Katatapos ko lang makipag usap sa mga tauhan ko para alamin kung saan nagtatago ang isa ko pang kalaban na si Mr.Sato na naghahangad na makuha ang lahat sa akin,akala niya siguro ganun niya lang kadaling magawa yun.Uunahan ko na siya bago pa niya magawa ang pinaplano niya.
Pababa na sana ako ng hagdan para pumunta ng kusina ng marinig ko ang sigaw ng maliit na babae,kaya imbis na sa kusina ang punta ko ay dumiretso ako sa kwarto.
Pagbukas ko ng pinto nakita ko ang lahat ng unan na nasa sahig na,masama naman niya akong tiningnan."Hoy! lalaki palabasin mo ako dito gusto ko ng umuwi",sigaw niya.
"Sige bigyan mo ako ng magandang dahilan para payagan kang umuwi,"sagot ko sa kanya.Naupo naman ako sa sofa habang hinihintay ang sagot niya.
"May trabaho ako,may sarili din akong buhay.hindi pwedeng ikulong mo ako dito kung hanggang kailan ang gusto mo."sagot niya.Napahinga naman ako ng malalim.
Pinayagan ko si Karen na makauwi at makabalik sa trabaho niya pero ang sabi ko sa kanya wag siyang gagawa ng isang bagay na hindi kp magugustuhan.pinagbawalan ko rin siyang makipag usap sa lalaki,hindi naman siya nagreklamo.
Hinatid ko si Karen sa tapat ng mall kung saan siya nagtatrabaho,"Susunduin kita mamaya pag-uwi mo",sabi ko sa kanya.tumango naman siya.
Hinawakan niya ang pintuan para sana buksan,pero bago paman niya magawa yun hinawakan ko siya sa batok at tsaka siniil ng halik,tinigilan ko lang ang labi niya ng pareho na kaming kinakapos ng paghinga.
"Behave,wag makipag-usap sa mga lalaki kung ayaw mong parurusahan kita",sabi ko sa kanya bago tuluyang lumabas ng sasakyan.
Dumiretso naman ako sa opisina ko,may meeting ako ngayon para sa isang project na itatayo ko.pagdating ko sa harap ng building ipinarada ko ang kotse ko,naglakad ako patungo sa entrace pinindot ko ang elevator at nang bumukas ito pumasok ako sa loob.
Nasa harapan na ako ng opisina ko kaya agad akong pumasok,naabutan ko ang assistant ko na nag-aayos ng mga papeles.
"Good morning boss,"bati niya.Ito na po pala ang mga papeles na dapat niyong pirmahan,,10:00 am sharp ang meeting nyo about sa project na ipapatayo niyo."
"Thank you,tanging sagot ko."
Dahil naging busy ako sa meeting ko hindi ko namalayan na alas tres na pala ng hapon,hindi man lang ako nakaramdam ng gutom.Ilang oras nalang ay out na ni Karen.
Pagsapit ng alas singko umalis na ako ng opisina para sundiin ang babaeng maliit,pumasok ako sa kotse ko at pinausad.
Pagdating ko sa harap ng mall naghintay lang ako ng ilang minuto bago ko nakita si Karen na papalabas,ngunit uminit ang ulo ko ng makitang may kausap itong lalaki at ang ganda pa ng ngiti niya.
Sa inis ko ay bumusina ako ng malakas,nagtinginan naman ang mga taong dumadaan sa direksyon ko.Nakita ko si Karen na tumatakbo papalapit sa kotse ko,ibinaba ko ang bintana at sinabihan siyang pumasok.
Pagpasok niya nagtaka pa siya na hindi maipinta ang mukha ko,agad kung pinausad ang sasakyan.Napahawak naman siya sa seatbelt niya ng bilisan ko ang pagpapatakbo.
"Zaki pwede bang dahan-dahan naman sa pagmamaneho hindi naman tayo nagmamadali,"Hindi ko siya pinansin tuloy-tuloy lang ako sa pag drive."Zaki ano ba,ano bang problema mo?magdahan-dahan ka naman,kung gusto mong magpakamatay wag mo akong idamay."sigaw niya."
Bigla kung niliko ang kotse sa isang kakahuyan na hindi nadadaanan ng mga tao."Bakit tayo tumigil dito,"takang tanong niya.
"Sino ang lalaking kausap mo kanina,"sagot.sigaw ko sa kanya.
Napa iktad naman siya sa gulat..
"Ka-katrabaho ko lang yun",utal na sagot niya
"Hindi ba sinabi ko sayo na wag kang makikipag-usap sa mga lalaki,?pero hindi ka nakinig,dba ang sabi ko sayo parurusahan kita pag di ka sumunod.
"Ano ba ang ipaparusa mo sa akin."
Hindi ko na siya sinagot,bigla ko nalang siyang ipinatong sa kandungan ko at siniil ng halik.