Charlotte "Okay ka lang ba Babe?" tanong ni Nathaniel sa akin at napatingin ako sa kanya. Medyo malungkot ako ngayon dahil hindi ko kasama ang mga kaibigan ko at ang pamilya ko sa pinakamasaya sanang araw sa buhay ko. Si Mama at Papa ay may pupunta na charity event. Nagkataon kasi na pumatak ng Sunday ang birthday ko kung saan ay may schedule talaga ang dalawa na sumama sa event. Mula ng mag-resign si Mama bilang public school teacher naging advocacy na niya ang sumama sa mga program na tumutulong sa mga kabataan. Si Papa naman ay matagal ng tumigil sa pagiging mekaniko. Kaya nga ng nagsimula na ako kumita ay ako na ang umako sa pag-aaral ng dalawang kapatid ko. Tinawagan ako ni Clarissa the other day at sinabi niya na baka hindi pa sila makabalik ni Kevin. Bumisita kasi ang dalawa sa

