Pag gising ko masakit ang buong katawan ko,wala na si Zaki sa tabi ko.Bumangon ako para pumunta sa banyo at maligo ngunit napangiwi ako dahil mahapdi ang pagitan ng hita ko.Y*wa talaga na Zaki binayo ba naman ako ng binayo kagabi ungol naman ako ng ungol.
Mabilisang ligo lang ang ginawa ko paglabas ko ng banyo nakita ko naman si Zaki na nakaupo sa sofa at may nakapatong na pagkain sa lamesa mukhang nakaligo na rin ito dahil basa ang buhok niya.Hindi ko naman siya pinansin dumiretso ako ng closet para magbihis.
Nang matapos na akong magbihis lumapit ako sa gawi niya at umupo sa pang isahan na upuan nakasunod lang ang tingin niya sa bawat kilos ko.
"Bakit diyan ka naupo?dito ka sa tabi ko,"utos niya.
"Ano bang problema sa upuan ko komportable naman ako dito,hindi na kailangan pang tumabi ako sayo."sagot ko sa kanya.
Bigla niya naman hinampas ang taas ng table,Anong problema ng lalaking to parang araw-araw may regla.
"Uupo ka sa tabi ko Karen o hindi.,"galit na tanong niya.
"Oo na,tatabi na ako sayo."gigil na sagot ko.
Umupo naman ako sa tabi niya,pinaglagay niya ako ng pagkain sa plato ko.
"Ano ang napala mo sa katigasan ng ulo mo Karen,"?tanong niya.
"Ano pa nga ba e di umungol ng umungol,ikaw ba naman ang bayuhin na parang walang bukas hindi ka kaya uungol."sarkastiko kong sagot.
Hindi naman siya nagsalita sa sinabi ko,pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko kahit naiilang ako na nakatingin siya sa bawat subo ko.
Pagkatapos kong kumain sinabi ko kay Zaki na ako na ang magdadala ng kinainan ko sa kusina hindi naman siya nagreklamo.
Pagbaba ko ng hagdan napansin ko naman ang babaeng parang pwet ng manok ang bibig,tumayo siya ng makita niya ako.
"Hey,dalhan mo nga ako ng tubig dito,"utos niya sa akin.
"Nakaupo lang naman kayo diyan bakit hindi pa kayo kumuha sa kusina,ayan lang ang kusina oh! ang lapit-lapit lang.tamad yarn,"sabi ko sa kanya.
"Aba! ang bastos mong babae ka,baka gusto mong isumbong kita kay Zaki,Balang araw ako ang magiging reyna ng bahay na ito baka hindi mo alam fiance ko Zaki,"sagot niya sa akin.
Nagulat naman ako sa sinabi niya,kung fiance siya ni Zaki sino ako sa buhay niya?parausan at taga bigay aliw sa kanya pag nakaramdam siya ng init sa katawan?parang dinurog ang puso ko sa sinabi niya,akala ko pa naman darating ang araw na magustuhan niya rin ako.Pero naalala ko dati na naiinis si Zaki pag tinatawag siyang my love,nagkukunwari lang kaya siya na naiinis.
Siguro kailangan ko ng kontrolin ang nararamdaman ko para kay Zaki baka lalo lng akong masaktan at sa huli ako ang talo.Hindi ko pinansin ang sinabi ng bruha humakbang ako patungo sa kusina ng bigla niyang hinila ang buhok ko,tinabig ko naman ang kamay niya para maalis sa buhok dahilan para matumba siya.
"Karen...sigaw ng isang boses na kilalang-kilala ko.
Lumapit naman siya sa bruha at tinulungan itong tumayo,para namang may sumaksak sa puso ko ng makita ko ang pag-aalala niya sa babae.
"Bakit mo tinulak si Charlotte,ganyan ba ang ugali mo Karen?,"galit na sabi niya.
Pinipigilan ko na hindi tumulo ang mga luha ko,kahit wala naman akong kasalanan ako pa ang masama sa mga mata niya.
"Pasensya na,"hingi kong paumanhin.
Tumalikod na ako sa kanila at pumunta ng kusina,nilagay ko sa lababo ang tray na bitbit ko buti nga nakapag pigil pa ako at hindi ko siya hinambalos ng tray.Umakyat ako sa kwarto at nagkulong,sinigurado kong naka lock ang pinto ng hindi makapasok ang lalaking yun.
Nahiga ako sa kama,kahit hindi ako inaantok matutulog na lang ako.