Charlotte
"Pasensya ka na kung umalis agad ako kagabi birthday kasi ni Mama. Umalis ka na rin ba o nag-stay ka pa? Siya na ba ang magdadala ng mga form dito o ikaw ang kukuha sa kanya?" tanong ni Ms. Jasmine at bigla akong napatingin sa kanya.
"Ha?" tanong ko at bigla siya tumawa.
Naguguluhan nakatingin ako sa kanya dahil bigla siya tumawa. Kasalukuyan nasa office ako ni Ms. Jasmine para ipasa ang mga form na ginawa ko kahapon. Halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil kapag pinipikit ko ang mga mata ko ay ang mukha ng binata ang nakikita ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil ganito ang nararamdaman ko para sa binata. Hinahayaan ko na maapektuhan ako sa presensya niya na hindi naman dapat. Hanggang hindi ko ginagawa ang gusto niya ay sigurado ako na hindi niya ako titigilan kaya kagabi ay nakapag-desisyon ako na tatawagan ko siya para pagbigyan na siya sa dinner na sinasabi niya. Gusto ko na lang na matapos ang lahat ng ito.
"Don't tell me Charlotte, wala ka naiintindihan sa lahat ng mga sinabi ko sa iyo kanina pa?" hindi makapaniwala na tanong niya at alanganin na ngumiti ako saka umiling.
"May problema ka ba, Charlotte?" nag-aalala na tanong niya at umiling ako saka yumuko.
Nakakahiya dahil kahit sa trabaho ko ay apektado pa rin ako dahil sa kanya. Hindi na talaga pwede na magpatuloy pa ito at kailangan ay matapos ko na ito hanggang maaga pa. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil just by thinking of him makes my heart go crazy.
"Sorry Ms. Jasmine, I was distracted by something personal but don't worry this won't happen again," sagot ko sa kanya at tiningnan niya ako ng mabuti saka tumango.
"Kung ano man iyan Charlotte na gumugulo sa iyo ay kailangan mo agad harapin para hindi na lumala pa. Tandaan mo na lahat ng bagay ay may dahilan at lahat ng problema ay may solusyon," payo niya sa akin at nakangiti na tumango-tango ako.
Pagkatapos ko ibigay ang mga form sa kanya ay nagpaalam ako na aalis na pabalik sa table ko. Hindi ko na kailangan maghintay pa kung pwede ko naman magawan agad ng solusyon. Tama si Ms. Jasmine kung patagalin ko pa nga naman ay magiging malala pa ang sitwasyon. Pagdating ko sa office ay hinanap ko agad ang calling card niya. Tinitigan ko iyon habang iniisip ko ang mga salita na gagamitin ko at kung paano ko sasabihin sa kanya. Huminga ako ng malalim saka ko dinail ang number niya. Habang nag-ring ay para naman may tambol sa puso ko na sumasabay sa pag-ring.
"Good morning," sagot niya sa tawag ko pagkalipas ng ilang ring at muntik ko nang mabitawan ang phone ko.
"Good morning too Mr. Silvano," tugon ko ng makabawi na ako at bigla ko na imagine ang nakangiti na mukha niya kaya ilang beses na umiiling ako para mawala ang imahe niya
"I called to ask if the form has been filled up?" tanong ko sa kanya.
"Yes," simple na sagot niya at nag-salubong ang kilay ko dahil seryoso ang tono ng boses niya.
"That's great Mr. Silvano, is it okay if I can get it now?" tanong ko.
"Okay, I will send you the address where can you get them," sagot niya at tumango-tango ako.
"Thank you Mr. Silvano and have a nice day ahead," pilit ko na pinasigla ang boses ko at pinatay ko na ang tawag.
Tinitigan ko ng matagal ang phone ko dahil hindi iyon ang inaasahan ko na magiging takbo ng pag-uusap namin. Nanibago ako dahil iba ang awra niya kagabi sa dinner at kanina habang kausap ko siya.
"Ano ba kasi ang inaasahan ko? Ako lang ba ang nag-iisip na there is more to it? Nag-assume lang ba ako na there is something else? Ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito?" naguguluhan na tanong ko sa sarili ko.
Napaigtad ako nang tumunog ang notification sa phone ko. Binuksan ko ang phone ko at nakita ko ang address na send niya. Huminga muna ako ng malalim saka ako tumayo at kinuha ang bag ko. Dumaan ako sa table ni Irene para sabihin na lalabas muna ako at binilin ko ang mga document sa ibabaw ng table ko. Habang nasa biyahe ay binabalikan ko sa isip ko ang lahat mula sa pagkikita ulit namin hanggang sa kanina. Ngayon ay mas naguguluhan ako sa sarili ko dahil imbes na maging kampante na ako dahil clearly ay ako lang pala ang nag-iisip ng mga bagay-bagay pero may parte ng isip ko na hindi convinced. Pagkalipas ng mahigit isang oras ay nasa tapat na ako ng isang three storey building na may malaking signage. Tiningnan ko muna sa salamin ang sarili ko at nag-apply ako ng lipstick bago ako bumaba ng sasakyan. Naabutan ko ang grupo ng mga kalalakihan na nag-kumpulan.
"Excuse me po, nandiyan po ba si Mr. Nathaniel Silvano?" nakangiti na tanong ko at tumingin ang mga ito sa akin.
Natawa ako dahil sabay-sabay na tinuro ng mga ito ang direksyon at tumango naman ako. Nagpasalamat muna ako sa mga ito bago ako naglakad papasok. Pagpasok ko ay may apat na babae na tumingin sa direksyon ko.
"Good morning Ma'am," nakangiti na bati ng mga ito sa akin.
"Good morning too," nakangiti na tugon ko.
"I am looking for Mr. Nathaniel Silvano?" tanong ko.
Isa sa apat na babae ang tumayo at nilapitan ako. Mukhang inaasahan ni Nathaniel ang pagdating ko dahil sinenyasan ako ng babae sa sumunod sa kanya pag-akyat papunta sa opisina niya. Inayos ko ang sarili ko dahil kailangan ay maging professional at presentable ako sa pagharap ko sa kanya.
"Boss, nandito na po siya," narinig ko na sabi niya pagbukas ng pinto at narinig ko na tumugon ang binata.
"Pasok na po kayo," nakangiti na sabi niya.
"Thank you," nakangiti na tugon ko at pumasok na ako sa loob.
Pagpasok ko ay nakita ko na may kausap si Nathaniel sa phone. Sinenyasan lang ako nito na umupo at tumango lang ako. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ng opisina niya. Ilang sandali lang ay pumasok na ang babae na nag-assist sa akin kanina at may dala siyang kape. Sinenyasan ito ni Nathaniel na iabot sa akin ang mga folder na nakapatong sa lamesa niya. Binuksan ko ang mga iyon para tingnan kung kumpleto na ang details. Ang huling folder na binuksan ko ay kay Nathaniel. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang date of birth niya at agad ako napatingin sa age niya.
"He is only twenty-seven?" hindi makapaniwala na tanong ko sa sarili ko at napatingin ako sa binata na hanggang sa oras na iyon ay may kausap pa rin.
Kung titinWw@gnan ay mukhang twenty-seven nga ang binata pero hindi ko inaasahan na iyon nga talaga ang edad niya. I was thinking maybe thirty plus but not below that age. Hindi ko alam pero bigla ko naisip kung ilang years ang gap naming dalawa at marahan na umiiling ako. That's explain everything and his actions dahil bata pa siya. Kasing edad lang siya ng kapatid ko na si Clarissa. Pinasok ko na agad ang form nito pagkatapos ko ma-check ang mga details.
"Sorry," sabi niya at napatingin ako sa binata.
"It's okay Mr. Silvano. Tiningnan ko na po ang mga details sa form at kumpleto naman po. Ipapasa ko na po siya para for encoding then after two days ay ibabalik ko na po ito sa inyo," paliwanag ko habang nakatingin sa binata.
May sinusulat siya at pagkalipas ng ilang minuto ay tumayo saka naglakad papalapit sa akin. Inabot niya sa akin ang check payment para sa tatlong policy na kinuha niya. Siningit ko na iyon sa folder at pinasok sa envelop. Ramdam ko nakasunod ang tingin nito sa bawat kilos ko.
"Thank you so much for trusting our company Mr. Silvano," nakangiti na sabi ko sa kanya at nilahad ko ang isang kamay ko.
"Please stop calling me Mr. Silvano, just call me Nathaniel or Nathan," sabi niya habang hawak ang kamay ko.
Babawiin ko na ang kamay ko pero mukhang wala itong balak na bitawan iyon hanggang hindi ako tumutugon sa sinasabi niya. Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay tumatagos sa kaluluwa ko ang tingin niya. Pinisil niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Okay. N-Nathaniel," halos ayaw pa lumabas sa bibig ko ang pangalan niya.
Akala ko ay bibitawan na niya ang kamay ko dahil nabanggit ko na ang pangalan niya pero hinigpitan pa nito ng subukan ko na bawiin. Tiningnan ko ang kamay naming dalawa na magkalapat at napatingin ulit ako sa mukha niya. Habang hawak niya ang kamay ko ay parang may kuryente naman na dumadaloy sa buong katawan ko. Kanina pa mabilis ang t***k ng puso ko at hindi iyon magandang senyales.
"How about that dinner?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Umiwas agad ako ng tingin at saglit napapikit dahil muntik ko na iyon makalimutan. Gulong-gulo na ako sa mga ipinakita ng binata sa akin.
"About that dinner we can do it tonight just to get this thing over," sagot ko at ngumiti naman siya.
"Charlotte, this thing is far from being over," bulong niya at tiningnan ko ito ng masama.
"What do you mean?" naguguluhan na tanong ko sa kanya.
"I will pick you up by seven o'clock," nakangiti na tugon niya.
"Excuse me," sabi niya at tumalikod na.
Magsasalita pa sana ako para linawin ang sinabi niya kanina pero may kausap na ito sa phone. Sasabihin ko rin sana na huwag na niya ako sunduin at paano naman niya malalaman kung saan ako nakatira. Naghintay ako ng ilang minuto pero nakatalikod pa rin ang binata. Naisip ko na tawagan o message ko na lang siya mamaya tungkol sa location ng Restaurant. Kinuha ko na ang gamit ko at tumayo na. Bago ako tuluyang lumabas ay tiningnan ko muna siya pero abala pa rin siya.
"Masyadong bilib sa sarili niya," bulong ko pagkalabas ko sa office niya.
Pagdating ko sa baba ay nagpaalam ako sa mga ito bago tuluyang lumabas ng building. Kailangan ko ihanda ang sarili ko mamaya dahil iba ang ibig niya sabihin kanina. Kailangan masigurado ko na mamayang gabi na huling pagkakataon na magkikita kami. Bago ako tuluyan sumakay sa sasakyan ay lumingon ako at tumingin sa direksyon ng office niya. Saglit ako nagulat nang makita ko nakatingin siya sa akin and this time wala na siyang kausap.