Ilang araw na akong hindi kinakausap ni Karen,ilang araw na din siyang ilag sa akin.Dumagdag pa tong si Charlotte na panay ang eksena,nung ni review ko ang cctv kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni Charlotte doon ko na nakita na hinila ni Charlotte ang buhok niya tinabig niya ang kamay nito dahilan para matumba at yun ang eksenang inabutan ko sa kanilang dalawa.
Nag pasya akong pumunta aa kwarto ni Karen para makausap siya,pagdating ko sa harapan ng pinto pinihit ko ito at binkusan wala siya sa kama.May narinig naman akong ingay sa banyo binuksan ko ito at nakita kong nakasalampak si Karen sa sahig at kaharap ang inidoro habang panay ang suka.
Lumapit ako sa kanya sana haplusin ang likod niya pero tinabig niya ang kamay ko,tumayo siya at pumunta ng lababo para magmumog,nilampasan naman niya ako para lumabas ng banyo.
"Bakit ka nagsusuka?may nakain ka bang sirang pagkain,"tanong ko sa kanya.
Hindi naman niya ako sinagot para lang akong hangin sa paningin niya,.
"Karen tinatanong kita hindi ka man lang ba marunong sumagot,anong masakit sayo bakit ka nagsusuka,"ulit na tanong ko.
"Kung nagsusuka man ako o kung may masakit man sa akin wala ka ng pakialam dun,hindi ko kailangan ng malasakit mo baka mamaya isumbat mo na naman sa akin yun,"gusto ko ng makaalis dito sa poder mo kaya pwede ba pauwiin mo na ako at isa pa ayaw kong aawayin na naman ako ng FIANCE mo,"galit na sagot niya.
Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyang Fiance,kung meron man akong gustong gawing fiance ay siya yun.
"Fiance?saan mo naman nakuha ang balitang yan Karen,"takang tanong ko.
Hindi niya ako sinagot sa tanong ko nahiga siya sa kama at nagtalukbong ng kumot..
Lumabas naman ako ng kwarto niya pabagsak ko pang isinara ang pinto,dumiretso ako sa library para uminom.Maya-maya pa ay pumasok si Gina.
"Mukhang may problema kayo ni Miss Karen boss ah,!"sabi ni Gina
"Ganyan ba kayong mga babae bigla-bigla nalang tinotoyo,"sagot ko naman sa kanya.
"Depende boss,"tipid nitong sagot.
"Gusto ko lang naman siya tulungan dahil nagsususka siya akmang hahawakan ko siya ng tinabig niya ang kamay ko,sabi niya hindi niya daw kailangan ng malasakit ko.,"napapailing na sabi ko.
"Nagsusuka?baka may laman na boss,"sagot naman ni Gina.
Natigilan naman ako sa sinabi ni Gina,may posibilidad kayang buntis si Karen?Kung buntis man siya hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa.
"May posibilidad kayang totoo yang sinasabi mo na buntis si Karen?,"tanong ko kay Gina.
"Para makasigurado ko boss pagamitin mo ng pregnancy test,"sagot naman ni Gina.
Agad naman akong nagpabili sa kanya ng pregnancy test.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na rin si Gina bitbit ang pinabili ko sa kanya,agad ko namang tinungo ang kwarto ni Karen.Pagbukas ko ng pintuan nakita ko siyang nakahawak sa gilid ng pader at tila nanghihina,tinakbo ko ang pagitan namin para alalayan siya na makaupo sa kama.
"Anong nararamdaman mo?gusto mo bang dalhin na kita sa ospital?,"
"Okay lang ako hindi mo kailangan mag-alala,"malamig na sagot niya.
"Iba na yang nararamdaman mo karen,nagsusuka ka at nahihilo,"
"Sabi ko nga okay lang ako dba, ba't ang kulit mo.Katawan ko to kaya alam kong okay lang ako,"galit na sagot niya.
Kinuha ko naman ang pregnacy test at binigay sa kanya.
"Gamitin mo to basahin mo lang ang instructions na nakalagay diyan,baka buntis ka kaya ka nagsusuka at nahihilo,"sabi ko
"Hindi ko kailangan yan,hindi ako buntis,"sagot naman niya.
Pilit kong hinahabaan ang pasensya ko sa kanya ayaw kong mag-away na naman kami,hinayaan ko nalang muna siyang magpahinga at lumabas na rin ako ng kwarto.