Charlotte
Ngayon ang araw ng kasal ng kapatid ko na si Clarissa. This day is supposed to be all about love and happiness but I can't help to feel sad. Masaya ako dahil nakikita ko na masaya si Clarissa. Kitang-kita ko sa mukha nito ang labis na kaligayahan at naisip ko na minsan na rin akong naging ganoon. Hindi ko mapigilan ang maalala ang isa sa masakit na pangyayari sa buhay ko. Kailangan ko kontrolin ang emosyon ko dahil ayaw ko na mag-alala ang pamilya ko sa akin.
"This is the most important and special day for her. This is not about me," paalala ko sa sarili ko bago ako pumasok sa kwarto ng kapatid ko.
Sa simbahan gaganapin ang kasal ng dalawa. From day one until the last minute ay nakakaalalay ako kay Clarissa. Medyo mahirap para sa akin pero kailangan ko suportahan at tulungan ito dahil hindi biro ang magplano ng kasal.
"Hey gorgeous," sabi ko pagbukas ko ng pinto at lumingon si Clarissa.
Napangiti ako nang tumayo ito at nakita ko ang kabuuan nito. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Sobrang ganda nito at bagay na bagay ang suot nito na gown. Hindi ako makapaniwala na ang kapatid ko ay ikakasal na. Nilapitan ko ito at niyakap ako nito ng mahigpit.
"Parang kailan lang dalaga ka pa pero ngayon ay mag-asawa ka na. Masayang masaya ako para sa iyo Rissa and I wish the both of you happiness. Congratulations and I am so happy for you," sabi ko rito habang magkayakap kami at naramdaman ko na tumango ito.
"Maraming salamat po sa iyo Ate, sa lahat-lahat ng tulong, suporta at pagmamahal mo sa amin. Lagi ka po nandiyan para sa amin lalo na sa akin Ate," emosyonal na sabi nito at tiningnan ako.
Hindi ko mapigilan ang lumuha dahil sa sinabi nito. Lahat ay gagawin at ibibigay ko para sa pamilya ko. Higit sa lahat ay sila ang importante sa akin. Ilang beses ko napatunayan na ano man ang mangyari sa akin ay hindi nila ako iiwan.
"Mahal na mahal ko kayo kaya lahat ay gagawin ko para sa inyo. Masaya ako na makita na masaya ka dahil mahalaga iyon para sa akin," tugon ko habang pareho kaming lumuluha.
Ilang sandali lang ay nagpaalam na ako rito para makapag-retouch ito ng make up. Nasa simbahan na si Chester at ang dalawa kong kaibigan. Nagpaalam ako sa mga magulang ko na nandoon din bago ako tuluyang umalis. Dumaan lang ako sa Hotel kung saan naka-check in si Clarissa bago ako pumunta sa simbahan. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na ako sa simbahan. Hindi naman malayo ang Hotel na pinanggalingan ko. Pagdating ko sa simbahan ay nasa labas pa ang ibang guest. Nakita ko si Marjorie at Monique malapit sa entrance ng simbahan. Pagkatapos ko I-park ng maayos ang sasakyan ko ay nilapitan ko muna ang magulang ni Kevin para batiin ang mga ito bago ang dalawa kong kaibigan. Maraming ang guest ng couple dahil sa mga kamag-anak at kaibigan ng dalawa. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga posibleng marinig ko mamaya mula sa mga kamag-anak namin.
"Okay ka lang?" bulong na tanong ni Monique at nakangiti na tumango ako.
Ilang minuto lang ay pinapasok na kami ng event coordinator para sabihin na malapit na mag-umpisa ang ceremony. Nag-umpisa ng pumasok ang lahat ng mapansin kong nakatingin sa amin si Karl. Nakangiti na tumango ito sa akin at ganoon din ang ginawa ko.
"Sino iyon?" curious na tanong ni Marjorie at ngumiti rin kay Karl.
"Kapatid ni Kevin," sagot ko at nakangiti na tumango-tango ito.
Gusto ni Clarissa na isama ako sa entourage pero sinabi ko na huwag na dahil hindi ako komportable. Hindi naman sumama ang loob nito o nagpupumilit at ginagalang ang desisyon ko. Masaya na ako na makita ito at hindi na kailangan na makasama pa ako sa entourage. Ilang sandali lang ay tumayo na ang lahat ng marinig ang tunog na hudyat na nandiyan na ang bride. Nakangiti na pinagmasdan ko si Clarissa habang naglalakad ito sa aisle kasama ang mga magulang ko. Pagdating sa altar ay umupo na ang lahat para sa pag-umpisa ng ceremony.
"I can't wait to be with you forever," nakangiti na sabi ni Victor habang nasa loob kami ng simbahan.
Katatapos lang ng misa pero hindi muna kami umalis. Mahigit isang linggo na lang at ikakasal na ako sa lalaki na pinakamamahal ko. Ang dami na namin pagsubok na nalampasan at marami na rin kaming pinagsamahan. Hindi naging madali pero kinaya namin at ngayon nga ay panibagong chapter sa buhay namin ang magkasama na tatahakin namin. Victor is my first boyfriend and my soon to be husband. Sa loob ng tatlong taon ay wala itong ginagawa kung hindi ang pasayahin ako at iparamdan kung gaano ako nito kamahal. Pagkatapos nito mag-propose ay para na akong nakalutang sa ulap dahil sa sobrang kaligayahan.
"You still have ten days to change your mind," biro ko rito at nagkunwari ito na may iniisip kaya tiningnan ko ito ng masama.
"Bakit ko naman iyon gagawin, Hon? Parang sinabi mo na mamatay na ako Hon, alam mo naman na ikaw ang buhay ko. Hindi ko kakayanin na mabuhay na wala ka sa buhay ko. Titigil sa pagtibok ang puso ko kapag nawala ka sa akin," sincere na sagot nito at niyakap ko ito ng mahigpit.
"Hindi ko rin naman kakayanin na mawala ka sa akin Hon," sabi ko habang yakap ito at hinigpitan nito ang pagka-kayakap sa akin.
Napatingin ako sa paligid ng marinig ko ang malakas na palakpakan at sigawan. Napatingin ako sa harapan at nakita ko na tinaas ni Kevin ang veil ni Clarissa para halikan ang asawa nito. Tumayo agad ako at pumalakpak din. Pasimpleng pinahid ko ang luha sa mga mata ko na hindi ko namalayan kanina. Inakbayan ako ni Monique at tinapik niya ako sa balikat. Napatingin ako rito at ngumiti ako. Hindi niya alam ang totoong dahilan ng mga luha ko at mas mabuti pa na hindi niya malaman. It was five years ago but the pain is still there. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa bagong kasal. Nauna ng umalis ang ibang guest at naiwan ang both parties para sa picture taking. Unang kinuhanan ng picture ang lahat kasama ang mga nasa entourage kasunod naman ang kanya-kanya na pamilya at sa huli ay ang bagong kasal. Sa akin na sumabay ang mga magulang ko at si Chester. Sa hotel kung saan ako galing kanina ay doon gaganapin ang reception ng kasal. Proud ako sa dalawa dahil talagang pinag-ipunan ng mga ito ang lahat bago nagpakasal. Pagdating doon ay nagpaalam ako sa mga ito na sa table kung nasaan ang mga kaibigan ko ako uupo at pumayag naman ang mga ito.
"Lot, ikaw ba iyan?" tanong ng pinsan ni Papa bago pa ako umupo at nakangiti na tumango ako.
Lumingon ako at nakipag-beso ako rito. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa na para bang hindi ito makapaniwala sa nakikita nito. Pasimpleng napatingin ako sa dalawa at nakatingin ang mga ito sa akin.
"Matagal na kitang hindi nakita akala ko nga ay nasa abroad ka. Hindi kasi kita nakita noong huling reunion last year. Lalo kang gumanda Lot," sabi nito.
"May asawa ka na?" sabi ko sarili ko na kasunod nito sasabihin.
"May asawa ka na ba Lot?" tanong nito at ngumiti ako dahil tama ang nasa isip ko.
"Wala pa po Tita Cherry," nakangiti na sagot ko.
"Ganoon ba? Sayang naman, nauna pa nga si Rissa na mag-asawa kaysa sa iyo," tugon nito.
"Oo nga po nauna pa siya sa akin. Darating din naman po ako sa ganyan kapag nahanap ko na po ang lalaki na para sa akin," tugon ko at tumango-tango ito.
"Dalian mo lang Lot at baka hindi mo namamalayan sobrang tanda mo na. May lahi pa naman sa side natin na matanda na dalaga at binata. Hindi ka na rin naman bumabata Lot," payo nito at tinapik ako sa balikat saka naglalakad na palayo.
"Ang haba naman ng speech niya," natatawa na sabi ni Marjorie pagkaupo ko at umiling lang ako.
"Hay naku! Intro pa lang iyon," sabi ko.
Hindi na ako nagulat sa mga sinabi ng Tita ko at sigurado ako na mas marami pa mamaya. Nang hindi natuloy ang kasal ko ay may ilan sa mga kamag-anak ko ang hindi mapalagay kung ano ang dahilan. Sinabi na lang ng magulang ko na namatay na si Victor sa isang aksidente para wala ng tanong at mukhang naniwala naman ang mga ito.
"Hindi naman nawawala ang mga ganyan," sabi ni Marjorie at tumango ako.
Pagkalipas ng ilang oras ay tumayo na ang lahat dahil papasok na ang bagong kasal. Malakas na palakpakan at sigawan ang sumalubong sa dalawa. Maya-maya lang ay sinerve na ang pagkain habang pinapalabas ang video ng kasal. Ang kasunod ay nagbigay ng speech ang mga magulang ng dalawa at ang mga sponsor para sa bagong kasal. Pumunta kami ni Karl sa harapan para magbigay ng speech para sa dalawa.
"Ang masasabi ko lang ay mahalin ninyo ang isa't isa na parang wala ng bukas. Alam naman ninyo na nandito lang ako para sa inyo. I wish the both of your happiness and more blessing," paglalahad ng message ko at lumapit ako sa mga ito para yakapin.
Bumalik na ako sa pwesto ko habang si Karl naman ay nagsasalita pa. Natawa ako dahil nakatingin si Marjorie kay Karl habang nagsasalita.
"Mukhang may bagong prospect si Margo," bulong ni Monique at natawa lang ako.
"Kumusta na iyong pinapa-imbestiga mo?" tanong ko kay Monique at uminom muna ito ng tubig bago humarap sa akin.
"By monday ay malaman ko na ang lahat dahil mag-repost na siya sa akin. Sinasabi nang puso ko na sana ay hindi totoo at paranoid lang ako. Pero sinisigaw naman nang isip ko na hindi ako pwedeng magkamali dahil sa mga sign na nakikita ko. Magkausap kami the other night at tinanong niya kung may problema ba ako dahil pakiramdam niya ay may gumugulo sa isipan ko. On that spot gusto ko siyang komprontahin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong hindi pa dapat. Hinanda ko na ang sarili ko sa kung ano man ang malaman ko," kwento nito at hinawakan ko ang kamay nito.
"Ang mga lalaki kadalasan ay takot sa sarili nilang multo. Tinanong ka niya dahil nararamdaman niya na nagsisimula ka ng magduda sa kanya," bulalas ni Marjorie habang nakatingin pa rin kay Karl.
"Sana nga hindi totoo ang pakiramdam mo kasi sayang naman kung ngayon pa masisira ng relasyon ninyo," malungkot na sabi ko at huminga ito ng malalim.
Tapos na magsalita si Karl at ngayon naman ay sasayaw ang dalawa sa unang pagkakataon bilang mag-asawa. Nakakatuwa tingnan ang dalawa dahil kitang-kita sa mga mata ng mga ito ang kakaibang kislap. Nakakainggit din dahil nakanap na ito ng lalaki na makakasama nito habang buhay. Sa edad kong ito ay hindi na ako umaasa. Mas magaan sa loob na tanggapin na lang ang mga bagay-bagay kaysa ang umasa pa. Hindi naman ako totally mag-isa dahil nandiyan naman ang pamilya at kaibigan ko.
"Can I have this dance, Ate?" nakangiti na tanong ni Kevin nang lapitan ako nito at tumango ako.
Si Karl naman ay sinayaw si Clarissa kaya si Kevin naman ang partner ko. Nanliligaw pa lang si Kevin ay nakita ko na kung gaano ito ka seryoso kay Clarissa. Nang sinabi ko rito ang mga kondisyon ko bago naging girlfriend nito ang kapatid ko walang alinlangan na pumayag ito.
"Maraming salamat Kevin dahil tinupad mo ang pangako mo sa akin," sabi ko rito habang sumasayaw kami at nakangiti na umiling ito.
"Ako nga po ang dapat magpasalamat sa inyo kasi pinagkatiwala po ninyo sa akin si Clarissa. Ang swerte po niya dahil may kapatid po siya na katulad mo po. Maraming salamat din po dahil winelcome po ninyo ako sa pamilya po ninyo," paliwanag nito at ngumiti ako.
"Ikaw na ang bahala kanya, Kevin. Ngayon ay isang pamilya na tayo kaya hindi mo na kailangan na magpasalamat," bilin ko rito at nakangiti na tumango ito.
Pagkatapos namin sumayaw ni Kevin ay sumayaw na ang ibang guests. Nilapitan ni Karl si Marjorie at nakita ko na inaya nito na sumayaw. Kanina pa hinihintay ni Marjorie na lapitan ito ng binata at sigurado ako na hindi na ito pakakawalan ni Marjorie. Bumalik na ako sa pwesto ko at naabutan ko na umiinom si Monique. Inabot nito sa akin ang isang baso na may laman na alak. Nagkatinginan muna kaming dalawa saka nag-toast.
"Isang single at isang soon to be single," pilit ang ngiti na sabi ni Monique at nag-toast ulit kami.
"Nagkatotoo nga ang sinumpaan natin na walang iwanan," natatawa na sabi ko at tumawa rin ito.
Naalala ko ang gabi na iyon na lasing na lasing kaming tatlo dahil nakipag-break ang first boyfriend ni Marjorie rito. Hindi kami sanay uminom ni Monique pero para kay Marjorie ay sinamahan namin ito hanggang maubos namin ang alak na binili nito. Nangako kami sa ilalim ng puno ng mangga na kahit anong mangyari ay hinding-hindi namin iiwan ang isa't isa at kami pa rin ang magkasama hanggang sa huli. Galit na galit si Papa ng sunduin kami dahil hindi namin kaya na umuwi. Habang nag-almusal ay panay ang sermon sa amin ni Mama.
"I won't mind basta kayo ang kasama ko," nakangiti na sabi nito at nag-toast kaming dalawa.
"Ang daya naman ninyo bakit hindi ninyo ako hinintay?" tanong ni Marjorie pagbalik nito sa table namin.
"Aba! Malay ba namin na babalik ka pa rito," natatawa na sagot ni Monique.
"Hindi ba walang iwanan," giit nito at sabay kami ni Monique na tumawa.
Umupo na ito at kumuha ng baso saka nilagyan ng alak. Nakaupo lang kaming tatlo umiinom habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid namin.