“Remember, hindi ka lalabas ng sasakyang ito.” Napatingin ako sa kaniya nang lakbayin namin ang pupuntahan namin. Hindi ko man alam kung saan ay may kung anong kaba ang nasa dibdib ko sa pag-iisip na baka sa iba ako nito dalhin o hindi naman kaya sa kanilang bahay. Malayo rin ang isip ko nang marinig ko noong hindi nito gusto ang umuuwi sa bahay nila maliban na lamang kung kinakailangan at may kukuning gamit lamang. “Teka? Saan ba tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ko, habang pinapaandar pa rin ang kaniyang sasakyan patungo sa kung saan man. Magkasalubong ang kan’yang kilay na kung saan nakatitig lamang sa kan’yang dinadaanan. “Love! Oy! Kinakausap kita.” Alam kong napakakapal ng aking mukha, dahil tinawag ko siyang love, ngunit sanay naman na ako at makapal na talaga ang mukha ko kaya wa

