Chapter 31

691 Words
Hindi ko namalayan na napahaba pala ang tulog ko,babangon na sana ako ng marinig kung may bumubukas ng pintuan.Ipinikit ko ang mata ko at nagkukunwaring tulog,naamoy ko naman ang pamilyar na pabango alam ko naman kong sino ito. "Boss kanina pa po ang pagkain dito hindi pa rin po nagagalaw ni Miss Karen," rinig kong sabi ni Gina. "Palitan mo na lang ng bago yan baka mamaya pag gising niya kakain din siya."sagot nito. Narinig ko na lang ang pagbukas -sara ng pintuan,nagmulat ako ng mata at wala nga sila.Bumangon ako at umupo sa kama hihintayin kong bumalik si Gina.sasabihin ko sa kanya na magpapadala ako ng pera sa probinsya yun na lang ang naisip kong dahilan para makaalis dito. Maya-maya pa ay tuluyan na nga siyang pumasok sa loob ng kwarto. "Miss Karen buti gising na po kayo,pinapadalhan po kayo ni Boss ng pagkain,kumain na po kayo," Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. "Gina pwede mo ba akong samahan magpapadala lang ako ng pera sa probinsya o di kaya ako na lang ang aalis,"pakiusap ko sa kanya. "Naku Miss Karen baka hindi po tayo payagan ni Boss lalo na't buntis ka ayaw niya pong lumalabas po kayo,"sagot nito. "Gina please magpapadala lang naman ako ng pera,kung nag-aalangan ka ako nalang ang magpapa-alam sa kanya," Sinamahan naman niya akong pumunta sa library ni Zaki,kumatok siya at bumukas naman ito.Nakita ko ang babae na nakaupo sa tabi ni Zaki habang ang mga kamay ay nasa hita nito,bigla namang inalis ito ni Zaki ng makita niya ako sa likuran ni Gina. "Anong ginagawa mo dito Karen,"walang emosyon niyang tanong. "Magpapa-alam lang sana ako kung pwede na lumabas magpapadala lang ako ng pera sa probinsya."sagot ko. Matagal naman siyang nakatitig sa akin bago sumagot, mukhang binabasa niya ang nasa isipan ko. "Sige,pero sasamahan ka ng mga tauhan ko,"sabi nito. "Hindi na kailangan,magtataxi nalang ako babalik din naman agad ako,"sagot ko sa knya. Hindi ako makakatakas pag may mga tauhan niya akong kasama. "Sasamahan ka nila sa ayaw at sa gusto mo tapos ang usapan,"galit na sabi nito. Wala naman akong nagawa,pag nasa labas na ako mamaya gagawa na lang ako ng paraan para matakasan ang mga tauhan niya. Bumalik ako sa kwarto ko para magbihis,kinuha ko ang pera at cellphone ko tsaka nilagay sa sling bag na dala ko.Hindi ako pwede magdala ng malaking bag mahahalata ako baka imbis na makaalis ako dito mapurnada pa. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan,nakita ko si Zaki na kausap ang mga tauhan niya na sasama sa akin.nakaupo naman ang babae sa pang isahang upuan. Dumiretso na ako sa labas nilampasan ko lng siya na kausap pa rin ang tauhan niya.Naghintay lang ako sa tapat ng kotse buti pinayagan niya akong lumabas. Hindi naman katagalan ang paghihintay ko ng makita ko silang naglalakad sa direksyon ko,pinagbuksan naman ako ng pinto ng isa niyang tauhan.Hinawakan ni Zaki ang beywang ko palapit sa kanya para mahalikan niya ako pero iniwas ko ang labi ko. Hindi naman maipinta ang mukha niya sa ginawa ko. "Aalis na kami para makabalik agad,"pagdadahilan ko at pumasok na nga ako ng kotse. Hindi parin maipinta ang mukha niya habang nakatingin sa kotse na papaalis. Habang nasa byahe kinuha ang cellphone ko para itxt si Jessa nakita ko namang madami pala siyang text sa akin.Binuksan ko ito at binasa. Jessa: Besh pupuntahan nalang kita diyan sa maynila. Jessa: Besh on the way na ako sakay na ako ng bus,hihintayin kita sa terminal doon na lang tayo magkita. Jessa: Besh magreply ka naman,nag -aalala na ako sayo. Nagreply naman agad ako sa kanya Me: Sorry besh ngayon ko lang nabasa ang txt mo,itetxt kita pag papunta na ako ng terminal.See you soon. Nakarating naman kami agad sa papadalhan ko ng pera,bumaba na ako para pumasok. "Kuya dito niyo na lang ako antayin mabilis lang naman ako,"sabi ko sa kanila. "Sorry po Miss Karen pero mahigpit pong pinagbilin ni Boss na sasamahan po namin kayo kahit saan kayo magpunta,"sagot nila. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas dito kung bantay sarado sila sa akin,ah! bahala na si batwan basta ang mahalaga matakasan ko sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD