"Ano ba,ilabas niyo ako dito.Zaki Jones....walang hiya ka."halos mapugto na ang ugat ko sa leeg kakasigaw pero wala man lang pumapansin sa akin.
Hindi ko rin alam kung saan ako dinala ng abn*rmal na lalaking yun,sumilip ako sa bintana kung may pwede bang daanan para makatakas ako,makakadaan naman ako sa bintana yun nga lang pagdating mo sa baba makikita mo na agad si San pedro bakit kasi ang taas ng bintana na to.
"May balak ka bang tumakas",di ko namalayan nakapasok na pala ang lalaking to.
"Bakit mo ba ako dinala dito,ano bang problema mo sa buhay."galit na sagot ko.
"Kumain kana,"tsaka niya nilapag ang tray ng pagkain na dala niya.
Hindi ko siya pinansin,naupo pa ako sa gilid ng kama.bahala siya sa buhay niya,bw*sit siya.
"Karen kumain kana",ulit niya.Hindi ko parin siya pinansin.Naalala ko ang cellphone ko."Nasaan ang cellphone ko,saan mo nilagay ang bag ko,ang mga gamit ko."tanong ko sa kanya.
"Kumain ka muna tsaka ko ibibigay ang cellphone mo,"
"Bakit kaya hindi ikaw ang kumain total ikaw naman ang nagdala niyan, ikaw nalang ang kumain,"pagtataray ko sa kanya.
Nagulat nalang ako sa vase na tumama sa pader,nakakatakot pala magalit ang lalaking to.Tumayo naman ako para pumunta sa table na may pagkain.
"Ito kakain na Boss,"sabi ko sa kanya.
"Umayos ka Karen,"sagot naman niya.,
Masyadong pikon,,panay lang ang subo ko ng pagkain hindi ko siya pinapansin na nasa tabi ko,bahala siya diyan .gagawa ako ng paraan para makatakas ako dito.
Pagkatapos kung kumain ay inayos ko na ang mga pinagkainan ko binalik ko ito sa tray para sana dalhin sa kusina ng magsalita siya.
"Saan ka pupunta",
"Dadalhin ko lang sa baba itong pinag kainan ko."
"Ako ang magdadala niyan sa baba,hindi ka lalabas ng kwartong to.",kinuha niya ang tray na hawak ko at lumabas ng kwarto.
Napaupo nalang ako sa sofa,humanda ka talaga sa akin Zaki Jones pag ako nakatakas dito kahit hibla ng buhok ko hindi mo na talaga makikita.
Anong gagawin ko dito sa kwarto,alangan naman mag ala sisa ako dito.wala man lang tv para may libangan man lang sana ako.
Nahiga nalang ako sa kama dahil sa inis ko kay Zaki hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.