CHAPTER 18

1849 Words
“Gumising na ba siya?” Tanong ko nang makitang nakaupo si Nellisa roon. Siya lang mag-isa at wala na ang iba. Asan na sila? Takang tanong ko sa isip ko. “Inilipat na ng kwarto si Kuya Clark. Inaantay lang kita dito kasi alam kong dito ka didiretso.” Pasalamat na lamang ako at naandito ang kaibigan ko, ngumiti ako bahagya nang sabihin niya iyon sa akin. Siguro nga ay itinuturi ako nitong kaibigan na talaga, kung gano’n ay bakit ako nahihirapang ikwento sa kanila ang lahat. Bakit sanay akong mag-isa at kimkimin ang lungkot. Sapagkat ang kwento sa akin ni Kuya ay isa akong palakaibigan na tao, ngunit hindi ko man lang makita sa sarili ko ang bagay na iyon. Parang mas komportable ako nang ako lamang mag-isa at walang kaibigan. May oras nga na gusto ko silang utusan, ngunit naalala kong kaibigan ko nga pala sila. Tanging si Hell lamang ang nagpabago sa akin. Simula nu’ng dumating siya ay nakulayan ang buhay ko. Naging masaya ako, nakakaramdaman ako ng tuwa at kilig. Pero masarap din pala pag may tumuri sa iyo ng tunay na kaibigan. “Okay na ba siya?” Tanong ko sa kanya, habang ang tingin ko ay nasa pintong pinasukan ni Hell kanina. “Pwede bang unahin mo muna ang sarili mo?” Inis na sambit nito sa akin, kaya naman ay napatingin ako sa kanya at ang kanyang noo ay halos magdikit na ang mga kilay nito. Matawa ako sa ibinigay niyang reaction sa akin, dahil hindi ako sanay na gan’yan ang itsura nito. Sanay akong nakangiti lagi ito at laging naka-peace sign. “Ano’ng nakakatawa? Ano na lang talaga sasabihin ko sa Kuya mo?!” Parang nagaalalang Ate nito sa ‘kin. Nawala ang ngiti ko nang sabihin nito ang Kuya ko. “Wala kang sasabihin sa Kuya ko, naiintindihan mo.” Nag-iba ang tono ng pananalita ko at kita ko ang pag-iiba ng kan’yang itsura. Nabigla ito sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagiging ganito pero ayoko ng mag-alala ang Kuya ko sa akin, marahil pagod na iyon sa trabaho kaya ayoko ng dagdagan pa. “Nellisa, naiintindiha mo ba?” tanong kong muli. Nagbaba lamang ito ng tingin at saka tumungo. “Pasensiya ka na…. ayokong nag-aalala ang Kuya ko,” Pagpapaliwanag ko. Umangat ito ng tingin. Mas matangkad ako sa kanya ng kaunti. Akma ko itong inakbayan saka nginitian at nagbigay rin ito ng ngiti. Paano ako kung isa talaga akong masungit at maldita noon? At hindi talaga ako lovely at malambing tulad nang sinasabi ni Kuya? May tatanggap pa kaya sa akin bilang kaibigan? Iiwan kaya nila ako? Hindi ito ang tamang pag-iisip para sa gan’yang bagay. Isinalin ko iyon sa isip ko at inalala si Hell. “Puntahan natin ang kwarto ni Hell,” sabi nito at saka tinahak ang daan papunta sa kwarto nito. Pagpasok pa lamang namin doon ay halos mapuno na ang kwarto. Naandon ang KAZU, pito silang nasa loob. Isang doctor at si Mavie, dumagdag pa kami. Na sa amin ang tingin nilang lahat, ngunit nawala rin agad nang magsalita muli ang doctor. “Hindi kayo pwede lahat dito sa kwarto na ito. Tanging dalawa lamang ang pwede rito o isa,” ani nito. Nang sabihin niya iyon ay agad akong nagtaas ng kamay. “Ako na po ang magbabantay,” Agad ko ring nababa ng maramdaman ko ang kirot mula saking braso at likod sa pagpwersa kong itaas ang kamay ko. “Hindi ka pwede,” Sabat ni Yi. Nakatayo ito sa tabi ni Hell samantalang si Mavie naman ay nakaupo sa tabi ni Hell at hawak-hawak ang kamay nito na ikinakulo ng dugo ko. “Pwede ako at saka ako ang girl friend niya,” Pagdidiin ko, kahit hindi naman talaga kami ay mas gusto ko na ako ang magbantay. Ayoko ng ang babaeng ‘yan ang magbabantay sa mahal ko. “Injured ka,” si Seven. Napatingin ako sa gawi nito at nginuso niya ang braso ko at binti. Halos nanlumo ako nang sabihin niya iyon. Gusto kong ako ang magbantay at mag-alaga. “Pero… nang dahil sa akin-” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. “Nang dahil sa ‘yo kaya ganito ang inabot ni Hell. Kung hindi ka dumating sa buhay niya! Edi! Sana hindi na ito nangyari!” sigaw na sambit ni Mavie. Hindi ako nakasagot pero ang tanging nararamdaman ko lang ay inis. Ako talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito. “Hindi niya kasalanan! Stacy, umupo ka muna,” Sabat ni Nellisa na ngayon ay inalalayan ako. “Wala kang alam,” Mahinang bulong ko, habang ang mga tingin ko ay na kay Mavie. “Tama na ‘yan.” Pigil ni Roku, kaya naman ay kinuyom ko na lamang ang mga kamao ko na gusto kong itama sa mukha nito. Alam kong wala akong palag dito, dahil sa ito ang mahal ni Hell at hindi ako. Ano ang laban ko sa taong mahal ng mahal ko? “Ikaw ang walang alam.” Hindi na nito natapos ang sasabihin nito nang magsalita si Seven. “Can you please shut up, Mavie?” Seven na parang naiinis na. “Seven,” Tonong tawag ni Yi na parang binabalaan nito si Seven. “No! Let me finish! Para alam ng babaeng iyan ang totoo! Simula nang dumating ka ay ngayon lamang ito nangyari kay Hell!” Tumayo na ito at akmang pupunta sa akin ngunit hinawakan siya ni Yi. “Mavie.” Tawag Yi na parang pinapahinahon ito. “Hindi niya kasalanan,” Napalingon kami kaagad sa nagsalita. Ngayon ko lamang narinig ang boses nito. “T-tres.” Hindi makapaniwalang ani ni Ar na napatingin pa kay Si upang alamin kung totoo ba ang narinig nila. Halos nawala ang pag-iinitan namin ni Mavie nang magsalita si Tres. Kahit ako ay nakurap-kurap, dahil hindi ko talaga akalaing nagsalita siya. “Hays! ‘Wag na nga,” Dagdag niya muli at saka nagdekwatrong upo. “Tres is right. ‘Di kasalanan ni Stacy, tama ba?” tanong nito sa akin, kung tama ang pangalan ko. Tanong iyon sa akin ni Si. “Si! You know that Hel-” Hindi siya pinatapos nang narinig ko ang boses ni Nellisa. “If you think it was her fault, Okay! Pero tandaan mong nu’ng ikaw ay na kidnap ng taong bumugbog kay Hell ngayon at sa babaeng sinasabihan mo nang kung anu-ano ay sinubukang lang naman lumaban para kay Hell. Hindi katulad mong ngumawa lang sa daan,” sabi ni Nellisa na ikinabigla ko at ikinagulat. “Nel,” badyang ani ni Yi kay Nellisa. Hinila ko ito para maupo ang mga kamao niya naka yukom at halatang inis na inis sa nangyari. Napatitig ako kay Mavie na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin ng halatang inis na inis. “So, ayon ‘no! Una sa lahat ay bawal muna ma-stress at magkikilos ang patient pag nagising.” Halos lahat kami ay napatingin sa doctor. Hindi namin inakala na nandito pa ito, dahil hindi namin napansin. “Pasensiya na, Doc.” ngiting sabi ni Ar. Sinundan ko ng tingin ang doctor na ngayon ay umalis na ng kwarto. “Kailangan na rin natin umuwi. Anong oras na,” wika ni Si na ngayon ay hinihikab na. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya, dahil antukin talaga ang isang ‘yan. “Bukas na tayo mag-usap-usap. Umuwi na muna tayo, natawagan mo na ba ang magulang ni Hell?” tanong ni Singko na ngayon ay hawak-hawak ang kan’yang tiyan. “Hindi tayo pwedeng pumunta sa bahay nila o tawagan ang magulang nito,” Sabi ni Roku, bakit hindi? Malamang ay mag-aalala ang mga magulang nito sa kanya. “Unang bilin niya ay ‘wag kakausapin ang magulang niya,” Sunod ni Yi. Naliwanagan naman ako sa sinabi niya. “Kahit minsan ay hindi ko pa nakita ang magulang ni Hell,” Sabi ni Seven at ngumuso. “Hindi man lang niya nakwekwento sa atin ang Mommy at Daddy niya,” Dagdag nitong muli at tinignan ko si Hell. Mahimbing itong nakapikit. Madaming pasa ang mukha niya. Gulat na lamang ako nang may humagod sa likod ko… Si Nellisa. Ngumiti ako dito at gano’n rin ang ginawa niya sa akin. “Uwi na tayo, kailangan mo na magpahinga.” ngunit napatingin ako kay Hell. Iniisip ko kung sino ang magbabantay sa kaniya. “Ako na magbabantay sa kaniya,” Saad ni Seven. “Okay lang, Seven. Ako na ang magbaban-” Hindi pinatapos si Mavie ni Seven. “‘Wag ka na magkulit, Mavie,” Pagpipilit ni Seven. Napayuko na lamang si Mavie nang sabihin iyon ni Seven sa kanya. “Ihahatid na kita.” Boses ni Yi na ngayon ay nasa parking na kami. Napatingin ako sa kanya, habang siya naman ay nakatingin kay Mavie. Mahal na mahal niya talaga ang babaeng ito… parang si Hell lang. “Kaya ko na,” Sabi ni mavie na ngayon naman ay nagsimula nang maglakad papalayo at sumukay sa sarili nitong sasakyan. “Okay ka na ba?” Tanong ni Nellisa sa akin, ngunit ngumiti lang ako. Ikaw kaya hampasin ko ng batuta sa likod at tanungin kita kung okay ka na ba? “Mauna na kami. Mag-iingat kayo… lalo ka na, Babe.” Halos uminit ang ulo ko nang tawagin ako ni Roku ng babe. Talagang hahampasin ko talaga ito ng kung anong makuha ko. Sinamaan ko ito ng tingin at saka naman ito tumawa. “Oy! Roku! Lagot ka kay Hell pag nalaman niyang tinawag mong babe ang Love niya.” Bahagya akong napalingon kay Ar na ngayon ay ngiting-ngiti. Bakit nito alam na ang tawag ko sa kanya ay Love? “Paano mo nalaman na-Aw!” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang sakit at kirot ng aking pasa sa likod. “Hey!” Nag-aalalang wika ni Ar sa akin nang siya ay lumapit. “Nel, tara na.” Napatingin naman ako sa nagsalita at si Yi iyon na ngayon ay nakasakay na sa kanyang sasakyan at naka dungaw sa bintana. “Mauuna na kami! Bye! Bye!” Paalam naman ni Nellisa sa kanila, kahit ako ay napayuko na lamang at walang nagawa kung hindi ang sumama kaila Nellisa. Halos ilang saglit lang ay nakarating kami sa bahay nila. Hindi ko man lang napagtagpong ang lahat ng naiisip ko ay punos panay si Hell. Hindi ko makalimutan ang mukha niya nang hawakan ako ng lalaking iyon. “Kasim,” Madiin na sabi nang maaalala ko ang pangalan na iyon. “Stacy! Oy! Nandito na tayo! Tara na, baba na tayo…” tingin ako sa kanya nang makita kong kami na lang pa lang dalawa ang nasa sasakyan, wala rito si Yi. Agad naman akong bumaba at saka tinulungan ni Nellisa na umakyat papuntang kwarto niya. Pinahiram niya rin ako ng mga damit niya at ang underwear na hindi pa nito nagagamit. Nahihiya ako, dahil sa ginawa niya. Hindi rin nagtagal ay nakatulog na rin ako sa sobrang antok at pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD