Natapos akong maligo nang si Nellisa ay busy pa rin sa pagbabasa ng kaniyang libro. Mukhang hindi siya talaga papatinag sa mga libro na kailangan niya pang pag-aralan. Bihis na ‘kong lumabas ng banyo nang makita kong nagbabasa ng maigi si Nellisa. Kumusta naman akong panay bantay lang ang ginagawa. Hindi naman ako nagsisi na ayon ang aking ginagawa. Mahal ko naman ang binabantayan ko, kaya ayos lang sa akin. Ni hindi man lang natawag sa akin si kuya, kahit text man lang. Panigurado akong busy talaga siya. Nag-ayos ako ng pwede kong dalhin sa ospital. Talagang kinareer ko na ang pagbabantay kay Hell. Mabilis ang oras na lumipas nang makaligo at makapag-ayos ako ng gamit. "Nellisa, mauuna na ‘ko, ha!” Paninimula ko. Agad naman itong tumungo, hindi niya ko tinignan bagkus ang mga tingin a

