CHAPTER 25

1599 Words
“Y-yi…” Unti-unti itong lumapit sa akin at doon lamang ako nakaramdam ng kaba. Nakita niya ang ginawa ko! Hindi kaya isipin niyang masamang tao ako? At sabihin niya iyon kay Hell? “Sino ka ba talaga?” Tanong nito sa akin, ngunit walang emosyon ang kan’yang mukha at tanging ang mga tingin niya lamang sa akin ang nakuha ng aking mga mata. Bakit ganito ako kung kabahan? Hindi naman ako dapat magpaliwanag pa sa kanya, dahil sino nga ba siya para pagpaliwanagan ko? Ngunit mas lalo akong kinabahan nang makita itong nanlaki ang mata ng tanungin niya ko muli. “Sino ka ba talaga?!” Sigaw na tanong nito sa akin. Halos napalunok na lamang ang nagawa ko nang dahil sa nabalot ako ng kaba. Bakit sa kanya pa ako natakot? Nawala ang lakas at tapang ko kanina nang siya ang sumulpot ay alam kong wala akong sapat na lakas para labanan ang isang ito. “Uulitin ko,” wika nito sa akin ng ngayon ay magkalapit na kami at ilang metro lamang ang pagitan namin. “Sino ka ba talaga?” Napapikit na lamang ako bigla itong mabilis na sumugod sa akin. Ngunit inaantay ko ang kan’yang pag-atake pero hindi ko man lang naramandaman ang ano mang kamay nito sa akin. Napadilat na lamang ako at gulat na wala na ito sa harap ko. Agad akong lumingon sa aking likod at doon ko nakitang sinusuyod niya ito ng suntok. “Yi! Mamatay ‘yan!” Sigaw ko sa kanya at saka hinawakan ang kan’yang braso upang pigilan ito sa kan’yang ginagawa. Mapapatay niya ang isang ‘to kung hindi niya ito titigilan. Tumingin ito sa akin ng masama at saka inalis ang aking kamay sa kan’yang braso at tumayo. Nakatingin ito sa akin saka niya iginalaw ang kan’yang panga. Gulat na lamang ako nang hinila niya ako at saka itinulak sa isang lalaking walang malay at puno ng dugo ang kan’yang bibig. Ang lalaking pinagsusuntok ko kanina. “Sa tingin mo? Kung wala ako rito nga’yon ay baka lahat pa ng iyan ay napatay mo,” Diin na sabi niya mula sa likod ko. Dama ko ang sinabi niya kaya naman ay agad akong napaatras. Kung hindi siya pumunta rito ay baka napatay ko ang mga ito. Lalo akong hindi magugustuhan ni Hell pagnalaman niyang ganito ako. Agad akong napaharap sa kanya at saka yumuko. “Please, ‘wag mong sasabihin kay Hell.” Yumuko ako habang sinasabi ko iyon sapagkat handa na akong magmakaawa habang sinasabi ko iyon. “At bakit naman hindi?” tanong nito sa akin. Agad akong dumiretso ng tayo at tinignan ito sa mata. Ang mga mata niya ay nakatingin din sa akin at ang mga titig niya ay kakaiba. Naandon ang nakakatakot na tingin pero makikita mo iyon na siya ay nagtataka. “Natatakot ako,” Sagot ko at ikinagat ko ang aking ibabang labi saka yumuko. “Talagang matakot ka. Hindi mo kilala ang taong kina-aadikan mo,” ani nito sa akin. Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang kan’yang cellphone mula sa kan’yang bulsa. Agad itong lumayo sa akin habang siya ay may kinakausap sa telepono. Natatakot na ‘ko baka mamaya ay sinasabi niya na ang ginawa ko sa KAZU. Kita kong sumilip ito sa gawi ko saka niya sinabunutan ang kan’yang sarili na para siyang naiinis. Napatingin muna ako sa kabuuan at doon ko na pansing lahat sila ay walang malay. Hindi ako makapaniwalang nabigyan ko ng hustisya ang ginawa nila kay Hell, ngunit agad nawala ang saya sa dibdib ko nang makitang wala na ang hinahanap ng mata ko. “Si Kasim?” Mahinang tanong ko sa sarili ko at saka nilibot ang paningin ko. “Asan si Kasim?!” Palakas na sabi ko kaya naman ay nakuha ng boses ko ang atensyon ni Yi. Agad niyang ibinaba ang kan’yang telepono at saka lumapit sa gawi ko. “Ano naman ang pinagsasabi mo?” Tanong nito sa akin na parang naiirita muli. “Si Kasim! Yi! Si Kasim nawawala!” Halos kabado kong sabi sa kanya na ikinakunot ng kan’yang noo. “Oh? Ano’ng mayroon sa kanya?” Tanong nitong irita sa akin habang ang kani’yang kabilang kamay ay hawak ang kan’yang cellphone. “Hindi pwede! Hindi pa kami tapos!” sambit ko. Doon ko naalala ang ginawa nito kay Hell. Ang yabang-yabang ko pa naman kanina tapos hindi naman pala natuloy! “Sa tingin mo mananatili pa ‘yan ditto, e, binugbog mo na ‘yung mga kasama niya?” Tanong muli nito sa akin kaya naman ay napatingin ako muli sa kanya at ngayon ay inis na ‘ko. “Bakit kasi narito ka?!” Asik ko sa kanya at saka pinag-cross ang aking mga braso. “Wow! Wow! Pasalamat ka nga at tinulungan ka!” habang ang mga daliri niya ay naka turo sa akin. “Mamaya ka na sumatsat! Tara na!” Hindi ako nito pinatapos nang bigla akong hilain nito. Hila-hila nito ang tela ng uniporme ko sa aking balikat. “Oy! ‘Yan ka nanaman sa hila-hila!” sigaw ko, ngunit hindi ito nakikinig sa akin. Nang makalabas kami ay agad niya kong binitawan at saka pumunta sa gilid. May kinuha siya roon at nalaman ko lamang ang kinuha niya nang inihagis niya iyon sa akin. Ang bag ko! Tinignan ko ang bag na yakap-yakap ko at saka tinignan ang likod ni Yi na nakatalikod sa akin. Ang likod niya ay napakalaki na kahit sinong babae ay magugustuhan ang likod nito, dahil likod pa lang makisig na tignan. “Sa susunod ay hindi mo na pwede gawin ito,” rinig kong sabi niya. Napapikit pikit naman ako nang sabihin niya iyon. “Ginawa ko lang naman ‘to, dahil gusto ko magantihan ang ginawa nila kay Hell,” Saad ko at saka yumuko. Hindi ko naman alam na pupunta siya, dahil ang alam ko ay ako lamang ang nakakaalam na gagantihan ko ang mga iyon. “Pero saglit lang? Bakit ka nga pala narito?” Tanong ko muli sa kanya saka ako lumapit. Madilim at halos nakakatakot na ang paligid kaya naman ay napalapit ako sa kanya at hinawakan maigi ang aking bag. Agad kong binuksan ang aking cell phone at binuksan ang flashlight. “Tara na,” ‘Yun na lamang ang sabi niya kaya naman ay naitutok ko sa mukha niya ang flashlight na mabilis na kinainis niya. “Ano ba?!” Asik nito sa akin, ngunit hindi iyon ang napansin ko. “May sugat ka!” Agad akong lumuhod at inilapagang bag ko. Saka ko kinuha ang aking panyo at binuhasan ito ng tubig mula sa aking inuman. “Ano ba ginagawa mo? Tumayo ka nga r’yan” utos nito, ngunit hindi ko mula ito pinakinggan. Agad akong tumayo at saka tumingila at doon ko dinapuan ng panyo kong basa sa kan’yang sugat. “Linisin muna natin sugat mo,” Sabi ko habang pinupunasan ko ang kan’yang gasgas sa mukha. “Ayan!” Ngiting sabi ko at saka ibinaba ang aking panyo, ngunit gano’n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang gano’n na pala ako kalapit sa kanya. Ang mga mata niya ay nakatingin din sa akin. At unti-unting nanlaki. “Tara na,” Sabi nito sa akin kaya naman ay napalunok na lamang ako. Agad kaming dumaan sa dinaanan ko kanina. Ang malagong dahon. Nasa likod niya lamang ako at sinusundan lamang siya. Hindi rin nagtagal ay nakalabas na rin kami at tumambad ang kalsadang pinaghintuan ng taxi kanina. Naglakad ito muli, ngunit nakatayo lamang ako habang tinitignan siyang papalayo sa akin. “Ano tinatanga mo r’yan?” Huminto ito at saka lumingon sa akin. “Ano kasi...” Hindi ko pa nasasabi sa kanya na roon ako muli matutulog. Alam kong sasabuyan niya lang ako ng laway niyang kumukulo, dahil sa init ng kan’yang ulo. Gulat na lamang ako nang bumalik ito sa gawi ko. Halos atakihin ako sa puso ng kadayabag ng kan’yang paa sa lupa ay katumbas ng matinding pagtibok ng aking puso. Gano’n na lamang ang pagkabigla ko nang hilain nito ang tainga ko. “Ouch! Ano ba?! Ang tainga ko!” Hindi ako nakapalag ng gawin niya iyon kaya naman ay wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lamang sa kanya. Agad kaming nakarating sa kotse nito at saka niya ako ibinato papaloob. Umikot naman ito at saka sumakay sa sasakyan. Pagkasakay niya ng sasakyan ay biglang tumunog nanaman muli ang kan’yang cellphone. “She’s f*****g here! Oo nga!” Saka niya ito ibinaba at tumingin sa akin. Napatingin na lamang ako sa telepono ko nang may mag-text. 'Buti na lang at kasama mo si Yi. Alam na n’yang dito ka matutulog. Magiingat kayo pag-uwi…' - Nellisa Napalunok naman akong muli nang kaya pala gan’to ang kan’yang itsura, dahil alam niya nang doon muli ako matutulog sa kanila. Ang mga gamit ko! “Yi!” Sigaw na kinabigla niya at saka niya napahinto ang sasakyan. “Ouch!” Aray ko nang para akong binigla, dahil sa mabilis na pagkahinto ng sasakyan. Nanlaki ang mga mata nitong tumitig sa akin at bagamat para akong kakainin ng buhay. “What f*****g now?! Ahh!!” Sigaw nanaman nito saka sinabunutan ang kan’yang sarili. “A-ano kasi...” Napakagat ko ang aking labi nang matakot ako, dahil sa inasal niya. “What?!” Sigaw nitong muli sa akin. “‘Yung gamit ko kasi sa bahay, e. Pwede kunin muna natin?” Mahinang tanong ko at saka yumuko. “f*****g life!” Sigaw nito at saka mabilis na pinaandar ang kan’yang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD