CHAPTER 20

1886 Words
Ngayon ay nasa bahay ako ngunit gano’n na lang ang pagtataka ko ng wala pa rin si kuya. Ang sabi niya lang naman ay hanggang ngayon lamang siya. Pero kinuha ko ang tyansyang iyon para hindi nito makita ang mga pasa ko. Agad-agad akong tumakbo papuntang kwarto ko at sinulang maligo. Ilang saglit pa ay nagbihis na rin ako ng uniform ko at nagsuot ng jacket. Binalak ko sanang mag-half day lang para mapuntahan si Hell. Gagawa na lang ako ng letter para maka labas ako sa gate o kaya naman ay mago-over the bakod ako. Wala akong paki kahit mahuli pa ako basta kailangan ko mapuntahan si Hell. Lalo na ngayon kailangan niya ko. Ako ba talaga? O ang mahal niya? Nagtatalo ang isip at puso ko sa kadahilanang alam ko sa sarili ko kung sino ang hinahantay niya. Bagamat masakit ay wala akong magagawa. Gulat na lamang ako nang pababa na ‘ko sa kwarto ko upang umalis ay saktong pagtawag ng kuya ko sa akin. Agad ko naman itong sinagot. "Kuya! Asan ka na ba?!” Sigaw kong sabi nagsaktong sagutin ko iyon. Nakakunot pa ang aking mga noo, habang nagsasalita ako. 'Stacy, baka ay abutin ako ng tatlong buwan dito’Halos bumagsak ang mga braso ko nang marinig ko iyon. Bakit naman gano’n katagal? “Bakit? Teka! bakit gano’n katagal, Kuya?” Hindi ko na alam kung saan ko sisimulan ang pagtatanong ko pero gano’n na lamang ako nalungkot nang malaman kong aabutin pa siya ng tatlong buwan doon. 'Pansamantala ay dalhin mo muna ang mga gamit mo kaila Nellisa. Nakapagpaalam na ‘ko sa kanya at pumayag naman siya.’Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya iyon mula sa kabilang linya. Ano kamo? Tatlong buwan akong nandoon sa kanila? Kuya! Hindi mo alam kung sino ang iba pang naandoon sa bahay! “Kuya! Hindi lang si Nellisa ang nandoon sa bahay! May kasama rin siya!” Painis na sagot ko sakanya, sa totoo lang ay naramdaman ko ang inis bago ang lungkot. Inis na hindi niya ko pinagdecide at lungkot na tatlong buwan si’yang wala sa tabi ko. ‘Stacy.’ Pagtotono nitong sabi sa akin. Mukhang ginagamit niya ang pagiging kuya nito sa akin. Ang mas nakakatanda kaysa akin. Napabuga na lamang ako ng hangin ng satingin ko ay wala akong magagawa. Pero hindi ‘to alam ni Yi!? Lagot ako nito! “Kuya! Ano ba ‘to? Rehersal ba ‘to sa impyerno?” Inis na tanong ko nang maalala ko si Yi . ‘Stacy please? Sundin mo na lang ako?’ ngayon ay malambing na. Mukhang wala na talaga akong magagawa pero pano na si Yi? Paano na ‘ko! Paano na ‘ko mabubuhay? “Kuya! Hindi ba pwedeng dito na lang ako sa bahay?” Halos padyakin ko na ang mga sahig, habang sinasabi ko iyon. ‘Pwede naman.’ Namilog ang mga mata ko at gumuhit ang mga ngiti sa akin! YES! ‘May kasama ka rin naman d’yan, e.’ Nagtaka ako ng sundan pa nito muli anang sabihin nito sa akin. ‘Wag niyang sabihin na si Nellisa ang nandito? “Ha? Kuya?” Pagtatakang tanong ko sa sinabi niya. Bagkus ay hindi ko man maunawaan ang sinabi niya na may kasama naman ako dito pero sa totoo naman ay kaming dalawa lang naman ang laging nandito. ‘’Yung babaeng laging nasa hagdan.' Halos tumaas ang mga balahibo ko nang sabihin niya iyon at saka ako nagtitili tili. “Kuya! Oo na! Oo na!” Patakbong sigaw ko palabas na halos hindi ko na nga nai-lock ang pinto namin sa sobrang takot. “Nellisa, samahan mo naman ako mamaya, oh!” Pagpipilit ko sa kanya, ngunit nakatuon lamang ang kan’yang mga atensiyon sa libro nitong hawak. “Stacy, kailangan ko mag-aral ng husto kaya magre-review lang ako pagkauwi natin.” Ngumuso naman ako nang sabihin niya iyon. Tinignan ko si Decerly na ngayon ay nilayuan ako ng tingin saka ni-shake ang kan’yang ulo na pinapahiwatig sa akin na hindi-hindi. Mukhang wala talagang sasama sa akin! Sino na lang ang kasama ko? Ayoko umuwi sa bahay ng mag-isa para kumuha ng gamit! “Bakit ba kasi hindi na lang ikaw mag-isa ang pumunta sa bahay niyo?” Tanong sa akin ni Nellisa at saka nito binaba ang kan’yang librong binabasa. “Natatakot kasi ako, e!” Ngusong sabi ko, halos lumaglag ang panga ni Nellisa nang sabihin ko iyon. Kumurap kurap ito ng animoy hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. “Decerly! Narinig mo ba ‘yon?” Nakatingin lamang ako kay Nellisa, habang tinatanong niya si Decerly kung tama ba ang narinig niya. Tumango tango naman si Decerly na akala mo rin ay hindi makapaniwala aking sinabi. Napapikit ako at saka bumalik sa aking upuan. “Nabalitaan mo ba ‘yon?” Dinig kong sabi ni Kisses. Batid kong ‘di nila alam na nasa likod na nila ako, dahil nakatalikod naman ito sa akin. “Na nadisgrasya si Hell, dahil sa isang babae.” Dagdag niyang muli, habang ang isang kamay ay may hawak na salamin. Katabi nito si Dabbie na ngayon ay busy sa pagsusulat ng notes. Bagamat sa makalawa ay test na namin. “Hindi kaya si Mavie ang iniligtas niya? Si Mavie lang naman ang iniligtas niya sa lahat ng naging girl friend niya, ‘di ba?” Pagtatanong ni Lortie mula sa gilid ni Dabbie. “Hindi rin.” Nakatingin lamang ako sa bintana, habang nakikinig sa kanila. Alam kong ako ang sisisihin nila pero pagsi-Mavie ang usapan ay para bang okay lang sa kanila. Parang sinasabi nila worth it iligtas si Mavie kaysa akin. Pero hindi ko naman kailangan ng sasabihin nila. “Bukod kay Mavie meron pang isa.” Pahina nang pahina ang pagkasabi ni Kisses. Dama ko ang tingin nila sa akin sa hindi ko malaman na dahilan, malalaman mo pag may nakatitig sa ‘yo at alam kong hindi lang ako ang nakakaranas ng ganoon. Dumaan ang oras at ngayon ay sumapit na ang lunch break. Ngayon kami ay pababa at sinimulang pumunta sa cafeteria. Napapagitnaan ako nina Decerly at Nellisa. Gayo’n naman si Nellisa ay may hawak na libro at si Decerly naman ay may papel na hawak at parang nagkakabisa sa isip. Ako naman itong naka nguso lang at iniisip bakit hindi ako nag-aaral! Halos mababangga na si Nellisa ng isang lalaking may hawak na bola, dahil naka talikod ito papunta at pinagpapasa pasa sa kan’yang dalawang kamay ang bola. Agad ko namang hinala si Nellisa sa gawi ko na kinagulat niya. “Hey! Hey! Pwede bang mamaya ka na lang magbasa?” Pagsasabi ko sa kanya, ngunit tumingin ito sa gilid niya at doon niya napansing may mga dumaang basketball player mula sa campus. Tumingin ito muli sa akin. “Nope.” At saka nito ibinalik ang kan’yang tingin sa libro. Halos tahimik kaming nakarating sa cafeteria at saka umupo sa pwesto namin. Napayuko na lamang ako ng ang tsismis na naririnig ko ay panay kay Hell. Bibisitahin ko nga pala ito pagkatapos kong kumain.Gayo’n man hindi nila ako pinayagan makalabas ng school kaya wala silang magagawa, dahil mago-over the bakod talaga ako. Kailangan ako ni Hell at kailangan ko siya. Dama ko ang lungkot sa sarili ko nang maalala ang lahat ng nangyari. Wala pa akong balita, kung gumising na ba siya pero kailangan ko pa rin siyang makita. Kailangan ko siya talagang puntahan. Love. hintayin mo ‘ko.. “Ito na!” Pagbaba ni Decerly ng in-order niyang pagkain, dahil siya daw ang taya kaya naman siya ang bumili ng aming Lunch. “Bukas ay ikaw naman!” Turo nito sa akin saka ako tumawa. “Absent ako bukas!” Pagtatawang sabi ko, kuripot ako, e! “Duga mo!” Ngusong sabi nito sa akin kaya naman ay napahalakhak ako. Sinimulan naming kumain, ngunit dinig ko pa rin ang mga chismis nila. “Ibig sabihin, hindi talaga malakas si Hell?” pinikit ko ang mga mata ko sa sobrang inis nang marinig ko iyon. Ngayong pinagduduhanan nila ang isang Hell. “Mag-isa lang kasi siya.” sabi ng isa. “Pero ang sabi nila kaya niyang pabagsakin kahit benteng tao pa nang siya lang mag-isa.” Singit muli ng isa. “You bitches done?” Natigil ko ang pagsubo ko nang marinig ko ang tinig na iyon. “Mav-mavie.” Kahit nakatalikod ako ay rinig ko pa rin ang sinasabi nila kahit ilang silya lang naman ang layo ngunit rinig ko pa rin ng malinaw ang mga tinig nila. “You better shut up,” Muling rinig ko mula sa boses ni Mavie na ngayon ay dama kong unting-unting lumalapit sa akin. Nakita ko ang mga mata ni Nellisa mula sa likod kaya naman tama nga ang aking nararamdaman na papalapit na ito sa akin. “Hey!" “Ugghh!” Napapikit na lamang ako nang maramdaman ko ang sakit na natamo ko mula sa paghampas nito mula sa likod ko. Agad kong nayukom ang mga kamao ko at nagpigil ng galit. Batid kong gano’n ang sakit na natanggap ko mula sa kan’yang hampas, hindi ‘yon alintana ng iba, dahil hindi naman nila alam na may pasa ang aking likod mula sa pagkakahampas sa akin. “What the heck, Mavie! May sugat ‘yung likod niya!” Napatayo si Nellisa, habang sinasabi niya iyon kaya naman rinig kong nagbulungan na ang iba. “I know.” Bahagyang nitong sabi, tinignan ko ito at gano’n na lamang ang ngising ibinigay niya sa akin. “Kaya nga ginawa ko, ‘di ba?” Lalong tumaas ang mga kilay niya nang banggitin niya iyon. Magsasalita pa sana si Nellisa, ngunit pinigilan ko ito kasabay ng aking pagtayo sa upuan. Tinignan ko si Mavie na ngayon ay magkaharap na kami. “’Di ba, ang sabi ng bubwit na ‘to ay lumaban ka?” Asar na tinig nito mula sa akin na ngayon ang kan’yang mga kamay ay nakatiklop na humugis X, habang ang mga tinigin niya ay akala mo maliit ang tingin lamang sa akin. “Bakit hindi mo ‘ko labanan?” Dagdag na tanong nito sa akin. Nawala ang initan ng aming pagtitingin nang marinig namin may humalakhak mula sa likod namin. “Baka hindi kana magising pagginawa niya ang sinabi mo, Mavie.” Agad akong napalingon ng si Seven ang bumungad mula sa likod ko. Halos tilian ang mga narinig ko mula sa buong cafeteria dahil kay Seven. “Seven,” Natatawang sabi ni Mavie, ngunit halatang ang pagtawa nito ay may pagtataka. Naglakad ito papunta sa amin saka niya ko nilahadan ng kamay para mag-appear. Kaya naman agad naman kaming nag-high five at napunta ang tingin niya kay Mavie na ngayon ay nasa harapan pa rin namin. “Mag-iingat ka, Mavie. Baka ‘di ka na abutin next week pagpinilit mo siyang labanan ka.” Halos hindi maipinta ang mukha ni Mavie nang sabihin ni Seven iyon sa harap ni Mavie. “By the way! May pancit canton ba dito?” Halos nanlaki ang mga mata ko nang tanungin iyon sa akin ni Seven. Seryoso ba siya? Pancit? Canton? “W-wala! Ano ka ba, Seven?!” ngayon naman ay ngumuso na parang nadidismaya nang walang pancit canton dito sa cafeteria namin. Ito talaga ang pinunta niya dito? PANCIT CANTON?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD