Nathaniel
"Ano ba Boss ang pinagsasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Kuya Sherwin.
Sinilip ko si Charlotte mula sa katapat ko na salamin at nakita ko nakatayo pa rin siya sa likuran ko. Hinihintay siguro niya na matapos ako sa pakikipag-usap ko. Hindi ko hahayaan na magbago pa ang isip niya kaya ako tumalikod para isipin niya na abala ako. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang pagsara ng pinto kaya dahan-dahan ako lumingon para kumpirmahin na wala na talaga siya.
"Okay ka lang ba Boss? Tinatanong ko lang naman Boss kung paalis na tayo," dugtong na tanong pa no Kuya Sherwin at napangiti ako.
"Oo paalis na tayo," sagot ko at pinatay ko na ang phone.
Nilagay ko na ang laptop ko sa bag kasama ang ibang documents. Niligpit ko rin ang ibang mahahalagang documents na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ko. Pagkatapos ay bumaba na ako para bilinan ang mga secretary sa mga gagawin ng mga ito. Matagal na ang mga ito sa company kaya naman alam na ng mga ito ang gagawin. Si Joy, ang gumagawa at nagmo-monitor ng mga schedule. Si Gemma at Cess ang in-charge sa mga quotation at encoding. Si Gina naman ang pinakamatagal sa apat kaya siya mostly ang sa payroll at mga bagay na may kinalaman sa pera. Pagkatapos ko ibilan sa mga ito ang gagawin ay lumabas na ako ng building. Naabutan ko si Kuya Sherwin kausap ang ilan sa mga technician. Three-story building ang opisina namin. Sa first floor ay ang receiving area at workshop. Sa second floor ay office ko at stock room. Sa last floor ay mini conference at showroom namin kung saan ay naka-display ang mockup ng mga iba't ibang air-conditioning unit.
"Boss, ano ba iyong mga pinagsasabi mo kanina? Nagulat ako at nagtatae dahil wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo," tanong ni Kuya Sherwin pagsakay namin sa sasakyan ko at napangiti ako.
"Wala iyon," nakangiti na tugon ko.
"Good mood ka na ata Boss," puna ni Kuya Sherwin at napatingin ako sa kanya.
Kagabi pagkatapos ng dinner ay dumiretso ako sa bar ni Darwin dahil hindi nangyari ang plano ko. Buong akala ko kasi ay kami lang ni Charlotte ang magkasama sa dinner na iyon pero kasama pala namin si Ms. Jasmine. Hindi ata niya na gets ang ibig ko sabihin na si Charlotte ang request ko na makasama. Pagdating ko sa Restaurant ay wala na akong nagawa nang makita ko ang dalawa. Plano ko naman talaga na kumuha ng insurance policy. Hindi ko maiwasan na humanga kay Charlotte habang nagpapaliwanag siya kagabi. Pinilit ko na umakto nang normal dahil ayaw ko na makahalata si Ms. Jasmine. Nang umalis naman si Ms. Jasmine ay umalis na rin ai Charlotte. Marami akong nainom kagabi kasama ang mga kaibigan ko kaya naman hindi maganda ang gising ko kanina. Pagdating ko sa office ay problema naman agad ang sumalubong sa akin. Katatapos ko lang makausap si Eddie tungkol sa hawak nitong project na nagkaroon ng aberya. Nang tumawag si Charlotte ay wala ako sa mood dahil ang sakit nang ulo ko. Masaya ako dahil tumawag siya pero ang inaasahan ko ay tungkol sa dinner ang sadya ng pagtawag niya.
"May kinalaman siguro iyong magandang chick kanina," sabi niya at sinuplayan ko siya saka tumawa nang malakas.
"Mukhang siya nga ang dahilan dahil ang lapad ng ngiti mo Boss," natatawa na sabi niya at natawa na rin ako.
Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na kami sa site ni Kuya Sherwin. Sinalubong agad kami ni Eddie at nagpaliwanag kung ano ang nangyari. Pinuntahan agad namin para makita ang problema. Nagkamali ang mga technician sa pag-latag ng piping at hindi iyon ang nasa plano. Kailangan ay baguhin na agad iyon bago pa makita ni Mr. Polaris. Huminga ako ng malalim at sinilip ko ang gawa ng mga ito.
"Ulitin na lang ninyo Eddie, tawagan mo si Joy tanungin mo kung tapos na ang team ni Kim para maka-diretso na sila rito," instruction ko at tumango ito.
"Sorry Boss," nakayuko na sabi ni Eddie at tinapik ko siya sa balikat.
"Samantalahin mo na Eddie hanggang good mood pa si Boss," natatawa na bulong ni Kuya Sherwin at umiling lang ako.
Nandoon na rin naman kami kaya sinilip na namin ang iba pang ginawa ng mga ito. Okay naman pero may ilan na kailangan ayusin para maging malinis tingnan. Tinuro ko kay Eddie ang mga iyon para mabalikan. Ilang linggo na lang at malapit ng matapos ang pagkakabit ng mga unit. Pagkatapos noon ay mag-finishing na sila at pintura. Hihintayin na lang namin ang tawag ni Mr. Polaris para sa testing ng mga aircon. Nagpaiwan na si Kuya Sherwin sa site at ako naman ay diretso na sa bahay para maghanda. Kailangan ko pa sunduin si Charlotte para sa dinner date namin. Akala niya ay hindi ko alam ang bahay niya kaya sigurado na magtataka ito. Ang hindi niya alam ay binigay ni Irene ang buong address niya nang minsan na pumunta ako sa office ni Charlotte. Pagkatapos ko maligo at magbihis ay nag-drive na ako papunta sa bahay ni Charlotte. Dumaan muna ako sa isang flower shop para bumili ng bulaklak. Hindi nagtagal ay nasa harapan na ako ng bahay ni Charlotte. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.
"How did you know my address?" gulat na tanong ni Charlotte sa akin pagbukas nito ng pinto.
"Does it matter now?" tanong ko sa kanya at inabot ang dala ko na bulaklak.
Hindi ko na pigilan ang pagmasdan si Charlotte mula ulo hanggang paa. Napakaganda niya at hindi ako magsasawa na tiningnan siya. Marami na akong babae nakilala at nakasama pero iba ang epekto ni Charlotte sa akin.
"Ready?" nakangiti na tanong ko at tumango siya saka sinara ang pinto.
Kinuha ko ang kamay niya at hindi naman siya tumutol o tumanggi. Inalalayan ko siya paglalakad papunta sa sasakyan ko hanggang sa makasakay siya. Habang nasa biyahe ay wala kaming imikan ni Charlotte. The same Restaurant ang pinuntahan namin pero this time ay sa rooftop kami nakapwesto. Humingi ako ng pabor kay Vince ang owner ng Restaurant na kung pwede ay doon kami kumain at pinagbigyan naman niya ako. .
"Thank you," sabi ni Charlotte nang alalayan ko siya na umupo.
"Like it?" tanong ko habang inililibot niya ang tingin sa paligid saka siya tumango.
Kailangan ko tawagan si Vincent bukas para pasalamatan siya dahil nag-effort ito na gawing romantic ang lugar. Maya-maya lang ay dumating na ang pagkain namin at ang inorder ko na wine. Pag-alis ng waiter ay binuksan ko ang wine saka nilagyan ko ang baso ni Charlotte. Matahimik na sinimulan namin na kumain.
"How's the food?" tanong ko sa kanya at uminom muna siya ng wine bago tumingin sa akin.
"One of the best," nakangiti na sagot niya at ngumiti rin ako.
"Matagal ka na sa work mo?" tanong ko at tumango si Charlotte na halatang hindi komportable.
"Sorry kung napapayag kita sa dinner na ito na labag sa kalooban mo. I just want to know you because I didn't had the chance before," since na sabi ko at tumingin siya sa akin.
"Hindi mo naman kailangan na mag-sorry kasi may pagkakamali rin naman ako. Hinusgahan kita agad-agad kahit hindi pa naman kita kilala," tugon niya pagkalipas ng ilang minuto na katahimikan.
"I'm Nathaniel Silvano, six flat in height, basketball player during high school and college days, outgoing and I like outdoor activities. I manage our family business which deals with air-conditioning unit," pagpapakilala ko sa sarili ko at napatingin siya sa akin saka ngumiti.
"I'm Charlotte Olivarez, 5'5 in height and the eldest among two siblings. I work as Unit Manager and financial advisor for more than five years now," pagpapakilala naman niya at nilahad ko ang kamay ko sa kanya na tinanggap naman niya.
"Single?" tanong ko para lang maka-sigurado at tumango siya saka umiwas ng tingin.
Pinigilan ko ang mapangiti dahil sa sagot niya. Masaya ako kasi nararamdaman ko na unti-unti na siya naging komportable dahil ngumingiti na siya. Nag-umpisa na kaming magkwentuhan tungkol sa pamilya, trabaho at iba pang bagay. Masaya at magaan na kausap si Charlotte kaya nag-enjoy ako na makausap siya. Napapangiti ako kapag naririnig ko siya na tumawa. Hindi nga lang ako sigurado kung nag-eenjoy ba siya na kasama ako o dahil marami na siyang nainom.
"Let me take you home," sabi ko ng mapansin kong may tama na siya ng alak.
Inalalayan ko siya na maglakad pababa ng Restaurant hanggang sa sasakyan ko. Pag-upo ni Charlotte ay agad siya pumikit kaya napatitig ako sa mukha niya. Bigla ko naalala ang gabi kung saan ko siya una nakita at ang gabing nakasama ko siya. Sinuot ko ang seat belt niya at napatigil ako nang tumapat ang mukha ko sa kanya. Napatingin ako sa labi nito na para akong hinihigit papalapit pero napahinto ako dahil ayaw kong halikan ito sa ganoon na sitwasyon. Ayaw ko samantalahin ang pagkakataon kung saan ay hindi ito aware. Pagkatapos ko ma-secure ang pwesto nito ay saka ako lumipat sa driver's seat.
"Charlotte, we are here," bulong ko sa kanya habang marahan na yinuyugyog ang braso nito.
Dahan-dahan niya minulat ang mga mata at saglit na nagtaka bago ngumiti. Tinulungan ko siya na tanggalin ang seat belt at makababa ng sasakyan. Hindi ko binitawan ang kamay niya hanggang makarating kami sa tapat ng pinto.
"Thank you," nakangiti na sabi niya.
"I hope you enjoy," sabi ko.
"Yes, I really enjoy the food and the wine too. It was one of the best I had. Good night and drive safely," sabi niya.
Bago pa siya mawala sa paningin ko ay hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya sa mga mata ko at inangat ko ang isang kamay ko para haplusin ang pisngi niya. Bumuka ang bibig niya at bago pa siya makapagsalita ay lumapat na ang labi ko sa labi nito. Sa una ay hindi muna siya tumugon pero ilang sandali lang ay nararamdaman ko na ang paggalaw ng labi niya. I have been wanting to do it since the day I saw her again. I just missed those soft and sweet lips. Pagkalipas ng ilang minuto ay dahan-dahan ko hiniwalay ang labi ko sa kanya. Kung hindi ko gagawin iyon ay hindi ko maipapangako na makokontrol ko pa ang sarili ko na mas higit pa roon ang gawin ko sa kanya.
"Goodnight," bulong ko saka naglakad papalayo.