Hating gabi ng magising ako nakaramdam kasi ako ng hilab sa tiyan,tiningnan ko si Zaki mahimbing ang tulog niya ayaw ko namang gisingin siya para magpakuha ng pagkain.
Naspasya akong bumangon at bumaba sa kusina para kumuha ng makakain,binuksan ko ang pinto ng walang ingay.
Pagbaba ko ng kusina binuksan ko ang ref para maghanap ng pwedeng kainin o lutuin,may gusto akong kainin pero hindi ko alam kong ano yun.Ganito siguro talaga pag buntis ka.
Para na akong maiiyak dahil wala akong makita na gusto kong kainin,naglakad ako palabas ng kusina at tinungo ang main door binuksan ko ito nakita kong may mga tauhan na nakabantay,gusto ko sanang lumabas para maghanap ng makakain ko o baka naman pwede akong makisuyo sa kanila.
Gusto kong kumain ng vanilla ice cream at lalagyan ng nutella sa taas,hahakbang na sana ako palabas ng biglang may humawak sa braso ko.paglingon ko nakita ko si Zaki na madilim ang mukha galit na naman
"Saan ka pupunta,"?galit na tanong niya
"Nag crave kasi ako gusto kong kumain ng vanilla ice cream na may nutella e wala naman sa ref kaya lalabas sana ako para bumili,"paliwanag ko.
"Bakit hindi mo ako ginising,aalis kang mag-isa sa hating gabi hindi mo ba alam kong gaano ka delikado lalo na babae ka,"galit niyang sagot.
"Sorry,nag c-crave kasi ako,"
Napahinga naman siya ng malalim,pinaupo niya ako sa sofa at lumabas ng main door.Ilang saglit lang ay bumalik na rin siya.
"Inutusan ko ang ilang tauhan ko na bumili ng vanilla ice cream,sa susunod wag mong tangkain na umalis mag-isa.gisingin mo ako kahit gaano pa kahimbing ang tulog ko,"sabi niya tsaka hinalikan ako sa noo at labi.
Tumango lang ako sa sinabi niya.
Lumipas ang isang oras ay dumating na din ang inutusan niya,pumunta kami ng kusina para kumain ng ice cream.nilagyan niya ako ng ice cream sa maliit na bowl.pinapanood niya ako habang kumakain,inipit niya pa ang ilang hibla ng buhok ko sa tenga ko.
"Happy,"tanong niya.
Tumango naman ako sa kanya.
Pagkatapos kong kumain umakyat na kami ulit sa kwarto,nag toothbrush lang ako at nahiga na.
"Bukas magpapabili ako ng ice cream para may stock ka sa ref,at pag kumain ka dapat ginising mo ako,"sabi ni Zaki habang nakayakap sa akin.
"Thank you,"tsaka niya ako hinalikan sa labi mabilis lang ang halik na pinagsaluhan namin.Nakatulog kaming magkayakap.