CHAPTER 19

1830 Words
Namulat ko ang mata ko ng matuyuan ang lalamunan ko. Nauuhaw na ako. Napatingin ako sa katabi ko na si Nellisa na ngayon ay mahimbing na ang tutulog, habang may nakatakip sa kan’yang mga mata. Unti-unti akong tumayo,, ngunit gano’n ko na lamang naramdaman ang sakit ng braso ko at iba pa, agad kong sinuot ang tsinelas na pang bahay at lumabas ng pinto ng kan’yang kwarto at tinahak ang kusina nila. Batid kong wala ng taong gising, dahil ano’ng oras na. Madaling araw na nang makita ko sa wall clock nila. Dahan-dahan akong pumasok sa kusina, ngunit gano’n na lamang ang gulat ko ng naandon si Yi. Napahinto ako sa mismo sa pagpasok ng kusina, dahil sa gulat. Bakit gising pa ang isang ‘to? Agad akong yumuko, kahit batid ko ang pagsakit ng aking braso. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagtatago. Bago makapasok sa kusina ay mayron doon na malaking lamesang parang pa letter U ang style. Paikot ito at ang itaas nito ay mga babasaging baso at alak at sa likod no’n ay doon ako na nakaluhod. Nakatalikod naman ito sa akin kaya naman ay hindi ako nito siguro mapapansin. Gagapang sana ako palabas ng kusina nang hindi niya napapansin kaya naman ay sinubukan kong gumapang ng kaunti. Na rinig ko ang paglapag ng isang babasagin na baso mula sa lamesa na ikinabigla ko. Ang t***k ng puso ko ay halos marinig ko na sa kaba, dahil ayoko nanamang kaladkarin ako nito papuntang kwarto ni Nellisa. "Up.” Halos manigas ako nang marinig ko ang tinig na iyon. Napalunok ako bahagya at ipinikit ang mga mata ko sa sobrang kaba. "I said, up!” Sigaw na nitong sabi sa akin, kaya naman ay agad akong napatayo, ngunit gano’n na lamang ang katangahan ko nang mauntog ako sa lamesa.” Araouch!” Halos sigaw kong sabi, dahil ang lakas nang pagkakauntog ko. Bunbunan ko pa man din iyon. Naramdaman ko na lamang na may nagbuhat sa akin at saka ako inupo sa upuan. Nakapikit pa rin ako nang ramdam ko pa rin ang sakit mula sa pagkakauntog ko. Halos magulat ako nang may malamig na nakapatong sa ulo ko. Inangat ko ang tingin ko at nakatayo sa harap ko si Yi at ang tingin nito ay nasa ulo ko. Napalunok ako nang makita ko ang kabuuang mukha nito. Ang matangos nitong ilong at mapupulang labi. Halos nagdikit na ang kani’yang kilay, hindi ko pa ito nakikitang ngumiti kahit kailan. Nanlaki ang mga mata ko nang tumingin ito sa mga mata ko. Binitawan nito ang ice bag sa ulo ko at agad naman i’yong sinalo. Hawak-hawak ko ito habang nakalagay pa rin sa aking ulo. “Ba’t ba ang tanga-tanga mo?” Tanong sa akin at nakapamewang sa akin. Halatang uminom ito, dahil naamoy ko ang kan’yang hininga. “I-iinom sana ako ng tubig, e!” Pagpapaliwanag ko habang ang mga kamay ko ay hawak ang ice bag na sa ulo ko. Halos humba pa ang nguso kong nagpapaliwanag. Rinig ko lamang itong nagbuntong hininga. “Bakit gising ka pa?” Tano’ng nito sa akin. Bagamat naroon ang kaba, dahil baka mamaya ay kaladkarin ako nito pataas ay itinago ko muna iyon. Sinubukan kong sumagot nang hindi pa angas at maayos lamang. “Nauhaw kasi ako.” sabi ko muli. Sinundan ko lamang ito ng tingin nang umalis ito sa harap ko at kumuha ng tubig mula sa ref. Inilagyan niya ng tubig ang isang baso at inilapag ito sa mesang nasa harap ko. “Gamot mo?” Halos nanlaki ang mata ko nang maalala ko! Hindi ko nga pala nainom ang gamot ko, dahil nakaligtaan ko! “Buti napaalala mo!” madaling bigkas ko at akmang bababa sa upuan, ngunit mabilis itong kumilos at nakarating sa harap ko. Tinignan ko ito ng nagtataka. Magkasalubong ang kilay niyang nakatingin sa akin at tinignan ako ng halos ang talim-talim. “Ano nanaman ang ginawa ko?!” maktol na tanong ko at nagpapadyak- padyak. “Pfftt…” Hindi pa rin ako natigil sa pagmamaktol ko, dahil hindi ko na alam ang gagawin ko at palagi na lang siyang galit sa akin! Ngunit natigil ko iyon ng matamaan ng tingin ko ang kan’yang mukha. Napalunok na lamang ako nang makita ko ang mata niyang nakangiti. Totoo ba ‘to? Ngumiti si Yi? Napakurap-kurap ako, dahil hindi ako makapaniwala na ngumiti ang isang ‘to. Mukha ba ‘kong tanga sa ginawa ko? Nawala ang ngiti nito nang makita nitong nakatingin ako sa kanya. Mabilis na nag-iba ang tingin nito sa akin at bumalik sa dikit na kilay. “Asan ba ang gamot mo?” Tanong nito sa akin, habang ang mga kamay niya ay inilagay niya sa kan’yang bulsa. Ang suot nito ngayon ay isang black t-shirt at gray na short suot-suot ang kan’yang slides na nike. Kahit ang kan’yang buhok ay makintab at gulo-gulo. Gano’n naman kalakas ang dating niya, dahil sa tangkad nito at kutis nitong kasing puti ata ng pwet ko, dahil tago. “A-asa kwarto ni Nell,” Utal na sabi ko. Bakit parang ang bait naman nito ngayon? Ano ba ang ininom niyang alak at bumait ito? Pagtatanong ko sa isip ko. Halos matuwa ako nang nagtanong ito para kunin niya ang gamot ko. Ang bait niya talaga ngayon, hindi ako makapaniwala. “Oh? Ano pa hinihintay mo?” Nanlaki ang mga singkit nitong mata at tumingin sa akin na para bang ano pa nga bang inaantay ko rito. Napakurap ako nang mapagtanto kong ano nga ba ang iniisip ko. “H-ha?” Hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Dahan-dahan kong inilagay ang ice bag sa mesa at inisip muli ang sinabi niya, hindi niya ba kukunin ang gamot ko? “Kunin mo na ang gamot mo. Ano ba hinihintay mo r’yan?” ani nito sa akin na para bang sinasabi sa akin ng mga tingin niya na bakit hindi pa ako na kilos. “Ano ba akala mo? Kukunin ko ‘yon?” Sunod na tanong nito sa akin at bahagyang natawa ng sarcastic. Muli itong tumingin sa akin at binigyan ako ng smirk. Ilang saglit pa ay umakyat ako sa itaas upang kunin ang gamot na binili namin kanina sa ospital. Dahan-dahan akong pumanik para hindi magising si Nellisa. Bukas ay Friday hindi ko alam ang sasabihin ko kay kuya kung makita niya akong ganito ang natamo ko. Kung suot ko ang uniporme ko ay hindi naman halata ang mga pasang natamo ko sa braso, ngunit p.e ang suot ko bukas at maaga pa ‘kong uuwi mamaya upang makakuha ng damit. Bumaba ako tuluyan nang makuha ko ang gamot at tinahak ang daan pababa upang uminom, dahil naroon ang tubig. Kung bakit hindi ko naisip na magdala na lamang ng tubig at doon ako uminom sa taas! Pagpunta ko sa kusina at naroon pa rin si Yi at gano’n pa rin ang postura nito. Hawak-hawak nito ang kan’yang baso na may pulang likido at iniikot-ikot ito. Nakatalikod ito sa gawi ko, kaya batid ko nang hindi ako nito pansin. Naisip ko tuloy ‘‘yung araw na nahuli namin sila ni Hell na kasama niya si Mavie at umamin siya. Gano’n na lamang ang paghinayang ko nang maalala ang sinabi ni Mavie sa kaniya. Hindi siya nito mahal. Parang ako hindi ako mahal ni Hell. Parehas lang kami ng kinatatayuan at nararamdaman, kahit hindi kami mahal ay nasa tabi pa rin nila. Kinuha ko ang baso ko at nilagyan muli ng tubig. Batid kong na rinig niya iyon, ngunit hindi niya iyon pinansin. Pagkatapos kong uminom ng gamot ay pinuntahan ko ito at tinabihan. “Ang hirap magmahal nang hindi ka mahal, ano?” Nakatingin ako sa mga boteng nasa taas. Halatang branded ang lahat ng mga ito. “Paki mo?” Sagot nito sa akin at nilaklak ang alak nitong nasa kan’yang baso at sinimulang magsalin. “Kung ako sa ‘yo ay enjoy-in mo na lang. Ako nga hindi ako mahal ni Hell at-” Hindi natuloy ang sasabihin ko nang bigla itong nagsalita. “At hindi ka niya mamahalin kahit kailan,” sabi nito at ininom muli ang kan’yang dalang alak. “Alam ko.” Napangiti ako nang maisip ko ang mga nangyari sa amin nitong mga araw lang. Madalas na kaming magkita o magkasalubong. “Ikaw kasi nasasaktan ka, dahil naghahangad kang mahalin ka niya pabalik.” Napayuko ako nang sabihin ko iyon sa kanya. Rinig ko ang pagtama ng baso nito sa mesa. Dama kong nakatingin ito sa akin. “Hindi ba’t pagnagmahal ka, hahangarin mo rin mahalin ka pabalik?” Gulat ako nang itanong niya iyon sa akin. Hindi ko akalaing magkakausap kami ng ganito, dahil hindi niya talaga ako kinakausap. “’Di mo kasi tanggap na hindi ka niya mahal, kaya hinahangad mo pa rin na mamahalin ka niya pabalik,” ngiti kong sambit nang maisip ko si Hell. “Tanggap ko nang hindi niya ko mamahalin pero…” Hindi ko maiwasang mapangiti nang isipin ang mukha niya at doon ako nalungkot nang maalala ang nangyari kanina. “Pero mamahalin ko pa rin siya, kahit walang kapalit.” Nakatingin lang ito sa akin na parang hindi nito akalaing sasabihin ko iyon. “Alam mo bang mahal niya si Mavie?” Wala sa wisyong tanong ko. Alam kong masasaktan siya tanong ko, ngunit uminom lamang ito ng alak. “Matagal na.” Nakatingin lamang ako sa kanya. Palagay ko ay nasasaktan siya ng husto, dahil sa mga nangyayari. Mahal ng kaibigan niya si Mavie at mahal naman niya si Mavie, ngunit ang mahal naman ni Mavie ay ang kaibigan niya. Ano ang panama mo sa taong mahal ng mahal mo? Katulad ng sabi ko ay parehas lang kami. “Naiintindihan ko si Hell,” Dagdag ko “Naroon ako nang madisgrasya si Mavie.” Nakuha ko ang atensiyon niya nang tapunan ako nito ng tingin. Inalala ko ang lahat ng iyon. Ang unang pagkikita namin ni Hell. “Pasalamat ako at nang dahil doon ay nakilala ko si Hell. ‘Yun din ‘yung araw na nakipaghiwalay siya kay Mavie.” Kwento ko pa, ngunit parang nakikinig lamang ito sa akin. “Ayaw ni Hell na mapahamak si Mavie tulad ko. Tulad ng nangyari kanina at sa iba niya pang naging girl friend. Tanging si Mavie lang ang iniligtas niya. Iniligtas niyo…” Muli kong sabi. “Hayss… Inaantok na ‘ko at may pasok pa tayo bukas. Pupuntahan ko pa si Hell.” Agad akong bumaba sa upuan. “Matulog ka na rin. Goodnight, Kai Nian,” Pagtatawag ko sa pangalan nito na mabilis niya akong tinignan ng masama. “Hindi porket ay kinausap kita ay pwede mo na ‘kong tawagin sa pangalan ko,” Halos pagalit niyang sabi, ngunit pa kalmado niya iyong banggitin. Hindi ko na ‘to pinansin pa at umakyat agad sa taas. Nakaupo ako sa kama ng isipin ko si Hell. Love, gumising ka na mamaya, ha?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD