Mabilis lumipas ang araw na ngayon ay maari nang umalis sa ospital si Hell, dahil okay na ang kan’yang kalagayan. Marami ang natakbo sa isip ko nang maalala ko ang nangyari kahapon lamang. Hindi na ako umuwi pa sa bahay nila Yi, dahil sa alimpungatan na lamang ako ng madilim na at kaming dalawa na lang ni Hell ang nasa hhigaan, habang patay ang ilaw at ang tanging liwanag na lamang ng ilaw sa aming uluhan. Naalala ko muli ang pwesto naming. Nakahhiga ako sa kan’yang dibdib na hindi ko namalayang naka yakap na pala ako rito, dahil sa pagiging komportable ko nang makahhiga ako sa dibdib nito. Siguro nga ay nangangalay na ito kagabi, dahil matagal din akong nakaidlip sa kan’yang dibdib. Kahit na inisip ko na ilalayo niya ako, ngunit hindi naman niya iyon ginawa. Ang akala kong sisigawan ni

