Ngayon ang uwi ko sa apartment ko,,sobrang pasasalamat ko sa mga taong tumulong sa akin.Nasa isang barrio pala ako napadpad sa katatakbo ko,ang layo din pala ng narating ko.
Hinatid ako ng mag-asawa sa sakayan ng jeep,,binigyan pa nila ako ng pamasahe.
"Maraming salamat po sa inyo,ang laking tulong ng ginawa niyo sa akin,wag po kayong mag-alala babalik po ako dito sa lugar niyo."
"Maliit na bagay lang yan iha,masaya kaming nakatulong kami sayo.wag kang mag-alala hintayin namin ang pagbalik mo dito sa lugar namin,"sabi niya.
Niyakap ko silang dalawang mag -asawa,,sumakay na rin ako ng jeep nag babye pa ako sa kanila.tsaka palang sila umalis ng umalis na rin ang jeep.
Madami na akong absent sa trabaho ko,,paano kaya kung sa probinsya nalang ako maghahanap ng trabaho,mag-aaply nalang din akong sale's lady sa city.,
Nakapag desisyon na ako na umalis sa trabaho ko,,ngayon ako magpapaalam.Nang makarating ako sa apartment ko nakita kong malinis na ang loob wala na yung mga nagkalat na bubog sa sahig.Pumunta ako sa kwarto ko nandoon parin ang cellphone ko sa pinaglagyan ko,binuksan ko naman ang bag ko andoon rin ang wallet ko.buti nalang hindi kinuha ng mga lalaking yun.
Mabilisan akong naligo at nagbihis,bitbit ko ang bag ko palabas ng apartment pupunta ako ngayon sa mall magpapaalam ako.mamaya na ako magligpit ng gamit ko.
Sumakay ako ng may dumaan na jeep,,ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na ako sa mall.pumasok ako at dumiretso sa opisina ng manager.
Matapos naming mag -usap ng manager ay lumabas na ako ng opisina niya buti nalang pinayagan niya ako,,dadaan muna ako ng department store bibili lang ako ng damit na pasalubong ko.
Pagpasok ko ng department tinungo ko agad ang damitan ng pambabae bibilhan ko sila Mama pati na rin ng mga pamangkin ko kahit tig isang piraso lang.Habang nagtitingin ako ng mga damit may nabunggo ako sa likuran ko pagtingin ko nakita ko si Zaki,nagulat rin siya ng makita niya ako.Ngunit uminit ang ulo ko ng biglang may babaeng lumapit sa kanya at pumulupot sa braso niya.
Parang hiniwa ang puso ko hanggang sa magka pirapiraso,kaya siguro hindi niya ako hinanap dahil busy siya sa babae niya.ano pa ba ang magagawa ko nakuha na niya ang gusto niya.
Nagpalipat lipat ang tingin ng babae sa aming dalawa,"Do you know each other tanong niya."
"Hindi,mabilis pa sa alas kwatro na sagot ko."
Tinalikuran ko na sila at lumabas ng department,,imbis na bibili ako ng pasalubong hindi ko na nagawa.bwesit kang lalaki,,simula ngayon kakalimutan na kita.dumiiretso ako sa exit,uuwi nalang ako para mag impake.
Paglabas ko nakita ko humarang si Gina sa daanan ko,,"Miss Karen,pinapasabi po ni boss na dalhin daw po kita sa bahay niya,sumakay na po kayo,"binuksan niya naman ang pintuan ng kotse.
"Sabihin mo sa boss mo yung babae niya ang isakay niya diyan hindi ako.,nakita ko naman ang walang bayag na lalaki na malalaki ang mga hakbang papunta sa direksyon ko kaya tumalikod na ako at naglakad.,sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa apartment.
Pagdating ko nagmamadali akong kinuha ang maleta ko sa ilalim ng kama, binuksan ko ito at sinimulan ko ng ilagay ang mga damit ko sa loob, lahat ng mga gamit ko nilagay ko sa maleta.kinuha ko naman ang backpack ko at naglagay ako ng underwear pati damit para may pamalit ako pag nasa byahe ako.
Hinila ko na ang maleta ko palabas ng kwarto,,bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang gumalaw ang doorknob.Dali-dali kong hinila ang maleta ko papunta ng kusina doon nalang ako ulit dadaan.,bigla namang may sumipa sa pintuan dahilan para bumukas ito.
Pagtingin ko nakita ko si Zaki na madilim ang mukha,,
"Saan ka pupunta Karen,"sigaw niya.kaya mabilis akong kumilos hinawakan ko ang pintuan para buksan pero nahawakan niya ako.
"Ano bang problema mo,bitawan mo ako."sigaw ko.
"Saan mo balak pumunta ha!,"
"Wala ka ng pakialaman doon Zaki Jones,,wag mo akong pakialaman dahil hindi kita Tatay", sigaw ko sa mukha niya.
May tinakip siyang panyo sa ilong ko dahilan para mawalan ako ng malay.