Galit na galit ako sa mga tauhan ko,hanggang ngayon hindi parin nila mahanap si Karen.Ang simple lang ng pinapagawa ko hindi pa magawa.
"Gina...sigaw ko."
"May ipag-uutos kayo Boss,"tanong niya.
"Pabantayan mo ang apartment ni Karen baka sakaling bumalik siya doon",utos ko.Alam kung nakatakas siya sa mga tauhan ni Sato dahil nahuli ito ng mga tauhan ko at sinabi nilang wala sa kanila si Karen.
Sinamahan ko sa mall ang anak ng isa sa mga kasosyo ko may bibilhin daw siya,habang nagtitingin ako sa mga damit may nakabunggo akong babae pagtingin niya nagulat ako dahil si Karen ito.
Kung saan-saan ko siya pinahapahanap tapos nandito lang pala siya,,"Do you know each other",biglang sulpot ni Shai at pinulupot pa ang kamay sa braso ko,nakita kung sinundan ng tingin ni Karen yun.
"Hindi",mabilis niyang sagot at tsaka tumalikod para umalis.Kinuha ko naman ang cellphone ko para i text si Gina na dalhin niya si Karen sa bahay ko.
Nagmamadali akong lumabas para sundan si Karen,iniwan ko na si Shai wala akong pakialam sa kanya.alam kung iba ang iisipin ni Karen sa nakita niya.,nakita ko siyang kausap ni Gina mabilis naman ang mga hakbang ko para lumapit sa knya pero ng makita niya ako tumalikod na sya at umalis.
Pagdating ko sa aprtment niya pinihit ko ang doorknob pero nakalock,alam kung sa loob siya ng apartment niya.wala akong choice kundi sipain ang pinto,pagbukas nito nakita ko siya na may hila-hila na maleta papunta ng kusina.
"Saan ka pupunta Karen,"sigaw ko..kaya mabilis siyang kumilos hinawakan niya ang pintuan para buksan pero nahawakan ko siya
"Saan mo balak pumunta ha!,"
"Wala ka ng pakialaman doon Zaki Jones,,wag mo akong pakialaman dahil hindi kita Tatay", sigaw niya .
Pilit pa siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak ko sa kanya kaya may tinakip akong panyo sa ilong niya dahilan para mawalan siya ng malay.