Chapter 7

786 Words
Di ko parin makalimutan ang nangyaring halik sa pagitan namin ni Zaki,di ko inaasahan na hahalikan niya ako,hindi talaga ako nakatulog ng oras na yun. Pero bakit di ko man lang nagawang itulak siya,ganun pala ang pakiramdam ng mahalikan ang lambot ng mga labi niya parang gusto ko tuloy maulit.Ano ba tong mga iniisip ko nababaliw na ba ako tanong ko sa sarili,kasalanan talaga to ni Zaki eh!dahil sa halik niya para na akong baliw. Aray naman,singhal ko sa kaibigan ko, kanina pa ako dito sa harap mo at nagsasalita hindi mo man lang ako napansin?para kang t*nga diyan na nakangiti mag-isa,umamin ka nga sa akin Karen Galvez simula ng sumama ka kay Mr.pogi para ka ng baliw nakatikim ka na ba ng langit na sinasabi nila ha?sabi ng kaibigan ko. Kinurot ko naman siya dahil sa kadaldalan niya, alam mo yung bunganga mo talaga Jessa parang NPT.Ano yun?tanong niya.No Permanent Time,wla kang pinipiling oras sa katabilan ng dila mo. Nginusuan naman niya ako sa sinabi ko.Halika na kumain na tayo,agad naman namin nakita si Diane na naghihintay .Bakit ang tagal niyo tanong niya,nawawala kasi itong isa kaya hinanap niya pa ang sarili niya sagot ni jessa.wag mo nalang pansinin si Jessa mukhang siya ang nawawala sa sarili bulong ko kay Diane,tumawa naman ito. Sabay kaming tatlo nila Diane at Jessa na lumabas ng mall,nagkayayaan kami na mag milktea muna bago kami umuwi,magka angkla pa ang mga braso naming tatlo. Simula ng makasama namin si Diane sa bar dati after nun naging close na siya sa amin,habang naglalakad kami ay panay pa ang tawanan namin dahil sa mga kalokohan ni Jessa. Malapit lang naman ang milk tea shop na pupuntahan namin kaya naglalakad lang kami,pagdating namin mukhang konti lang naman ang tao kaya pumila na agad kami,nang makapag order na kami umupo na kami para hintayin ang order namin,nang ready na ang order namin ay kinuha na namin at lumabas,magkaiba ang way namin kaya naghiwalay na kaming tatlo,umiinom ako ng milk tea habang naghihintay ng masasakyan. Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin ako nakasakay,punuan din kasi ang mga jeep,nang may nakita akong jeep na paparating na medyo konti lang ang pasahero naghanda na ako,tumigil ang jeep at pumasok na ang ibang pasahero na kasabayan ko,ngunit nagulat ako ng may biglang bumusina na sasakyan,biglang bumaba ang bintana at nakita ko ang lalaking nagpapagulo ng sistema ko. Get in utos niya,mag jejeep nalang ako sabi ko sa kanya.Get in Karen,o baka gusto mo pang ulitin ko ang sinabi ko,di ko siya pinansin bahala ka sa buhay mo.akmang maglalakad na sana ako papasok ng jeep ng muli itong magsalita, papasok ka o gusto mong buhatin pa kita?o baka naman gusto mong halikan ulit kita pang aasar niya. Oo na,ito na oh! papasok na,sabay bukas ng pinto at pumasok,bakit ganyan ang suot mo puna niya sa palda ko,bakit ba pinapakialaman mo yung suot ko sagot ko sa kanya,hindi naman siya umimik. Ang gwapo pala ng lalaking to sa malapitan,ang tangos ng ilong,manipis at mapula ang labi,ang perpekto ng mukha, ang laki ng katawan siguro putok na putok ang abs nito,napatigil lang ako sa pagpapantasya sa kanya ng bigla itong nagsalita alam mo bang naniningil ako pag may nakatitig sa akin sabi niya. Bigla naman akong nag iwas ng tingin at tumingin nalang sa labas,alam kung gwapo ako kung gusto mo kahit isang oras mo pa ako titigan payag naman ako dagdag pa niya.Tikalon(yabang) bulong ko,may sinasabi ka?tanong niya,wala ang sabi ko ang lakas yata ng hangin ng aircon ng sasakyan mo sagot ko.Napapailing naman ang driver sa sinabi ko. Napansin kung parang iba ang dinadaanan namin hindi ito papunta ng apartment ko,teka sandali lang kuya bakit mukhang iba yata ang dinadaanan natin tanong ko sa driver,kakain muna tayo bago ka ihatid sa apartment mo sagot ni Zaki. Nakarating kami sa isang restaurant mamahalin yata dito ah! sa isip ko.Unang bumaba si Zaki, binuksan ko na rin ang pinto para bumaba,let’s go sabi niya,nakailang hakbang palang ako ng may bumangga sa akin di ko nakita ang mukha dahil naka hoodie ito,naramdaman ko nalang na parang humapdi ang tagiliran ko hinawakan ko ito at nakita ko na may dugo,lumingon si Zaki ng maramdaman niyang hindi ako nakasunod sa kanya. Karen… sigaw niya ng mapansin niyang may dugo ang tagiliran ko,kitang-kita pa naman ito dahil puti ang damit ko.Inilang hakbang niya ang pagitan namin at tsaka ako binuhat pabalik ng kotse,bilisan mo sa bahay tayo utos niya sa driver.narinig kung may kausap siya sa cellphone mukhang doctor yata. Karen wag kang matutulog sabi niya,nakahiga ako sa mga hita niya pero hindi ko na kaya namimigat na ang talukap ng mga mata ko,hanggang sa tuluyan na nga akong nilamon ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD