Gulat akong napalingon kay Hell nang makita kong iritang irita-siya. Halos lahat kami ay natikom ang bibig at ang tingin ay sa kan’ya lamang, dahil sa nangyari. Hindi rin naming aakalaing magiging gano’n na lamang siya. Ang hindi ko alam ay bakit naman niya iyon ginawa. Wala naman kaming ginawa sa kan’ya. “Too loud, I’m pissed,” Walang emosyong sabi nito at parang blangko lamang ang kan’yang mga mata tulad ng dati. Walang sumagot sa kanya at lahat sila ay nagsipag-upuan sa sofa. Agad naman akong pumunta sa gawi niya at umupo sa tabi ng kan’yang kama. “Ano’ng gusto mo? May gusto ka ba?” Pagtatanong ko sa kan’ya. Agad naman itong tumingin sa akin, ngunit tulad ng inaasahan ko ay wala pa rin iyong emosyon at halatang walang ganang tumingin sa akin. “Katahimikan,” sabi niya nang biglang b

