Chapter 10 - This has to stop

2301 Words
Charlotte Isang linggo ako na hindi pumasok sa office at laging nasa field. Nagpaalam ko kay Miss Jasmine na may mga client ako na I-meet sa labas at pupuntahan. Hindi naman ako umaasa na tutuparin ni Nathaniel ang sinabi nito pero naninigurado lang ako kaya mas pinili ko na mag-field kaysa ang mag-stay sa office. Ngayon ako magre-report kay Miss Jasmine ng mga bago kong client na nakuha sa loob ng isang linggo. Pagpasok ko sa building ay si Audrey agad ang nakita ko. Naghihintay ito sa elevator at abala sa phone nito. "Sana lang ay hindi masira ang araw ko," sabi ko sa sarili habang naglalakad papalapit sa elevator. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa nang maramdaman nito ang pagtayo ko malapit dito. Saglit ko na pinagsisihan na sumabay pa ako dito dahil mukhang masisira talaga ang araw ko dahil dito. Ramdam ko na panay ang pagtingin nito sa akin pero hindi ko ito pinansin. Nagkataon pa na kami lang dalawa ang sakay ng elevator kaya ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. "Gaya-gaya ka talaga kahit kailan. Wala ka bang originality? Ganoon ka na ba ka desperada na malampasan ako?" halatang inis na tanong nito at nagtataka napatingin ako rito. "Ano ba ang pinagsasabi mo Audrey? Hindi kita kailangan gayahin para lang malampasan ka. Wala rin ako balak na makipag-kumpetensya sa iyo dahil kung tutuusin ay nasa isang team lang tayo," paglilinaw ko rito at inismiran ako nito. "Nag-feild ako at ganoon din ang ginawa mo. Hindi ka naman lumalabas ng ganito katagal. Naghahabol ka ba dahil malapit na ang awarding para sa top sales?" pagbibintang nito at napailing na lang ako dahil sa nonsense na sinasabi nito. "Bahala ka Audrey kung ano ang gusto mo isipin. Hindi ko alam na nag-feild ka this week dahil hindi ko naman alam ang buong schedule mo. Hindi ko rin kailangan magpaliwanag sa iyo kung bakit as long as ginagawa ko ang trabaho ko. Kung sa palagay mo ay panggagaya ang ginawa ko ay wala na akong masasabi," paliwanag ko rito at humarap ito sa akin. "Malakas ang loob mo dahil kay Ms. Jasmine pero once na maging Team Sales Manager ako ay sisiguraduhin ko na magiging kulelat kayong dalawa," nakangiti na banta nito at tiningnan ko lang ito saka ngumiti. Ilang sandali lang ay bumukas na ang elevator at nauna na akong lumabas ng pinto para iwan ito. Hindi ko sasayangin ang oras ko para lang makipagtalo rito. Ayaw ko na rin masira pa nang tuluyan ang araw ko. Pagpasok ko sa office ko ay kasunod ko naman pumasok si Irene. "Mukhang nakasabay mo ang dragon," natatawa na sabi nito habang pinapatong ko ang gamit ko sa lamesa. "Nagbubuga ng apoy bago pumasok sa opisina niya. Lahat ng nakasalubong ay sinisigawan parang baliw. Nakakaawa ang mga advisor na under niya at hindi ko ma-imagine kung paano nila ito pakisamahan," kwento nito at napailing lang ako dahil sa pagiging immature ni Audrey. "Kumusta naman dito?" tanong ko habang tinitingnan ko ang mga folder sa ibabaw ng table ko. Mga application form iyon galing sa mga advisor na hawak ko. Ang iba naman doon ay application for computation na kailangan ko double check ang mga information bago ko ipasa sa finance department kung saan ay gagawan naman nila ng quotation. Ibabalik iyon sa customer ng advisor para ipaliwanag. Affordable at flexible naman ang mga inaalok namin na insurance kaya hindi siya mahirap ialok sa mga client. "Matahimik as in sobrang mapayapa ang lugar na ito dahil wala ang dragon este si Audrey," nakangiti na sagot nito at natawa ako sa sagot nito. "May lalaki nga pala na laging pumupunta rito at hinahanap ka," sabi nito at bigla akong napatingin dito. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may naghahanap sa akin pero ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Pakiramdam ko mabibingi na ako sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Nagdadalawang isip ako kung kailangan ko pa bang tanungin o balewalain ko na lang. "Ano raw ang kailangan?" hindi nakatiis na tanong ko rito. "Tungkol daw sa pinasa mo na proposal sa kanya at kilala siya ni Miss Jasmine," sabi nito at kahit paano ay nakahinga ako ng malalim dahil hindi naman si Nathaniel ang tinutukoy nito. "Okay," tugon ko. "Binigay ko na lang ang number mo para matawagan ka niya tungkol sa proposal na tinutukoy niya," dugtong nito at tumango-tango ako. "Ito na nga pala iyong mga quotation na pinasa natin last week," sabi nito at inabot sa akin ang isang brown envelop. "Maraming salamat," nakangiti na sabi ko at tumayo na ito saka lumabas ng office ko. Isa-isa ko na binuksan ang mga folder para tingnan ang mga form for double check. Hiwalay ang for encoding at ang mga for quotation. Mabilis na lumipas ang oras at hindi ko namalayan na lunchtime na pala. Napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang pagkatok ni Irene. "Lunch na tayo Sis," nakangiti na sabi nito at tumango ako. Inayos ko muna ang mga gamit ko. Nilagay ko sa drawer ang mga folder na ginagawa ko kanina. Tumayo na ako at kinuha ko ang bag ko saka kami lumabas ng office. Sa isang Restaurant malapit sa office kami kumain ng lunch. Pagkatapos namin mag-lunch ay dumaan kami sa isang coffee shop para mag-take out ng kape at cake. Nagbibiruan kami habang naglalakad pabalik ng office. Paglabas namin ni Irene sa elevator ay nakasalubong naman namin ang grupo ni Audrey. Halos tumagos ang tingin ni Audrey sa akin ng nakasalubong ko ito. "Bakit kaya galit na galit siya sa iyo, Charlotte?" tanong ni Irene at nagkibit-balikat lang ako. Naghiwalay na kami ni Irene, bumalik na ito sa pwesto nito at ako naman ay sa office ko. Hindi pa nagtatagal ay tumunog ang phone ko notification na may nag-message. Binuksan ko iyon at nakita ko ang message ni Ms. Jasmine kaya agad ko iyon binasa. Meeting with a client ang message nito. Nakalagay roon ang buong address ng isang Restaurant at kung anong oras kami magkikita. Nag-reply ako ng okay para sa confirmation. Tinapos ko na ang ginagawa ko kanina para maipasa ko na lahat ng iyon. Pagkalipas ng ilang oras ay natapos na rin ako. Tinawagan ko naman isa-isa ang mga advisor ko para sabihin na nandito na sa office ko ang mga hinihintay nila na quotation. "Mauna na ako sa iyo Irene at may meeting pa kami ni Ms. Jasmine sa isang client mamaya," paalam ko kay Irene at tumango-tango ito. Tumingin ako sa orasan ko at four o'clock na may oras pa ako para umuwi at magpalit ng damit kasi six thirty pa naman ang usapan namin. Pagdating ko sa bahay ay nagpahinga muna ako saka naligo. Isang casual dress lang ang sinuot ko. Pagkatapos ko magbihis ay umalis na ako ng bahay. Nag-message na ako kay Ms. Jasmine bago umalis para malaman nito na on the way na ako. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na ako sa Restaurant na tinutukoy ni Ms. Jasmine. Sakto lang ang dating ko dahil hindi pa ma-traffic. Pagpasok ko sa Restaurant ay nakita ko agad si Ms. Jasmine kaya nilapitan ko ito. "Good evening Ms. Jasmine," nakangiti na bati ko nang makalapit na ako rito. "Good evening din sa iyo Charlotte," tugon nito at tumayo para makipag-beso. "Pasensya na kung medyo late iyong invitation ko para sa client meeting na ito. Highly requested ka kasi ni client kaya ako nag-message sa iyo," sabi nito at nagtaka ako pero hindi ko pinapahalata. Curious tuloy ako kung sino ang tinutukoy nito na client na highly requested ako. Bago pa ako makapag-tanong kung nasaan na ang client ay may kinawayan na ito. Umayos ako ng upo at dahil nakatalikod ako sa direksyon ng pinto kaya hindi ko agad makikita kung sino iyon pero inaasahan ko na nakilala ko na ang client na kakausapin namin ngayon. "Good evening Ms. Jasmine," bati ng lalaki rito kaya tumayo ito at ganoon din ang ginawa ko. Natigilan ako nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko. Ibang iba ang itsura nito kumpara nang makita ko ito a week ago. Nakasuot ito ng dark blue na long-sleeved at black pants. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatingin dito. Nakipag-kamay muna ito kay Ms. Jasmine bago humarap sa akin. "Good evening Ms. Olivarez," nakangiti na bati nito sa akin at inilahad ang kamay nito. Hindi na ito pinakilala sa akin ni Ms. Jasmine dahil ang alam nito ay magkakilala na kami. Pilit ang ngiti na tinanggap ko ang kamay nito pero binawi ko iyon agad. Kahit saglit lang nagdikit ang balat namin ay hindi ko maiwasan makaramdam ng kuryente na dumaloy naman sa buong katawan ko. Sinenyasan kami nito na umupo at tinawag muna nito ang waiter bago ito umupo. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon dahil isang linggo ko ito iniwasan pero sa bandang huli ay nagkita pa rin kami. "We will be having the chef's choice," sabi nito sa waiter at tumango naman ang waiter bago umalis. "Kaibigan ko kasi ang may-ari ng Restaurant na ito. Every time na kumakain kami rito ay iyon ang ginagamit namin na code para sabihin na ang chef na bahala kung ano ang lulutuin niya para sa atin," paliwanag nito habang nakatingin dito si Ms. Jasmine. "Where do I signed?" tanong nito at hindi ko mapigilan ang taasan ito ng kilay. Sinenyasan ako ni Ms. Jasmine na ako na ang magpaliwanag dito. Kinuha ko mula sa bag na dala ko ang ilan sa mga form para sa iba't ibang service na inaalok namin. Isa-isa ko iyon ipinaliwanag dito at nakita ko naman nakikinig ito sa mga sinasabi ko. Kahit paano ay nawala ang doubt ko na excuse lang nito ang pagkuha ng insurance dahil mukhang interesado nga ito. Pagkatapos ko magpaliwanag ay dumating na ang pagkain na inorder nito. "Let's eat while discussing your proposal," sabi nito at nagkatinginan naman kami ni Ms. Jasmine. Marami na akong napuntahan na Restaurant dahil kadalasan ay sa labas ko minimeet ang mga client ko. This is the best food I have ever tasted. "I will get health insurance for my parents and life insurance for me," sabi nito habang kumakain kami. "Gusto ko sana mag-request ng quotation para sa mga employee namin dahil gusto ko sana na ikuha rin sila. Although kumpleto naman sila sa benefits I think the company needs to give them this insurance. Pero kailangan ay pag-aralan muna namin dahil baka hindi kayanin ng company na ma-shoulder lahat. I would appreciate kung mabigyan ninyo kami ng quotation na very affordable and reasonable para hindi naman mahirap para sa company," paliwanag nito at tumango lang ako. Tiningnan ko ito at mukhang seryoso naman ito sa mga sinasabi nito. Kumuha ako ng tatlong form at inabot ko iyon dito. "Would you mine kung dalhin ko na lang bukas ang mga form? Hindi ko kasi kayang sagutan lahat ng information dito," sabi nito ng tiningnan ang mga form. "Of course Mr. Silvano," nakangiti na tugon ni Ms. Jasmine at ngumiti naman ang binata habang nakatingin sa akin. Isa lang ang ibig sabihin noon, magkikita pa ulit kami. Pagkatapos namin kumain ay nauna ng umalis si Ms. Jasmine dahil may pupuntahan pa ito. Naiwan kaming dalawa at gusto ko na sana umalis pero umorder pa ito ng wine. "Siguro naman ay bayad na ako," sabi ko pagkatapos ko uminom ng wine at umiling ito. "Nope," umiiling na sagot nito. "Charlotte, this is just the beginning of pursuing you to have dinner with me," nakangiti na tugon nito at kunot noo napatingin ako rito. "What do you mean? We just had dinner earlier. What else do you want?" inis na tanong ko rito. Tinukod nito ang braso sa lamesa at dahan-dahan nilapit ang mukha sa akin. Sumandal naman ako para makalayo rito dahil ang weird ng nararamdaman ko at hindi ko nagustuhan iyon. "What I said is have dinner with me and it doesn't have to be work related," nakangiti na paliwanag nito at huminga ako ng malalim saka inubos ang laman ng baso ko. "Nainip na kasi ako sa tawag mo bago isang linggo ka na wala sa office mo. Naisip ko na kailangan ko rin naman ng insurance para sa akin at parents ko kaya humingi ako ng appointment kay Ms. Jasmine," dagdag nito at saglit na pumikit ako. Hindi na ako makipagtalo pa dito dahil mukhang hindi ito ang tipo ng tao na magpapatalo. Sa nakikita ko ay ito ang tipo ng tao na hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto nito. "Okay Mr. Silvano, thank you for the food. You can just drop the forms tomorrow in my office," sabi ko rito at tatayo na sana ako pero pigilan ako nito. "I want to hand it to you personally," giit nito habang nakatingin sa mga mata ko at napalunok ako dahil iba ang nakikita ko sa mga mata nito. Tiningnan ko ang kamay nito sa braso ko at tinanggal naman nito iyon saka umayos ito ng pagkakaupo. Gusto ko na lang na matapos na ito dahil ayaw ko na makita at makasama pa ito. I can't trust myself when I am around him and before things get out of hand I need to distance myself from him. May kinuha ako sa wallet ko at inabot ko rito ang calling card ko. "Tawagan mo na lang ako kapag okay na ang mga form at ako na mismo ang kukuha," sabi ko rito at tumayo na ako. "Goodbye Mr. Silvano," paalam ko bago ako umalis. Pagdating ko sa sasakyan ay ilang minuto ako nakatitig sa manibela. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi pa rin normal ang t***k noon mula pa kanina. Saglit ako pumikit para pakalmahin ang sarili ko pero mukha ng binata ang nakikita ko. "This has to stop," sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD