Nandito ako ngayon sa opisina ko sa bahay,hanggang ngayon hindi pa nagigising si Karen sabi ng doctor magigising agad pero ilang oras na wala parin.
Nahanap niyo na ba ang sumaksak kay Karen tanong ko sa mga tauhan ko,Yes boss nasa basement na ikaw na ang bahala na magparusa sagot ni Gina,tauhan pa rin ni Mr.Wang dagdag pa nito.
Alamin niyo kung saan nagtatago ang hay*op na yun, pag nahuli siya ako mismo ang p*p*t*y sa kanya galit na sabi ko.
Boss,,,tawag ng isang tauhan ko mula sa pintuan,gising na raw po si Miss Karen sabi ni Manang,agad naman akong tumayo para puntahan si Karen.Pagpasok ko ng kwarto naabutan kong inalalayan siya ni Manang na makaupo,kamusta kana may masakit ba sayo?tanong ko agad sa kanya.
Okay lang ako medyo makirot lang ang sugat ko pag gumagalaw ako sagot niya.Manang ako na po ang magpapakain sa kanya,salamat po,agad din namang lumabas si Manang.
Anong nangyari kanina paano ka nasaksak?Bigla nalang may bumangga sa akin hindi ko nakita ang mukha dahil naka hoodie,naramdaman ko nalang na kumirot ang tagiliran ko yun pala nasaksak na ako.
Pagtapos ko siyang pakainin ay pinainom ko na siya ng gamot,tsaka inalalayan na mahiga. magpahinga ka muna hindi ka pwedeng gumalaw baka bumuka yang sugat mo,pag kailangan mong pumunta ng banyo tawagin mo ako.
Tumango naman siya,hinalikan ko siya sa noo at lumabas na ng kwarto.Binaba ko na rin ang pinag kainan niya,pababa ako ng hagdan ng makita ko ang mga tauhan ko na naghihintay sa akin.Nagpa plano kami kung paano ang gagawin naming paglusob sa lungga ni Mr.Wang.
Maghanda na kayo aalis na tayo,handa na ba ang lahat ng gagamitin natin tanong ko.Yes boss ready na ang lahat sagot nila,mauna na kayo sa labas may ibibilin lang ako kay Manang.
Ibinilin ko lang kay Manang na kung pwede doon muna siya mag stay sa kwarto para bantayan si Karen at para may umalalay sa kanya sakaling gusto niyang magbanyo.
Let’s go,sabay-sabay na kaming umalis ng bahay papunta sa lungga ni Mr.Wang, kasama ko sa sasakyan si Gina at ilang mga tauhan ko, ang iba naman ay naka convoy.
Nang malapit na kami sa lugar na pinagtataguan ng kalaban ay naghanda na kami,ipinarada namin ang aming mga sasakyan medyo malayo sa lugar nila para hindi mapansin.
Naghiwalay naman kami sa tatlong grupo, dahan-dahan kaming naglalakad para hindi makalikha ng ingay at pinalibutan namin ang isang abandonadong bahay,maghanda kayo lulusob na tayo siguraduhin niyong hindi makakatakas ang Wang na yun sabi ko,lahat kami ay may suot na earpiece para malaman kung ano ang nangyayari sa paligid.
Ngayon na lusob!utos ko sa kanila,nagulat pa ang mga kalaban sa pagsugod namin,hindi na namin hinayaan pa na makaganti sila kahit isang putok.
Boss,,hinahabol namin si Mr.Wang tumatakas narinig kung sabi ng isa kung tauhan,wag niyong hayaan na makatakas susunod kmi diyan,halos lahat ng kalaban ay napatumba na namin,siguraduhin niyo na wala ng buhay ang mga yan.Gina ikaw na ang bahala dito,kailangan kung habulin ang Wang na yun may balak pang tumakas,kami na ang bahala dito boss susunod na lang kami pag nalinis na namin ang mga kalat.
Agad naman akong umalis para sundan ang mga tauhan ko na hinahabol si Mr.Wang,
malayo palang may naririnig na akong mga daing,nakita ko si Mr.Wang na nakasalampak sa lupa at may tama ang dalawang binti.Hay*op ka Jones,p*p*t*y*n kita sigaw niya.Hay*p talaga ako Mr.Wang lalo na pag pinakialaman mo ang pagmamay-ari ko sabay tapak ng binti niya na may sugat namilipit naman siya sa sakit.
Alam kung ikaw ang nag-utos sa pananaksak sa isang babaeng napaka importante sa buhay ko,akala mo ba hindi ko malalaman ang mga kah*y*pan mo sigaw ko.
Kung hindi lang pumalpak ang inutusan ko eh di sana may pinaglalamayan kana ngayon nakangising sagot niya,dahil sa galit ko idiniin ko ang dulo ng b*r*l ko sa sugat niya,namumutla na siya sa sobrang sakit,kung meron mang pagl*l*m*y*n ngayon isang tao lang yun at ikaw yun Mr.Wang.
Itinutok ko ang b*r*l sa kanyang ulo,kamusta mo nalang ako kay satanas Mr.Wang sabay putok ng b*r*l.Kayo na ang bahala dito linisin niyo ang lugar bago umalis utos ko sa kanila at umalis na rin ako.