Chapter 26

584 Words
Nagising ako isang araw na masama ang pakiramdam ko,tumakbo ako ng banyo kasi nasusuka ako.Wala naman akong kinain na maaaring makasama sa tiyan ko na dahilan ng pagsusuka ko.Napasalampak nalang ako sa sahig nakaramdam na rin ako ng hilo. Bigla namang pumasok si Zaki dito sa loob ng banyo,hindi ko siya hinayaang hawakan ako.tumayo ako at nagmumug tsaka lumabas ng banyo. Bakit ka nagsusuka?may nakain ka bang sirang pagkain,"tanong niya. Hindi ko naman siya sinagot bahala siya sa buhay niya,naiinis pa rin ako sa kanya.kinampihan niya pa ang babaeng yun na hindi man lang niya inalam kung ano ang totoong nangyari. "Karen tinatanong kita hindi ka man lang ba marunong sumagot,anong masakit sayo bakit ka nagsusuka,"ulit na tanong niya. "Kung nagsusuka man ako o kung may masakit man sa akin wala ka ng pakialam dun,hindi ko kailangan ng malasakit mo baka mamaya isumbat mo na naman sa akin yun,"gusto ko ng makaalis dito sa poder mo kaya pwede ba pauwiin mo na ako at isa pa ayaw kong aawayin na naman ako ng FIANCE mo,"galit na sagot ko sa kanya. Nahiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot,narinig ko lang ang pagsarado ng pinto. Iba ang kutob ko kung bakit ako nagsusuka i din ako ng hilo,hindi kaya buntis ako.1 week na rin akong delay,kung buntis man ako hindi pwedeng malaman ni Zaki,kung totoo man ang sinasabi ng babaeng yun na fiance siya ni Zaki mas mabuti pa sigurong lumayo nalang ako. Nagpasya akong bumaba sa kusina para maghanap ng makakain bigla kasi humilab ang tiyan ko.lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan,pagdating ko sa sala nasira na naman ang araw ko ng makita ko ang bruhang babae at si Zaki na magkatabi,mukhang hindi yata uso sa kanila ang "space" na tinatawag kailangan talaga magkadikit na umupo. Dumiretso ako sa kusina naabutan ko pang kumakain si Manang at Gina. "Miss Karen kain po tayo,"alok ni Gina. Tumayo naman si Manang para kuhanan ako ng plato,naupo ako sa tabi ni Gina.Bigla namang pumasok sa kusina si Zaki kasunod ang bruha.Parang hindi ko yata bet ang pagkain paborito ko naman ang bacon pero ngayon ayaw ko.Tumayo ako para lumabas ng kusina. "Manang pasensya na po pero mamaya nalang po ako kakain wala po kasi akong gana,"sabi ko kay Manang at tsaka na tumalikod. Naglakad ako palabas ng kusina para umakyat na sa kwarto pero sinundan ako ng bruha. "Hoy babae bakit hindi ka pa umaalis dito sa bahay ni Zaki?,"galit na tanong niya. "Bakit ako ang tinatanong mo?bakit hindi mo pagsabihan yang Fiance mo kuno na hayaan nalang niya akong umalis.bakit kaya ayaw akong payagan ni Zaki na umalis dito sa bahay niya?mawala nga lang ako sa paningin niya nagagalit na,"pang aasar ko sa kanya. "Akin lang si Zaki,"galit na sabi niya. "E di sayo na,itago mo sa panty mo,"sagot ko sa kanya. Pero hindi ko napaghandaan ang ginawa niya bigla niya akong tinulak at tumama ang tiyan ko sa matigas na bahagi ng hagdan,ang sakit ng puson ko,sinabunutan niya naman ang sarili niya at sumalampak sa sahig habang nagsisigaw. Nagsilabasan naman ang mga tao sa kusina,napahawak ako sa ibabang parte ng katawan ko nakita kong may d*g* na dumaloy sa legs ko.Napasigaw naman ako.Bigla namang lumapit si Zaki sa akin at binuhat ako palabas ng bahay.sumakay din si Gina para siya ang mag drive. Pagdating namin sa ospital may mga nakaabang ng mga doctor,agad nman nila akong isinakay sa stretcher at dinala sa emergency.Hindi ko na namalayan na nawalan na pala ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD