Chapter 6 - Hard work

2439 Words
Nathaniel "Sir Nathaniel, nandito na po si Sir Sherwin," inform ng secretary ko na si Gina pagsagot ko sa phone na connected dito. "Okay, papasukin mo na siya. Makikisuyo na rin ng coffee," tugon ko saka binaba ang phone. Niligpit ko na muna ang mga documents at blueprint nasa ibabaw ng lamesa ko. Ilang sandali lang ay pumasok na ito at sinenyasan ko na umupo ito sa katapat ko na bangko. Isa si Kuya Sherwin sa pinakamatagal na employee sa company namin. Ngayon ay siya na ang senior installer and technician namin. Nagsisimula pa lang ang kumpanya ay kasama na ito ni Dad kaya maasahan talaga ito. Malaki rin ang pasasalamat namin kay Kuya Sherwin kasi kahit may mga offer ito sa ibang kumpanya ay hindi niya kami iniwan. Para ng pamilya ang turingan namin sa isa't isa. "Boss Nathaniel hanap mo raw ako," nakangiti na sabi nito at napangiti ako. "Kuya Sherwin may pupuntahan tayo na building mamaya. Kailangan natin ma-survey ang area bago pa sila makapag-buhos. Gusto kasi ng client ay naka-embedded ang mga piping at lahat ng wiring ng mga aircon para malinis tingnan. Titingnan din natin ang area na paglalagyan ng condenser kung possible ba roon. Nandoon naman ang owner at ang foreman niya mamaya kaya mas madali natin masusukat ang haba ng mga piping at kung saan ilalagay," paliwanag ko rito at tumango-tango ito habang nagsasalita ako. Mula ng ipinasa sa akin ni Dad ang pamamalakad ng company ay isa si Kuya Sherwin na gumabay sa akin. Air-conditioning ang nature ng business namin. Ang kumpanya namin ay dealer, installation, service at maintenance ng mga air-conditioning unit. Hindi naman ako nahihirapan dahil kahit noon pa naman kapag wala akong klase ay sumasama ako sa mga technician para magkaroon ako ng idea. Kumuha rin ako ng vocational course na related sa ginagawa namin kaya kahit paano ay may ideya ako sa kailangan gawin. Only child ako kaya automatic na sa akin ipapasa ang pamamalakad ng business namin. Sa madaling salita ay pinaghandaan ko na at sinanay na agad ako ng magulang ko. "Mas maganda nga na hindi muna sila makapag-buhos para hindi tayo mahirapan sa pagtiktik at makapag-abang na agad tayo. Isama na rin natin si Eddie para sa electrical," sabi nito at tumango naman ako. "Mas mabuti nga po na kasama natin siya. Pakisabihan na lang po si Joy para hindi na siya mabigyan ng schedule mamaya. After lunch po ang appointment natin sa client pero alis na po tayo ng mga eleven po," sabi ko rito. "Kumusta na po ang project natin kay Engineer Valbuena?" tanong ko rito. "Okay naman, natapos nila ang paglalatag ng mga piping at wiring kahapon. Nagustuhan ni Engineer ang ginawa ng mga tao natin kasi sobrang linis. Ngayong araw ay magsabit naman sila ng mga plate at indoor unit sa first at second floor. Next week ay pwede na natin deliver lahat ng mga unit dahil siguradong tapos na nila ang pagkabit ng mga plate. Pasok tayo sa schedule at baka nga mas mapaaga pa tayo sa deadline natin dahil mabilis kumilos ang team ni Kim," paliwanag nito at napangiti ako. "Mas mabuti po kung mas mapaaga tayo sa deadline kasi may kasunod pa po na project si Engineer sa atin. Kapag nagkataon ay may incentive na naman po ang mga staff," nakangiti na sabi ko. "Malayong malayo ka talaga sa Dad mo," natatawa na sabi nito at nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi nito. "Mabilis ka kumilos at wala kang sinasayang na oras. Si Dad mo kasi noong panahon niya ay kuntento na siya sa mga old clients although okay din naman kasi hindi naman kami nawawalan ng gawa noon. Pero mula ng ikaw na ang humawak ay mas dumami pa ang client natin. Nakakatuwa rin dahil hindi mo pinapabayaan ang mga tao mo dahil sa incentives na binibigay mo ay mas lalo sila ginaganahan na matapos agad ang mga project," paglilinaw nito at napangiti ako. Tatlong taon pa lang ako sa pwesto ko at alam kong marami pa akong kailangan na matutunan. Kung alam lang nito kung gaano ko pinaglaban kay Dad ang tungkol sa incentives. Nilatag ko kasi kay Dad ang lahat ng naging projects namin sa loob ng isang taon at pinakita ko na mas mabilis natatapos ng mga staff namin ang mga iyon. Naisip ko na dapat lang sila bigyan ng incentives para mas pagbutihin pa nila ang trabaho nila. Hindi man ganun kalaki pero alam kong malaking tulong iyon sa mga ito. Hindi pumayag si Dad dahil ang katwiran nito ay magiging pabigat lang iyon sa kompany at baka samantalahin ng mga staff namin. Per project naman ang basis ng incentives kaya sa tingin ko ay hindi iyon malaking kabawasan sa income ng company. Nakipag-deal na lang muna ako kay Dad na kapag natapos namin ang isang malaking project na kalahati sa deadline noon ay papayag ito. Kapag lumapas naman kami ay ang sweldo ko ang ibibigay ko na incentive para sa mga ito. Pumayag ako dahil nakita ko kung gaano ka sipag at pursigido ang mga staff namin. Nakipag-meeting ako sa lahat ng empleyado namin at sinabi ko ang deal sa pagitan namin ni Dad. Pumayag ang mga ito at hindi ako nabigo kaya mula noon ay may makukuha na incentives ang lahat kapag nakatapos kami ng project. "Karapatan naman po nila iyon dahil nagpapakahirap din po sila. Hindi naman maging successful po ang kumpanya na ito kung hindi dahil sa kanila. Ang gusto ko lang po ay gawin nila ng maayos ang trabaho nila," katwiran ko at ngumiti ito. "Iba talaga kapag bata ang Boss," natatawa na sabi nito at natawa ako. Marami ang nagsasabi na magkaiba kami ni Dad sa pagpapatakbo ng company. Mabait naman si Dad at may konsiderasyon sa mga tao namin pero hindi maiwasan na dahil sa may edad na ito ay pa iba-iba na ang mood nito. Hindi na rin ito updated sa mga bagong techniques. Ilang taon din na pinatakbo ni Dad ang kumpanya na mag-isa at ginagalang ito ng mga empleyado namin kaya naman saludo ako sa kanya. Nakita ko kung paano nag-umpisa si Dad kaya alam ko ang paghihirap nito. "Sabihan ko na muna si Joy. Tawagan mo na lang ako kapag paalis na tayo, doon lang muna ako sa workshop at silipin ko iyong mga ginagawa na bracket para sa outdoor unit," paalam ni Sherwin at tumango ako. Binalikan ko na ulit ang ginagawa ko kanina para matapos ko na iyon at magawan ng quotation. Enjoy naman ako sa trabaho ko dahil marami akong nakilala na clients, suppliers at ibang dealers din. Marami rin akong natutunan mula sa mga staff namin. Pagkalipas ng ilang oras ay tinawagan ko na si Sherwin para sabihin na aalis na kami. Bago ako umalis ay pinaliwanag ko na kay Gemma ang magiging laman ng quotation. Sinabi ko rito na kapag tapos na ito ay ilagay lang sa table ko para mabasa ko mamaya pagbalik ko. "Sigurado ka Boss na itong sasakyan mo ang dadalhin natin?" alanganin na tanong ni Eddie at natawa ako. Lahat ng service namin ay nasa labas at kung maghihintay kami ay baka ma-late lang kami. Kadalasan kasi kapag may ganitong lakad ay nauuna na ako sa site bago pinapa-sunod ko na lang ang mga technician at installer na hahawak sa project. "Bakit Eddie ayaw mo sumakay sa sasakyan ko?" natatawa na tanong ko rito at napailing lang si Sherwin. "Kung ayaw mo Eddie, pwede ka naman mag-commute. Hintayin ka na lang namin doon," sabi ni Sherwin at napakamot si Eddie sa ulo saka sumakay sa sasakyan ko. "Kumusta na Eddie ang misis mo?" tanong ko rito at biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "Okay na po siya ngayon Boss, maraming salamat po sa pinaabot mong tulong," sabi nito at ngumiti ako. "Mabuti naman at okay na siya. Basta kapag may ganyan na emergency huwag kayo mahihiya magsabi sa opisina o sa akin," sabi ko at tumango-tango ito. "Kailan ka ba mag-aasawa Nathan?" tanong ni Sherwin at umiling lang ako. "Twenty-seven ka na hindi ba? Ganyan mga edad dapat ay nag-iisip ka na mag-asawa. Huwag mo ng patagalin at baka magaya ka pa sa akin kakahanap, kakahintay ayun nalipasan ng panahon," sabi nito at saglit napatingin ako rito. "Wala pa po sa isip ko ang bagay na iyan at saka nag-eenjoy pa po ako sa ganito. Nagagawa ko ang lahat ng gusto ko ng walang pumipigil sa akin, nagbabawal at higit sa lahat ay nagbabantay," tugon ko at tumawa naman si Eddie. "Hay naku Boss, hindi mo masasabi baka isang araw ay magbago ang isip mo. Baka isang araw ay makatagpo ka ng babae na ikaw mismo ang hahabol at ikaw mismo ang magpapa-sakal," natatawa na sabi ni Eddie. "Hinding-hindi mangyayari ang sinasabi mo kasi hinding-hindi ako naghahabol at hindi ko rin gugustuhin na magpa-sakal. Ang sarap kaya ng pakiramdam na malaya," kontra ko at sabay na tumawa ang dalawa. "Kumain na nga muna tayo at iba na ang epekto ng gutom sa mga utak ninyo," sabi ko sa mga ito at tumingin sa paligid para maghanap ng makainan. "Basta ang payo ko sa iyo Boss Nathan, kapag may kakaiba kang nararamdaman sa isang babae ay huwag na huwag mo na pakakawalan. Hindi mo masasabi na baka iyon na pala ang babaeng nakalaan para sa iyo. Nangyari na kasi iyan sa akin nahanap ko na siya pero pinakawalan ko pa dahil hindi ko siya pinaglaban. Ngayon masaya na siya sa piling ng iba at ako naman ay naiwan mag-isa," pilit ang ngiti na payo ni Sherwin at napaisip ako. Siguro nga hindi ko pa siya nakikilala kasi mostly sa mga babae nakasalamuha ko ay isa lang ang nararamdaman ko. Wala ata sa mga ito ang masasabi ko na kakaiba at kung mayroon man ay imposibleng matuloy dahil lahat ng mga ito ay one night stand lang. Wala naman akong masamang karanasan pagdating sa pag-ibig o relasyon. Nagkataon lang na ang mga unang na encounter ko ay malinaw na s*x lang ang gusto. Hindi ko pa naranasan na magkaroon ng matino at seryoso na relasyon. Hindi ko rin alam kung ano ang pakiramdam ng umiibig. I lost my virginity during my graduation party and I don't even remember her name because I was too drunk. During high school at college naman ay hindi ako nagkaroon ng girlfriend. May mga niligawan ako pero hindi ko na rin tinuloy. "Kumain na muna tayo," sabi ko at nag-park ako sa isang Restaurant. Malapit na rito ang site na pupuntahan namin kaya tama lang ang oras namin. Tinawagan ko na rin si Mr. Polaris kanina bago kami umalis sa opisina at inaasahan kami nito. Pagpasok sa Restaurant ay humanap agad kami ng table at umorder ng pagkain. Pagkalipas ng ilang sandali ay tapos na kami kumain bago pa bumunot ng pambayad ni Kuya Sherwin ay inunahan ko na ito. Sumakay na ulit kami sa sasakyan at ilang minuto lang ay nasa construction site na kami ng isang three storey building. Bumaba na kaming tatlo at naglakad papalapit sa entrance ng building. "Mr. Nathaniel Silvano," tawag sa akin mula sa tagiliran at tiningnan ko ito. Papalapit ito sa amin at agad ko ito nakilala. Nakilala ko ito sa isang conference ng mga contractors na ginanap sa Singapore last month. Nakausap ko ito at binigyan ko ito ng calling card nang banggitin nito na may project ito na building. "Hello Mr. Ignacio Polaris," nakangiti na bati ko rito at nakipag-kamay ako rito. "Mr. Polaris, I would like you to meet Sherwin my Senior technician and installer. This is Eddie, he is in charge with the electrical works," pagpapakilala ko sa mga kasama ko at nakipag-kamay ang mga ito kay Mr. Polaris. "This is Lito my foreman siya ang in charge dito at ito naman si Ricky ang Assistant ko," pakilala nito sa mga kasama nito at nakipag-kamay ako sa mga ito. "Shall we start?" nakangiti na tanong nito at tumango ako. Nag-umpisa kami sa first floor kung saan ay may anim na kwarto ang lalagyan ng aircon. Sinimulan ni Kuya Sherwin na sukatin ang area at sinabi ko kay Mr. Polaris kung ilang unit ng aircon ang kailangan. Kinuhanan ko rin ng pictures ang bawat sulok para mapag-aralan ko rin. May mga option ako na binigay dito sa kung saan ilalagay ang unit. Once na ma-approved nito ang quotation ay babalik ulit kami para naman lagyan ng marka ang dadaanan ng piping at mga wire sa mga lugar na may buhos na. Pumunta naman kami sa second floor at ganun din ang ginawa namin. Sa third floor naman ay dalawang malaki na area ang lalagyan na magsisilbi na function hall. Tinuro sa amin kung saan ilalagay lahat ang mga outdoor unit at nagbigay kami ng alternative location dahil hindi advisable ang area para sa service at maintenance in the future. Naiintindihan naman ni Mr. Polaris ang opinyon ko at paliwanag ko. Ang timeline ng project na ito ay six months pero sa kailangan maikabit namin lahat ang unit within seven-eight weeks. "Thank you Mr. Polaris for the tour. I will send you the quotation by this week. As soon as we received your approval and the down-payment we will proceed with the installation," sabi ko rito pagkatapos namin makuha lahat ng sukat. "No problem Mr. Silvano. I hope to see your quotation as soon as possible because I need to discuss it with the owner for approval," nakangiti na tugon nito. "Don't worry I will send it as soon as possible. I just need to check first the availability of the unit we need and also the materials. We will be get going Mr. Polaris, if you have any questions just call me anytime," sabi ko rito at nakipag-kamay ako rito bagi kami umalis. "Hindi ka pa man nagpapasa ng quotation Boss pero mukhang approve na," sabi ni Eddie pagpasok namin sa sasakyan. "Sana nga makuha natin ang project na ito kasi ang daming unit na kailangan sayang kung hindi natin makukuha," tugon ko. "Asus! Ikaw pa ba Nathaniel ay ang galing mo kayang manligaw ng kliyente," nakangiti na sabi ni Kuya Sherwin at natawa ako sa term na ginamit nito. "Hindi nga lang sa kliyente Kuya Sherwin kahit sa mga chicks magaling din manligaw," dagdag pa ni Eddie at tiningnan ko ito. "Mali ka naman Eddie, kapag sa mga chicks hindi na kailangan ni Boss Nathan na manligaw dahil kusang lumalapit ang mga iyon," pagtatama ni Kuya Sherwin at natawa ako habang umiiling. "Project at trabaho ang pinag-uusapan natin bakit naman napunta sa babae?" natatawa na tanong ko sa dalawa at sabay na tumawa ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD