Chapter 11

698 Words
Ilang araw na ako dito sa bahay ni Zaki,magaling na rin ang sugat ko pero ayaw niya akong pauwiin hindi ko alam kung ano ang problema ng lalaking yun. Katatapos ko lang maligo,lumabas ako ng banyo na nakasuot ng bathrobe habang pinupunasan ng tuwalya ang basa kung buhok.lumapit ako sa paper bag para sana kumuha ng susuotin ko ng may narinig akong putok ng baril na nanggaling sa labas,nabitawan ko pa ang damit na hawak ko dahil sa gulat. Isang putok lang naman ang narinig ko at hindi na nasundan,,at dahil myembro ako ng marites club lumabas ako ng kwarto para tingnan kung saan galing ang putok.,bumaba ako ng hagdan pero wala naman akong nakitang tao sa sala. Nakaramdam naman ako ng uhaw kaya dumiretso nalang muna ako sa kusina,,hindi ko man lang naisip na naka bathrobe lang ako.,nakita ko si Manang sa kusina nakatikod ito sa akin na abala sa paghiwa ng mga sangkap sa lulutuin niya,"Hello po Manang,bati ko pa" Lumingon naman si Manang sa akin,,"Diyos ko kang bata ka bakit bumaba kang ganyan ang suot mo,gulat pa na sabi nito," "Kasi po kanina may narinig po akong putok ng baril kaya bumaba ako para tingnan sana kung ano yun,,wala naman akong nakita,,sabi ko",binuksan ko naman ang ref para kumuha ng tubig. Baka galing lang yun sa tauhan na ni Zaki na nag-eensayo,,wag mo nalang pansinin pag may marinig ka,sabi ni Manang. "Sige na,bilisan mo ng uminom diyan at pumanhik kana sa taas hindi ka pwedeng makita ni Zaki na ganyan ang suot mo sigurado akong magagalit yun," Inubos ko lang ang tubig sa baso ko at nagmamadaling lumabas ng kusina pero napatda ako ng makita kung nakaupo si Zaki at mga tauhan niya sa sala..nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napansin.,tumingin naman sa akin si Gina nanlaki pa ang mata niya ng makita niya ang suot ko,,sumenyas pa ako ng tahimik,tumango naman siya. Dahan-dahan ang ginawa kung hakbang para hindi makalikha ng ingay,,lagot ako nito kay Zaki pag nakita niya ako.,kunting hakbang nalang mararating ko na ang hagdan. Karen....dumagungdong na boses ni Zaki,lumingon ako sa kanya at nakita kung madilim ang mukha niyang nakatingin sa akin,nakita ko ang mga tauhan niya na palabas naman ng pintuan.nilapitan niya ako at hinila paakyat ng hagdan,ang higpit ng pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. Sinipa niya ang pintuan ng kwarto at pabalibag akong binato na kama. "Hindi ka man lang ba nag-iisip na halos lahat ng mga tauhan ko dito ay lalaki,bumaba ka ng ganyan ang suot mo,nasaan ang utak mo ha!?sigaw niya sa akin. Uminit naman ang ulo ko sa sinabi niya.Wala namang masama sa suot ko at isa pa bakit hindi mo nalang ako payagang umuwi balik na sigaw ko sa kanya. "Hindi ka aalis sa pamamahay ko,,ako parin ang masusunod,sana maintindihan mo na ginagawa ko to para sa kaligtasan mo may diin na sabi niya". Ayaw mo akong pauwiin pwes tatakas ako dito sa bahay mo sigaw ko sa kanya. Wag mong hintayin na igapos pa kita karen para lang sumunod ka sa gusto ko,,kung yun lang ang paraan para hindi ka mapahamak." Pagkasabi niya ay lumabas na siya ng kwarto ,pabagsak niya pang sinara ang pinto. Naiiyak nalang ako sa sitwasyon ko,bwes*t na lalaking yun anong karapatan niyang ikulong ako dito.Binunton ko nalang ang inis ko sa unan iniisip ko nalang mukha ni Zaki ng sinusuntok ko,,pag nagdilim talaga ang paningin ko sa lalaking yun gagawin ko talagang kwek-kwek ang itlog niya. Dahil sa inis ko kay Zaki hindi ko namalayan na nakatulog pala ako,,pag gising ko nakita kong may pagkain sa table,tiningnan ko ang orasan nakita kung alas nwebe na pala ng gabi medyo mahaba din pala ang tulog ko. Bumangon ako at pumunta sa table kung saan ang pagkain at nag-umpisa ng sumubo,nang matapos akong kumain inayos ko ang pinagkainan ko sa tray para ibaba sa kusina,pinihit ko ang doorknob para buksan ang pinto pero naka lock ito,bwesit ka talaga na kwek-kwek ka kinulong mo talaga ako dito, sa inis ko ay nag toothbrush nalang ako,hindi na ako nagpunas naligo naman ako kanina,wala naman sigurong aamoy sa akin dito sa kwarto.,agad naman akong lumabas at pumunta sa kama,matutulog nalang ako ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD