CHAPTER 17

1791 Words
“Bakit naman gan’yang kalaki ang pasa mo, Hija?” Tanong sa akin ng magandang nurse na ngayon ay nilalagyan ng puting tela ang mga sugat ko, kanina niya pa ako tinatanong nang kung anu-ano, ngunit hindi ko siya masagot sagot, dahil ang isip ko ay nakay Hell. Kung boy friend ko raw ba ang lalaking nagdala sa akin dito, kung gaano na kami katagal at kung ano’ng gusto niya sa babae. Lahat ‘yon ay sunod sunod ngayon itinanong sa akin ng hindi man lang ako nakakasagot, at hanggang ngayon ay iniisip ngayon magboyfriend girl friend kami ni Yi. “Bagay na bagay ka’yong dalawa.” Sabi nito sa akin at inilagay ang kamay ko sa aking hita. Napapikit nanaman ako ng hindi pa rin tapos ang iniisip niya tungkol sa aming dalawa ni Yi. “Hindi po kami, kami.” nanlaki ang mga mata nito at nagtutungo-tungo na parang masaya siya sa mga naibangit ko sa kanya.“Kung gano’n ay hindi kayo mag-boy friend-girl friend?” Tanong niya muli sa akin. Hindi ko alam pero inis talaga ako sa mga taong pilit inaalam ang buhay ko at gusto manghimasok kaya naman ang tanging naisagot ko lang ay ang pagtalim ng mga mata kong titigan siya. “Sayang pero bagay talaga kayo.” Malungkot naman ngayon na aniya. Alam ko na ito at hinihintay niya lang sabihin ko ang mga tipong babae ni Yi, pero kahit sabihin ko pa iyon sa kanya ay wala rin saysay iyon, dahil ang mahal ni Yi ay si Mavie. “May boyfriend na po ako.” Napangiti ako nang maalala ko si Hell, ngunit gumuhit ang inis ko nang maalala ang nangyari sa kaniya. Pinahubad niya ako at ang tanging nakasuot na lamang sa akin ay ang bra ko. nasa isang kwarto kami ngayon at nilalagay nang kung ano ang pasa ko sa likod na hinampas ng batuta. “Bakit naman ganito ang nangyari sa ‘yo?” Tanong nito sa akin at naramdaman ko ang sakit ng parang madiinan niya ito. “Bakit ba ang dami mong tanong?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon sa pinto. Gayo’n ko lamang naalala na wala nga pala akong damit at tanging bra lamang ang suot ko. “Jusko! Hindi ka pwede dito!” Sigaw ng Nurse, ngunit hindi siya nito pinakinggan. Pasalamat na lamang ako at nakatalikod ako mula sa pinto at nakaupo sa kama. “Who cares?” rinig kong sabi niya. Ramdam ko ang panghihina ng aking katawan ngayon, dahil sa pagod at sakit. Nasalubong ng mga mata ko ang lalaking umupo ngayon sa harap ko. Umupo siya nito sa upuan na katapat lamang ng aking kama. Tinakpan ko ng aking kamay ang aking dibdib, kahit naka bra ako ay kita pa rin ang aking bilog na dibdib. Kung hindi lamang ako nanghihina ay nasigawan ko na ito sa sobrang pagkainis ko, ngunit ngayon ay hindi ako makakilos at makapagkwento kahit gustong-gusto ko na siyang sigawan at palabasin. Tahimik lamang ito nakatitig sa akin na para bang inaalam ang kalagayan ko. Alam kong gusto nito magtanong sa akin, ngunit hindi nito magawa. Hindi matago ang pagkailang ko, dahil sa kung ano’ng sitwas’yon namin ngayon. Hello! Naka bra lang ako! “Akala ko ba ay hindi mo siya boy friend?” Tanong sa akin ng nurse na ngayon ay inaayos na ang benda sa likod ko. Bakit nito bebendahan ang pasa ko? May sugat ba iyon? Nagtatanong ito sa akin sa paraan na pabulong lamang at ramdam kong tumingin ito kay Yi. “Hindi ko nga po siya-Ouchh...” Napahawak ako bahagya sa likod ko nang bigla ko itong nilingon. Napapikit na lamang ako ng marahang maramdaman ko ang sakit at kirot. “‘Wag ka muna magpwersa, medyo malala ang mga natamo at natamaan ang mga muscles mo. Magpahinga ka muna.” Pagpapa alala nito sa akin at tumayo mula sa pagkakaupo rin sa kama at sinilip si Yi saka tumingin muli sa akin. “Are you done?” Tanong ni Yi sa nurse na ngayon ay napalunok na lamang at lumingon muli na para bang nagtatanong. “He’s not my boy friend,” Dahan dahang sabi ko at tinignan ito. Kinuha ko ang aking damit sa tabi ko at saka ito sinuot. Rinig kong napaubo ito sa ginawa ko, ngunit mas ginusto ko na lang na hindi na siya pansinin na naandito siya. “Maari ka ng umalis.” Ang Nurse at tinignan ang lalaking nasa harap namin na nakaupo at ang tingin ay nasa sa akin lamang. Hindi ko malabanan ang tingin na iyon kaya itinuon ko sa nurse ang atensyon ko. “Pero ay kailangan mo magpahinga. Pumunta ka na lang kay Doc. Jona, para sa mga iinumin mong gamut… pumila ka na lang doon.” Pagbibigay nito sa akin ng isang papel na may numero. Hinabol ko ito ng tingin nang akmang aalis na ito. Ako na lang at si Yi ang natitira dito sa loob. Pinilit kong tumayo, ngunit bigla itong tumayo. Napalunok na lamang ako nang akala ko ay pagbubuhatan ako nito ng kamay, ngunit nagkamali ako. Lumapit ito sa akin at inalalayan ako sa pagtayo. Hindi ako sanay na ganito siya sa akin. Unti-unti akong tumingin sa kanya, dahil may katangkaran ito kaya naman ay patingala ang tingin ko, ngunit gano’n na lang ang pagkagulat ko nang makitang nakatingin rin ito sa mga mata ko. “T-thank you,” Pagpapasalamat ko ng tuluyan akong makatayo. Tinignan ko ito at nag-iwas ito ng tingin sa ‘kin. “Kaya ko na,” Paghahabol ko nang sasabihin at naunang maglakad palabas ng kwarto, ngunit ang presensiya niya ay nararamdaman ko lamang sa aking likod. Nakasunod lang ito sa akin hanggang sa makalabas ng pinto. Agad kong tinignan ang papel na hawak ko at tinignan kung saan ba ang kwartong iyon. Hawak-hawak ko ang papel sa kabilang kamay ko, habang ang isa naman ay hawak-hawak ko ang pader. Hindi ko na inisip na kasama ko si Yi, dahil kailangan ko matapos dito para mapuntahan ko na si Hell. Hindi ko na alam ang nangyayari sa kaniya ngayon kung okay lang ba siya ngayon. Naramdaman ko na lamang nang may humuila sa papel na hawak ko at pati ang pagangat ko sa lupa. “Ibaba mo nga ko!” Halos sigaw ko kay Yi nang buhatin ako nito ng pangkasal. Madaming nakatingin sa amin kaya naman ay hindi ko alam kung paano ko tatakpan ang mukha ko. “Ang sweet naman nila,” Rinig kong bulungan ng mga tao sa paligid naming. “Ang pogi naman! Swerte ni Ate!” “Nakakahiya ibaba mo na ‘ko.” ngunit parang wala itong naririnig. Mas parami nang parami ang bulungang naririnig ko kaya naman ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Itinago ko ang mukha ko sa leeg nito at iniyakap ito. Ayaw ko nang makita nila ang mukha sa kahihiyan, baka ang isipin nila ay niloloko ko si Hell. Sinusubukan nila ang pagiging loyal ko! Naramdaman kong huminto sa paglalakad si Yi at ramdam ko ang pagtabingi ng ulo nito kahit ang paglunok niya ay rinig ko. “Nandito na ba tayo? Pwede mo na ba ako ibaba?” Tanong ko kaya at inangat ko ang ulo ko, ngunit… “What the f**k?!” singhal nito kaya’t agad kong sinobdob ang mukha ko sa leeg niya sa sobrang hiya. Bakit kasi kailangan mo pa lumingon, e?! Nalapat ang labi ko sa pisngi niya na halos kilabutan ako sa mga nangyari! Ano na ang gagawin ko? Bakit ba kasi naandito ito?! Ano na ang gagawin ko lagot na ko kay Hell nito! Bakit naman ko malalagot? Hindi naman kami! Pero kami pa rin para sa akin! Ang gulo! Basta feeling ko nag-cheat ako! Naramdaman kong huminto ito at saka ko ibinaba. Hindi ko ito matignan ng maayos, dahil sa nangyari. Walang nakipila kaya naman ay kumatok na ‘ko. "Come in,” mula sa loob ng kwarto. Papasok na sana ako nang mabigla ako. “Ouch!” Halos hawak-hawak ko ang likod ng ulo kong kinotongan ng bwesit na ‘to! Namumuro ka na! Hindi man iyon kalakasan ay dama ko pa rin ang sakit. Halatang ang apat na buto nito mula sa daliri ang pinangkotong sa akin! Hinarap ko ito bigla sa sobrang inis, dahil sa ginawa nito sa akin. “Masakit! Alam mo ba ‘yon?!” Inis na tanong ko dito, ngunit siya lamang ay nakatayo at nakatingin lamang sa akin na parang wala lang, as in wala lang. Walang reaction o ano! Na mas lalo kong kinainisan. Ang kamay lamang nito ay nasa loob ng kan’yang mga bulsa. "Y-yi?” Nawala ang atensiyon ko nang may tumawag sa kanya. Napalingon kami bahagya sa kaliwa at doon nakatayo si Mavie. Halatang nagmamadali ito, mukhang nalaman niya na ang nangyari kay Hell. Nakaramdam naman ako ng selos ng maalala kong mahal ito ni Hell at mas matutuwa si Hell kung siya ang unang makikita nito pagdilat niya. Maganda siya at aminado akong mas maganda ako. Syempre ido-down ko ba sarili ko? Kung para kay Hell rin naman ay talagang makikipagtalbugan ako. “What are you doing here?” tanong ni kay Mavie. “You call-” Hindi na natuloy ang tanong niya kay Yi nang napatingtin ito sa gawi ko at sumama ang mukha. Mukhang galit-galit ito sa akin, dahil sa mga tingin pa lamang nito sa akin. “Naroon siya. Samahan kita,” sabi ni Yi sa kanya. Saka ko naalala, mahal nga pala ni Yi ang babaeng ito. Papasok na sana ako sa loob nang hawakan nito ang balikat ko. “Ahh!” Napasigaw ako bahagya nang madiin at mabigat ang pagkakahawak niya ditto. Akmang nagulat ito, dahil sa nangyari kaya naman ay nabitawan nito ang pagkakahawak sa braso ko. “Injured.” sunod ni Yi kay Mavie at muling tumingin sa akin si Mavie na nagtataka. “With Hell?” Tanong nito muli kay Yi. Maluha-luha itong tumingin muli sa akin at iniisip na bakit ako ang kasama nito ng madisgrasya siya. “Oh, my gosh.” Nanghihinang aniya at akmang sumandal sa dibdib ni Yi. Seryoso? Ako itong na injured pero siya yung akala mong hinang-hina? Hindi ko na sila inantay pang magsalita at pumasok na ako sa loob ng kwarto. Maraming sinabi ang doctora-ng ito sa akin, kung ano ang gagawin ko at ano ang mga iinumin ko. Wala namang masyadong bawal, ngunit sabi niya ay magpahinga lamang ako. Hindi rin nagtagal ay ibinigay niya sa akin ang riseta at pinaalalahan muli kaya naman ay nagpasalamat ako. Agad akong lumabas ng kwarto na iyon at tinahak ang emergency room na kung saan ay naroon si Hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD