Chapter 30

545 Words
Sa apat na buwan kong pananatili dito sa bahay ni Zaki naging maayos naman ang lahat,medyo halata na rin ang tiyan ko.Binibigyan niya rin ako ng pera para kung may gusto daw akong bilhin mabibili ko.Sinabi niya rin sa akin ang ginawa niya kay Charlotte at sa ama nito. Katatapos ko lang maligo kaya naisipan kong bumaba ng kusina,paggising ko kanina wala na si Zaki sa tabi ko baka maaga pumunta ng opisina niya. Pagdating ko ng kusina naghahanda si Manang ng pagkain. "Manang may bisita po ba parang ang dami niyo po kasing niluluto,"tanong ko. "Ay oo iha,darating kasi ang kababata ni Zaki kaya maaga siyang umalis para sunduin sa airport,"sagot naman ni Manang. Parang may dumaan na sakit sa puso ko dahil sa sinabi ni Manang,kaya pala wala na siya sa tabi ko paggising ko.Hindi niya man lang nagawang magpaalam sa akin. Uupo na sana ako para kumain ng pumasok si Gina sa kusina. "Miss Karen buti po nandito kayo,pinapasabi po ni Boss na kung pwede lumipat daw muna kayo sa guest room may gagamit po kasi ng kwarto na tinutulugan niyo,"sabi ni Gina. Nakaramdam naman ako ng lungkot ganun siguro ka espesyal ang bisita niya para palipatin pa ako sa ibang kwarto. "Sige,aakyat lang ako ililipat ko lang ang mga gamit ko,"sagot ko. Sumunod naman si Gina sa akin para tulungan ako,naisip ko lang paano kaya kong umalis nalang ako dito, baka nga mabait lang sa akin si Zaki dahil sa anak niya na nasa sinapupunan ko.Gagawa ako ng paraan para makaalis dito. Matapos kong ilipat ang lahat ng gamit ko dito sa guest room hindi na ako lumabas,may narinig naman akong ugong ng mga sasakyan sa labas kaya sigurado akong dumating na si Zaki.Sumilip ako sa bintana at nakita kong lumabas ang magandang babae sa sasakyan. Naglakad sila papasok ng bahay habang nakahawak pa ang kamay ni Zaki sa beywang nito,hinaplos ko naman ang maliit na umbok sa tiyan ko. "Anak,pasensya kana kong hindi kita mabibigyan ng kumpletong pamilya mukhang may ibang babaeng gusto ang daddy mo."kausap ko sa tiyan ko. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Zaki hindi ko siya pinansin kahit lingon hindi ko ginawa. "Kumain kana ba,"?tanong niya. "Hmmm...tanging sagot ko sa kanya. Naglakad ako papasok ng kwarto kunwaring mag babanyo ako pero ang totoo gusto ko lang magkulong sa loob,ayaw ko siyang makausap.Habang nasa loob ako nag-iisip ako kong paano ako makakaalis ng bahay,buo na ang desisyon ko aalis na ako dito hindi ko na sila guguluhin pa. Paglabas ko ng banyo wala na si Zaki lumapit ako sa pinto para i lock ito,kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang kaibigan kong si Jessa buti nga naibalik na niya sa akin ang cellphone ko. Matagal ng umuwi sa probinsya ang pamilya ni Jessa dahil may sakit ang lola nito at walang magbabantay,hindi man lang ako nakapag paalam sa kanya bago siya umalis. Dinial ko ang number niya naka ilang ring ito bago niya sagutin,sinabi ko sa kanya kung pwede akong mag stay sa kanila.Sinabi nito na welcome naman daw ako sa bahay nila kahit anong oras,sinend niya din sa akin ang address nila,tinago ko agad ang cellphone ko pagkatapos. Nakaramdam naman ako ng antok kaya nahiga ako sa kama at tuluyan na nga akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD