para manmanan si Arnold. Sabi ni Monique ay palagi pa rin daw ginagabi si Arnold at ngayon nga ay nasa Davao para sa isang conference," sagot ko at huminga ito ng malalim. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawang lokohin ni Arnold si Monique. Nakakalungkot isipin na ang matagal na pagsasama ng dalawa ay humantong sa ganitong sitwasyon. Nanalangin pa rin ako na sana ay hindi totoo na nagloloko si Arnold at busy lang talaga ito sa trabaho. "Sa palagay mo ba magagawa talaga iyon no Arnold?" tanong ko rito. "Alam mo Lot, wala naman imposible sa mundo lalo na sa panahon ngayon. Kahit na siya pa ang pinaka-matino na lalaki sa mundo kapag nagpadaig siya sa tukso ay hindi imposible talaga. Marami ang tukso sa paligid pero kung talagang mahal niya si Monique kahit pa magpumilit iyon ay hindi niya papatulan. Hindi naman issue kung may anak sila o wala dahil marami diyan na kahit may mga anak na ay na gagawa pa rin ang magloko. Malaki nga ang tiwala ni Monique kay Arnold pero ang tanong buo pa ba iyon kasi kung sira na ang tiwala mahirap ng ibalik," paliwanag nito at ako naman ang huminga ng malalim. "Hindi ko sinasabi na lahat ng lalaki ay ganoon. May mga lalaki lang talaga na marupok at may mga babae lang din na mga pokpok. Baka isipin mo ganoon din si Kevin kay Clarissa at bigla kang tumutol sa kasal nila," paglilinaw nito at natawa ako. "Alam ko naman na hindi pare-pareho ang mga lalaki pero syempre nakakatakot na magtiwala. Iyong tipo na akala mo siya na talaga bago biglang na lang maglalaho na parang bula. Bago may dumating nga na pinaramdam sa iyo kung gaano ka kahalaga at halos sambahin ka na iyon naman pala ay ginagamit ka lang," malungkot na sabi ko at tumawa ito. "Parang kilala ko kung sino-sino iyon ah. Wala ka na talagang narinig na balita sa kanya? Na-trace mo na ba kung sino ang nag-transfer ng pera sa account mo?" tanong nito at saglit ako natigilan. Ang tinutukoy nito ay ang three years boyfriend ko na ex-fiance ko, si Victor. Five years ago ay nag-propose ito sa akin at abot langit ang naramdaman ko na kaligayahan. Mahal na mahal ko si Victor at ito ang lalaki na gusto ko makasama hanggang sa pagtanda. Ang magandang panaginip ay naging isang bangungot dahil isang linggo bago ang kasal namin ay bigla itong nawala. Gumuho ang mundo ko dahil sa ginawa nito at halos hinihiling ko na mawala na rin ako. Walang nakakaalam kung ano ang dahilan at kung nasaan ito hanggang sa ngayon. Sa sobrang galit ko ay sinunog ko lahat ng bagay na nagpapaalala sa akin dito pati na ang gown ko. Ang singsing na binigay nito sa akin ay binenta ko at dinonate ko sa isang foundation. Three months ago ay nagulat ako ng pinatawag ako ng banko dahil may malaking amount na pumasok sa account ko. Tatlong tao lang ang may alam ng account na iyon ang dalawa kong kaibigan at si Victor. Pina-trace ko agad iyon para malaman ko kung sino ang nag-transfer ng ganun kalaki na amount pero ang sabi ng mga ito ay close na ang account. Nakuha ko ang account name pero hindi ang ibang details. "Wala na akong pakialam sa kanya at kung sakali na sa kanya nga galing iyon ay wala na akong magagawa dahil close na ang account na ginamit," sagot ko rito. "Paano kung magkita kayo ulit?" tanong nito. "Huwag na sana," buong diin na sagot ko. "Kay Ronan may balita ka?" tanong nito pagkalipas ng ilang minuto. Nakilala ko si Ronan pagkalipas ng dalawang taon na single ako. Mabait ito, funny, maalaga at tinuring ako na Reyna. Mas bata ito sa akin ng halos limang taon pero hindi iyon naging sagabal sa relasyon namin. Hindi naman tumutol ang pamilya ko pero may alinlangan sila sa binata. Ilang buwan lang ay nahulog talaga ako kay Ronan pero katulad ng nangyari kay Victor ay isang masamang panaginip din ang kinalabasan. After six months kasi mula ng sagutin ko ito ay nalaman ko na ginagamit lang ako nito in terms of connection and money. Isa itong real estate agent at halos lahat ng mga naging clients ko ay inalok nito dahil sa kagustuhan ko na makatulong dito ay ipinakilala ko ito. "Nakita ko siya months ago sa isang Restaurant. Binati niya ako at ang kapal ng mukha niya dahil kung makaasta siya ay akala mo walang nangyari. Nagkataon na kilala niya iyong client ko kaya nalaman ko na hindi na siya real estate agent," sagot ko at nagtataka na tumingin ito sa akin. "He is now working as customer service in a call center," dugtong ko at tumango-tango ito. "Akala ko ba ayaw niya na maging call center agent lang?" natatawa na sabi ni Marjorie at natawa ako dahil naalala ko na sinabi iyon ni Ronan noon. "Uuwi ka pa ba o diretso ka na roon?" tanong ni Marjorie nang matapos na sa paa at sa kamay naman. "Diretso na ako sa bahay dinner lang naman iyon at saka may damit naman ako roon. Doon na lang ako magpapalit ng damit para hindi na ako mag-aksaya ng oras," sagot ko. "Naririnig ko na ang sasabihin ni Tita pag-uwi mo," natatawa na sabi nito at saglit akong pumikit. Mula ng mag-propose si Kevin kay Clarissa ay naging madalas na ang pagtatanong ni Mama at Papa tungkol sa love life ko. Alam kong nag-aalala lang ang mga ito sa akin at naiintindihan ko iyon. Thirty-five years old na ako na kasalukuyang single samantalang ang kapatid ko ay twenty-seven pero ikakasal na. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga tanong na siguradong maririnig ko tungkol sa bagay na iyon. Ang kinakatakutan pa ng mga magulang ko ay baka maging soltera ako dahil sa side ni Papa ay marami kaming kamag-anak na soltero at soltera. Minsan ay hindi na ako umattend ng mga reunion o ibang okasyon na kasama ang mga kamag-anak ko dahil natutuliro lang ako sa mga tanong nila sa akin. "Sigurado iyan Margo, lately ay nagiging emosyonal siya kapag narinig niya na ikakasal na si Clarissa. Noong una ang akala ko kaya siya nagkakaganoon kasi hindi pa niya matanggap na mag-aasawa na ang kapatid ko. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba o maiinis ako sa kanya dahil kaya pala siya ganoon ay dahil mas nauna pa si Clarissa na ikasal kaysa sa akin. Iyon pala ang hindi niya matanggap," kwento ko rito at tumawa si Marjorie. "Ganyan din siguro si Mama kung malaman niya na hanggang ngayon ang prinsesa niya ay single pa rin. Ang babae na sinasabi niya na magpapaiyak ng mga lalaki ay nabaligtad dahil ako ang umiiyak," natatawa na sabi ni Marjorie at hinawakan ko ang kamay nito. Matagal ng ulila si Marjorie sa Mother nito. Ang father naman nito ay nagtatrabaho sa ibang bansa at doon na ulit nag-asawa. Hindi naman siya pinabayaan dahil nagpapadala ito ng panggastos nito hanggang sa maka-graduate. Ang Lolo at Lola nito ang nagalaga sa kanya kaya naman ng mamatay ang mga ito ay kay Marjorie napunta ang lahat ng mana ng mag-asawa. "Nagpaiyak at nang iiwan ka rin naman ngayon ah," sabi ko at tinaasan ako nito ng isang kilay. "Excuse me, pabor naman po in both parties ang mga nangyayari. It is a simple give and take lang at saka wala naman commitment na involve from the very start," paliwanag ni Marjorie at umiling lang ako. Pagkalipas ng ilang minuto ay tapos na ang manicure at pedicure. Nagpaalam na ako kay Marjorie pagkatapos ko magbayad at magbigay ng tip sa nag-service sa akin. Pagsakay ko ng sasakyan ay tumunog ang phone ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko sagutin ang tawag ni Mama. "Ma," sagot ko sa tawag nito. "Lot, hindi ka pa ba uuwi rito? Ilang oras na lang ay nandito na sila. Nakakahiya naman kung hindi tayo kumpleto pagdating nila rito. Sabi ko naman kasi sa iyo na dito ka na matulog kagabi," sabi ni Mama. "Papunta na po ako Ma," sagot ko rito. "Okay, mag-ingat ka sa pagmamaneho mo. Love you Lot," malambing na paalam nito bago nawala sa kabilang linya at nakangiti na umiling lang ako. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan at ilang oras lang ay dumating na ako sa bahay ng magulang ko. Pinark ko ang sasakyan ko sa tapat ng bahay. Nakasalubong ko ang bunso kong kapatid na si Chester sa may pinto. Hinalikan ako nito sa pisngi bilang pagbati. Agad naman nitong kinuha sa akin ang dala ko na plastic na may laman na mga prutas. "Sabihin mo kay Mama magpapalit lang ako ng damit," bilin ko rito at tumango ito. Umakyat na ako sa taas sa kwarto ni Clarissa at naabutan ko ito nag-make up. Ngumiti ito nang makita ako at agad akong yinakap. Malapit ako sa pamilya ko at wala akong hindi gagawin para sa kanila dahil sila lang ang mayroon ako. Habang tumatagal ay natanggap ko na ang posibilidad na tatanda akong dalaga. Hindi naman ako natatakot dahil alam kong hindi ako pababayaan ng pamilya ko. Noon ay na stress ako at frustrate kapag naiisip ko na single pa rin ako lalo na sa tuwing may nagtatanong sa akin kung bakit. Pero dahil sa pagmamahal ng pamilya at kaibigan ko ay natuto na ako makuntento. Sila ang naging takbuhan ko sa mga panahon na pakiramdam ko ay wala akong halaga. "Akala ko Ate hindi ka makakarating. Kanina pa si Mama nagaalala kasi baka raw nagbago ang isip mo kaya wala ka pa," sabi nito ng maghiwalay kami sa pagkakayakap. "Bakit naman magbabago ang isip ko? Hindi ko naman palalampasin ang mga pagkakataon na makasama ka at kayo lalo na ngayon. Ang bilis talaga ng panahon ilang buwan na lang ay ikakasal ka na," may bahid ng lungkot ang huling sinabi ko at yinakap ulit ako nito. "Kahit naman po nag-asawa na ako Ate lagi pa rin naman po ako nandito," sabi nito habang nakayakap sa akin at ngumiti ako. "Ang mahalaga sa amin ay masaya ka Rissa. Basta tandaan mo na nandito lang din kami lalo na si Ate," paalala ko rito at naramdaman ko na tumango ito. "Magpapalit muna ako ng damit at baka dumating na ang pamilya ni Kevin," sabi ko at kumalas na ito sa pagkakayakap. Binuksan ko ang cabinet ko at naghanap ng pwede kong masuot. Napili ko ang isang black na casual mini dress. Pumasok na ako sa banyo para magpalit ng damit at para na rin maghilamos. Paglabas ko ng kwarto ay wala na si Clarissa dahil bumaba na ito. Nag-apply lang ako ng light make up para lang maging presentable. Pagkatapos ko tingin ang sarili sa salamin ay bumaba na ako bitbit ang phone ko. "Pa, mano po," magalang na bati ko kay Papa ng makita ko ito sa sala nakaupo at nagmano ako rito saka ko ito hinalikan sa pisngi. "Kanina ka pa ba dumating?" tanong nito at tumango ako. Ilang sandali lang ay lumabas si Mama mula sa kusina at niyakap ko ito. Nagmano muna ako rito saka ko ito hinalikan sa pisngi. Malaki ang utang na loob ko sa mga magulang ko dahil ginawa nila ang lahat para sa aming magkakapatid. Nakapagtapos ako dahil sa pagsisikap nila kaya naman ng nakaipon ako ay pinaayos ko ang bahay namin para maging komportable sila. "Nandyan na po sila," nakangiti na sabi ni Clarissa pagpasok nito sa bahay. Tumayo na si Papa sa pagkakaupo at lumapit na kay Mama. Kami naman ni Chester ay nakatayo sa tabi ng magulang namin. Ilang sandali lang ay pumasok na si Kevin kasama ang mga magulang nito. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakarating ang mga ito sa bahay namin. Agad na sinalubong ng magulang ko ang magulang ni Kevin. Lumapit sa akin si Kevin at niyakap ko ito bilang pagbati. Nagmano naman kami ni Chester sa mga magulang ni Kevin. "Hindi na sana kayo nag-abala pa," sabi ni Mama nang makita nito ang dala na pagkain ng pamilya ni Kevin. "Hindi naman iyan abala sa amin at saka pamilya na tayo hindi pa man opisyal pero roon na rin ang punta," nakangiti na tugon ni Tita Irene. "Bago nga pala ang lahat kasama namin ang panganay na kapatid ni Kevin. Kauuwi lang niya kaya ngayon pa lang ninyo siya makikita," sabi ni Tito Valentin at sakto naman na pumasok ang isang lalaki. "Hello guys," nakangiti na bati nito. "Ako nga po pala si Karl nakakatandang kapatid po ni Kevin," pakilala nito sa lahat at nagmano ito sa mga magulang ko. "Tara kumain na tayo bago po lumalamig ang pagkain," sabi ni Papa at tumango ang lahat saka pumunta sa kusina. Natakam ako nang makita ko ang mga niluto ni Mama. Ito ang dahilan kung bakit minsan bigla na lang ako umuwi dahil namimiss ko ang luto nito. Pagkatapos magdasal ay nagsimula na kaming kumain at dahil hindi naman kami kasya lahat sa dining table kaya kaming tatlo ay sa sala kumain. Naiwan si Clarissa, Kevin at ang mga magulang ng mga ito sa lamesa. Ramdam ko ang panay na pag-sulyap ng kapatid ni Kevin sa akin at sa totoo lang ay naiilang na ako. "Charlotte, right?" alanganin na tanong nito at saglit ako nagtataka pero naisip ko na baka nabanggit ni Kevin ang pangalan ko. "Karl," nakangiti na sabi nito at inilahad ang kanang kamay na tinanggap ko naman. Habang kumakain ay nagkwentuhan kaming dalawa. Sa barko ito nagtatrabaho bilang isang chief. Nakilala na nito si Clarissa noon at puro papuri ang sinabi nito para sa kapatid ko. Okay naman ito kausap kaya hindi ko namalayan na ang tagal na pala namin nag-uusap. Kung hindi pa nagpaalam si Kevin ay hindi namin alam na tapos na pala mag-usap ang mga ito. "Ate, mukhang tinamaan sa iyo si Kuya Karl," nakangiti na puna ni Clarissa at tumawa lang ako saka umiling. "Dito ka na matulog Lot," sabi ni Mama bago ako umakyat ng hagdan. "Oo nga Ate dito ka na matulog. Na miss na po kitang katabi," malambing na sabi ni Clarissa at yinakap naman ako ni Chester. "Pa," humihingi ng saklolo na tawag ko at tumawa lang si Papa. "Delikado na ang mag-drive sa ganitong oras. Pagbigyan mo na ang mga kapatid mo at minsan lang malambing ang mga iyan," sabi ni Papa. "Sige na nga," kunyari ay napipilitan na tugon ko at parang bata na tumatalon ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD