Charlotte
"Calling the attention of Ms. Charlotte Olivarez, you are needed immediately here on earth kindly come back to your senses now. Calling the attention of Ms. Charlotte Olivarez," panunukso ni Marjorie at ginamit pa ang suklay bilang mic.
Kasalukuyan kaming nasa office ni Marjorie habang hinihintay namin si Monique. Mag-dinner kasi kami sa labas at pupunta sa bar pagkatapos. May client si Marjorie nag-imbita sa kanya sa opening ng bar nito ngayong gabi. Ngayon lang ulit kami magkakasama na tatlo dahil naging abala ako sa trabaho ko.
"Kanina pa ako nagsasalita rito at nagdadrama wala naman pala akong kausap," sabi niya ng tiningnan ko siya.
"Saan ba kasi naglalagi ang kaluluwa mo? May problema ka ba?" nag-aalala na tanong niya at huminga ako ng malalim.
Bago pa ako makasagot ay bumukas ang pinto. Nagulat ako sa itsura ni Monique pagpasok niya sa loob ng office. Hindi ko na pigilan ang tinginan siya mula ulo hanggang paa. Sa pagkakatanda ko ay isang linggo lang kami hindi nagkita pero pakiramdam ko ay taon na ang lumipas dahil ibang-iba siya.
"Bakit naman ganyan ka makatingin sa akin Lot? Hindi ba bagay? Masagwa ba?" tanong ni Monique habang tinitingnan ang sarili sa salamin at umiling ako.
Hindi lang ako makapaniwala sa nakikita ko dahil lalo siyang gumanda. Ang straight at mahaba niyang buhok ay naging kulot at may kulay na. Ever since kasi ay nanatili na ganoon ang hair style niya kaya nanibago ako ngayon sa bagong itsura niya. Hindi lang buhok ang nagbago dahil pati na rin sa panamamit niya.
"You look great Monique," nakangiti na tugon ko at ngumiti naman siya.
"Meet the new Monique," nakangiti na sabi niya at tumayo ako para yakapin siya ng mahigpit.
Lumabas na kami ng office ni Marjorie at kinausap muna ni Marjorie ang manager niya sa Shop para magbilin. Magkakasunod kami na umalis dahil may kanya naman kaming dala na sasakyan. Gusto ko sana I-recommend sa mga ito ang Restaurant na pinuntahan ko last week pero naalala ko na kaibigan ni Nathaniel ang owner noon. Isang linggo ko na iniiwasan ang binata dahil sa ginawa niya na paghalik sa akin ng ihatid niya ako mula sa dinner namin. Nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako sa sarili ko dahil kahit pilit ko na pigilan ay nagawa ko na tumugon. Hindi iyon tama at lalong hindi dapat kaya kailangan ko siya iwasan. Pagkalipas ng halos isang oras ay nasa Restaurant na kaming tatlo. Tinawag agad ni Monique ang waiter para maka-order na kami ng pagkain.
"Nagaalala na talaga ako Lot, kanina ka pa tahimik at tulala. Ano ba ang problema mo? May tinatago ka ba sa amin? May nangyari ba na masama?" nagaalala na tanong ni Marjorie at napatingin ako sa dalawa.
"Wala naman. Okay lang ako," sagot niya at umiling ang dalawa senyales na hindi convinced ang dalawa kaya huminga ako ng malalim.
"Remember Loraine party? May na kilala kasi ako na guy," panimula ko.
"He asked me for a dance and I agree. After namin sumayaw ay pumunta kami sa place niya. May nangyari sa amin that night at buong akala ko talaga ay escort siya. Nag-hesitate ako sa una pero somehow ay nangibabaw ang gusto ng katawan ko. That night he made me feel something that I can't explain. Kinabukasan dahil hiyang-hiya ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko ay umalis agad ako sa Apartment niya. Before ako umalis ay nag-iwan ako ng papel at ewan ko kung bakit ba sinulatan ko pa iyon saka ko binalot ang pera," kwento ko.
"Ano naman ang sinulat mo?" curious na tanong ni Monique at saglit ako napayuko.
"Thank you," sagot ko habang naka-yuko pa rin.
"You are thanking him for what, exactly?" tanong ni Marjorie.
Nang oras na iyon ay hindi ko alam kung ano ang ilalagay ko. Pagkatapos ko maisulat ang salitang thank you ay huli na para ma realize ko kung para saan. Nataranta na ako dahil gumalaw siya at akala ko ay magigising na siya kaya umalis na agad ako.
"Ewan ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko siya pasalamatan that time," tugon ko.
Natigil ang usapan namin ng dumating na ang pagkain namin. Walang imikan ay nagsimula na kaming kumain.
"Maybe the reason kaya iyon ang nasulat mo is because you are thankful that he made you happy," sabi ni Monique pagkalipas ng ilang minuto na katahimikan.
"Fast forward after ng ilang months we meet again. Nagkaroon ng problema sa mga aircon sa building ng office namin. Gulat na gulat ako nang makita ko siya sa office ko at ang lalong nakakagulat ay ang nalaman ko tungkol sa kanya," pagtutuloy ko sa kwento ko pero natigilan dahil hindi ko pa rin matanggap na nagkamali ako ng judgement sa binata.
"Don't tell me na may scandal kayo at bina-blackmail ka niya," hindi makapaniwala na sabi ni Marjorie at salubong ang kilay napailing ako.
"It was so embarrassing dahil hindi talaga siya escort at siya lang naman ang owner ng company na nag-maintenance ng mga aircon sa buong building. He kept the paper and money I left that morning. Hiyang-hiya ako sa sarili ko dahil nakipag-one night stand ako sa isang tao na hindi ko kilala. Pakiramdam ko tuloy ay napaka-desperada ko dahil basta na lang ako sumama at hinayaan na may mangyari sa amin nang hindi ko muna inalam ang ilang bagay bukod sa pangalan niya. It turned out na kaibigan siya ni Darwin na fiance ni Lorraine. Nag-sorry ako sa kanya for assuming pero ang sabi niya sorry is not enough. He asked me to have dinner with him and I didn't agree. Hindi ako pumasok sa office ng isang linggo para lang maiwasan siya pero nabalewala iyon dahil nakagawa pa rin siya ng paraan. He set an appointment with Ms. Jasmine and without asking sumama ako dahil highly requested daw ako ng client," dugtong ko sa kwento ko.
"Kumuha ba naman ng policy o ginamit lang niya ang pagkakataon na iyon?" tanong ni Marjorie.
"Kumuha naman siya ng policy which for me is good and bad news. Good dahil kumuha siya meaning another sale. Not good naman kasi ibig sabihin ay may chance na magkita pa ulit kami which nangyari nga. After ko makuha ang mga form sa kanya ay na ungkat na naman ang tungkol sa dinner. Pumayag na lang ako para matapos na dahil nakikita ko na hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya. Okay naman ang date namin he was gentleman and we even talked about different things. Hindi ko lang talaga inaasahan na hahalikan niya ako ng hinatid niya ako. The worst part is tumugon ako sa halik niya at sa isip ko ay gusto ko pa ng mas higit doon," inis na sabi ko dahil maalala ko kung ano ang naramdaman ko nang lumapat ang labi niya sa labi ko.
"Ano naman ang problema roon, Lot?" nagtataka na tanong ni Marjorie at huminga ako ng malalim.
"He is twenty-seven years old, the same age as my sister," tugon ko.
"So? Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ka ng karelasyon na mas bata sa iyo," sabi ni Marjorie at saglit ako napapikit.
Naalala ko ang mga pinagdaanan ko kay Ronan. He is five years younger than me. Sa una ay hindi ako makapaniwala na magkakagusto ang katulad niya sa may edad na katulad ko. Pinilit ko na intindihan ang sitwasyon namin at dahil ayaw ko na mapahiya siya ay ako ang nag-suggest na huwag na muna namin ipagsabi ang tungkol sa amin. Natakot ako dahil alam ko na mahuhusgahan kami dahil sa agwat ng edad namin pero naging okay naman ang relasyon namin not until I found out the truth. Naging masaya naman ako sa piling ni Ronan pero naging isyu sa amin ang age gap namin.
"Exactly, this is not the first time but I don't think I can do this again. Ayaw ko simulan dahil alam ko na ang magiging ending. Masaya at exciting sa una pero later on ay alam kong darating ang oras na maging issue ang edad namin," tugon ko.
"Malay mo naman Lot iba na this time. Ikaw na rin ang may sabi na hanggang hindi mo susubukan ay huwag ka agad susuko dahil hindi mo malalaman. Ang sabi mo nga hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya. Kaya malamang hindi ka niya titigilan hanggang hindi ka niya napapayag," pagkukumbinsi ni Monique sa akin at umiling ako dahil hindi ako sang-ayon sa iniisip niya.
"Na-challenge lang siya sa akin at hindi niya ako gusto katulad ng sinasabi mo. Ganun naman sila dahil for them it is like a challenge. Ayaw ko na sumugal sa isang laro na una pa lang ay talo na ako," katwiran ko.
"Ano ang gagawin mo?" tanong ni Marjorie.
"Kailangan ko siya iwasan bago pa mahuli ang lahat. Hindi ko hahayaan na makalapit siya sa akin dahil alam ko na hindi ko makokontrol ang sarili ko. I am terrified that is why I need to keep my guard strong," tugon ko.
"I think you need distraction. Go on a date so you can meet another guy that you prefer. Who knows you might find the guy you are looking for," suggest ni Marjorie.
"Maybe that is what I need to take him out of my head," sabi ko sa sarili.
"You also Monique you need to meet and explore," sabi ni Marjorie kay Monique.
"I think that is a great idea. I have been with Arnold for so long that I almost lost myself," nakangiti na sang-ayon ni Monique.
Pagkatapos namin mag-bayad ay pumunta na kami sa kasi namin na destination. Nangako kami sa isa't isa na mag-enjoy kami ngayong gabi at wala munang iisiping problema. Hahayaan muna namin ang sarili na magpakasaya sa oras na ito.