Charlotte Isang linggo pa bago ang birthday ko kaya hindi ko inaasahan ang supresa na inihanda ni Nathaniel para sa akin. Buong akala ko ay simpleng overnight lang ang pupuntahan namin pero nagulat ako nang buksan ko ang pinto kanina. Na touch talaga ako sa mga picture na nakasabit sa mga lobo. Dalawang taon din na ang pamilya at mga kaibigan ko ang kasama ko na mag-celebrate ng birthday ko. Ang bilis ng panahon dahil hindi ko namalayan na birthday ko na at sampung buwan na kami na magkasama ni Nathaniel. Sa loob ng ilang buwan na iyon ay masayang masaya ako dahil wala naman kaming problema ni Nathaniel aside sa mga tampuhan. Sa mga picture ay makikita kung gaano kami kasaya kaya naman hindi ko mapigilan na hindi maging emosyonal. Ayaw kong sabihin kay Nathaniel pero isang malaking challe

