Chapter 27

591 Words
Nagising ako ng may mga nag-uusap sa palidid hindi agad ako dumilat. "Boss nasa basement na po si Charlotte,na review ko na rin ang cctv sa bahay mo sinend ko na sa email mo."dinig kong sabi ni Gina. "Siguraduhin niyong hindi makakatakas ang babaeng yun ako ang magpapataw sa kanya ng parusa,"galit na sagot naman ni Zaki. "Nalaman ko rin na kaya pala lumalapit siya sayo para makakuha ng impormasyon para pabagsakin ka yan ang plano nila ng kanilang ama."sabi ni Gina. "Matagal ko na silang pinaghihinalaan hindi nga talaga ako nagkamali sa kutob ko sa mag-ama na yun."gigil na sagot ni Zaki. Nakaramdam naman ako ng pagka uhaw kaya nagmulat na ako ng mata ko,nakita naman ni Gina na gising na ako kaya sinabi niya kay Zaki. "Tubig,paghingi ko ng tubig,"binigyan naman agad ako ni Zaki ng tubig. "May masakit ba sayo?anong masakit?saan ang masakit?,"tarantang tanong niya. Bigla ko namang naalala ang nangyari sa tiyan ko. "Ano nangyari sa baby ko,may masama bang nangyari,"kinakabahang tanong ko. "Walang nangyari sa baby natin safe siya,"sabi naman ni Zaki. "Baby ko lang,wag kang mag-alala paglabas ko dito aalis na ako.magpakalayo-layo na ako hindi ko kayo guguluhin ng fiance mo."sabi ko. Bigla namang nagbago ang itsura niya nakikita ko ang galit sa mukha niya. "Anak ko ang nasa tiyan mo Karen,ako ang ama may karapatan ako sa kanya.wag na wag mong susubukan na ilayo ang anak ko sa akin dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.hindi ko nga alam kung saang balita mo nakuha na may fiance ako"galit na sabi niya. "Miss Karen sino pong sinasabi niyo na fiance ni Boss?kayo lang naman ang babae na dinala niya sa bahay niya wala ng iba,"takang sabi ni Gina. "Si Charlotte,"tipid na sagot ko. "Naniwala ka nman sa sinabi niya?,"tanong ni Zaki. "Naniwala ka nga rin na tinulak ko siya dba?,"sagot ko naman. Nilapitan naman niya ako at niyakap. "Sorry hindi ko sinasadyang saktan ang damdamin mo,may dahilan lang ako bakit ko nagawa yun.please wag mo akong iiwan di ko kakayanin,"malungkot na sabi niya. "Ipaliwanag mo sa akin kung ano ang dahilan mo,siguraduhin mo lang na katanggap-tanggap ang sasabihin mo,"sabi ko naman sa kanya. Ipinaliwanag ni Zaki kung bakit nagawa niya yun,akala ko gusto niya ang bruhang Charlotte na yun.may hinala pala siya dito na hindi gagawa ng mabuti. Si Zaki ang nag-aalaga sakin sa ospital hanggang sa paglabas ko.nandito ako ngayon sa kwarto kumakain ng mangga na may bagoong,ayaw kasi niyang magkikilos ako kaya dito nalang daw ako sa kwarto. Pag bumaba man ako sa baba nakaalalay naman siya,siya din ang tagabili ng mga cravings ko.wala siyang magagawa anak niya ang nasa tiyan ko,nalaman ko nga nung nasa ospital ako na isang buwan na pala akong buntis. Bumukas ang pinto at pumasok si Zaki na malawak ang ngiti at may bitbit na indian mango,lumapit siya sa akin at akmang hahalikan ako sa labi ng lumayo ako sa kanya.Sumama naman ang mukha niya sa ginawa ko. "Bakit ka lumalayo pag hahalikan kita,"galit na tanong niya. "Alam mo naman na kumakain ako ng mangga na may bagoong at tsaka amoy bagoong ang bibig ko,"sagot ko sa kanya. Wala naman siyang nagawa dahil ayaw kong magpahalik nakabusangot lang siya habang pinagbabalat ako ng mangga,. "Gusto mo bang paglabas ng anak natin nakasimangot ang mukha niya kasi ang ama niya nakasimangot din habang nagbabalat ng mangga na kinakain niya?tanong ko sa kanya. Umayos naman bigla ang mukha niya,lihim nalang akong napatawa sa ginawa niya.Sana ganito na lang kami palagi masaya lang kung may pagsubok man sana malalampasan naming magkasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD