Chapter 24

387 Words
Nakatulog ako dahil sa sama ng loob,pagtingin ko sa orasan alas syete na ng gabi.Bumangon ako para pumunta ng banyo, saktong paglabas ko ng banyo ng marinig kong may kumakatok sa pintuan.lumapit ako para buksan ito nakita ko si Gina na may bitbit ng tray na may lamang pagkain. "Miss Karen pinapahatid po ni Boss,hindi daw po kayo bumaba kanina para kumain."sabi niya. Tiningnan ko naman ang dala niyang pagkain,kinuha ko lang ang pitchel ng tubig. "Pasensya kana pero busog pa ako,okay na sa aking itong tubig,pabalik nalang sa baba ang pagkain.Bababa nalang din ako pag nagutom ako,salamat Gina."tumango naman siya at agad na umalis.Sinara ko naman ang pinto at ni lock. Kinabukasan maaga akong nagising dahil siguro maaga din akong nakatulog kagabi,naligo lang ako pagkatapos ay bumaba na ako para pumunta sa kusina. Napansin ko naman sa peripheral view ko na nakatingin siya sa akin hindi ko na siya pinansin kahit tingin ay hindi ko siya tinapunan.hindi ko naman nakita ang babae baka umuwi na,dumiretso na ako sa kusina.Naabutan ko si Manang na naghahanda ng almusal,dumiretso ako sa ref para kumuha ng isang pitchel para dadalhin ko sa taas. "Kumain kana iha,nakahanda na ang pagkain,"alok ni Manang. "Salamat po Manang pero busog pa po ako,"sagot ko naman. "Kumain kana Karen, alam kong hindi mo kinain ang dinalang pagkain sayo kagabi ni Gina,"singit naman ng isa diyan. "Sige po Manang aakyat na po ako,paalam ko kay Manang. Hindi ko na pinansin si Zaki bahala siya sa buhay niya,bigla naman itong nagsalita bago ko pa maihakbang ang mga paa ko. "Ganyan ba talaga katigas ang ulo mo Karen,ikaw na nga tong pinagmamalasakitan ikaw pa tong ayaw sumunod.kahit kailan talaga hindi ka marunong makinig sa mga sinasabi sayo,"galit na sabi nito. Pakiramdam ko biglang sumakit ang batok ko sa sinabi niya,gusto kong magpigil ng sarili ko na hindi ko siya masagot pero parang hindi ko na yata mapigilan pa.Humarap ako sa kanya at tiningnan siya ng masama. "Bakit sinabi ko ba sayo na pagmamalasakitan mo ako? bakit hindi mo nalang ako pauwiin para mawala na yung sakit sa ulo mo.,"galit na sabi ko sa kanya. Hindi ko na siya hinayaang magsalita tinalikuran ko na siya at umakyat sa taas.Naririnig ko pa ang sigaw niya hindi pa daw kami tapos mag-usap pero hindi ko na siya pinansin manigas siya diyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD