CHAPTER 16

1765 Words
“Napakasarap pagmasdan, ‘di ba?” Pagtatanong nitong muli sa akin. Alam kong sa akin iyong tanong na iyon,, ngunit ang galit sa aking isipan ay unti-unting nilalamon ng aking katawan. Dama ko ang apak sa likuran ko ng lalaki sa likuran ko,, ngunit ang pakiramdam ko ngayon ay para lamang akong inapakan ng bata sa likod. Kahit ang paghawak nito sa buhok ko ay hindi ko maramdaman ang sakit, hindi katulad ng kanina akala mo ay natatanggal ang buhok ko sa anit ko. “Bakit hindi ka makasagot?” nawala ang ngiti nito nang nakatingin lamang ako sa kanya at binigyan ng ngisi ito. “Umalis na kayo.” Taimtim kong sabi kahit hirap kong sabihin iyon ay buo ko pa rin siyang nailabas. Ang mukha niyang makapal na kilay at pangong ilong at ang buong mukha niyang nagpapangit ng buong katauhan niya. Mukha nakuha niya ang pinapaintindi ko mula sa sinabi ko,, ngunit tumawa lamang ito saka niya ibinaba ang kan’yang mukha sakin. “Sa tingin mo ay makakatakas ka?” Tanong nito sa ‘kin at bahagyang hinawakan ang kan’yang labi na akala mo ay pinunasan iyon. Ang pwesto niyang akala mo ay natae. Buhusan mo ‘yan! “Tandaan mo.” Pagbibitin ko saka siya sinilayan muli,, ngunit may talim na ang aking mata nang titigan ko ito. Kita ko ang paglunok nito bahagya, dama ko ang takot mo, ngunit binalaan na kita. “Tandaan mong libre ang mga kamay ko,” Mabilis kong sabi iyon saka hinawakan ang kamay ng lalaking nakahawak sa buhok ko at dalawang kamay ko ang pinanghawak ko sa kan’yang kamay at hinila iyon ng kalakasan. Bagsak itong tumama sa lupa sa kadahilan na nawalan ito ng balanse mula sa pagkabigla. Sapagkat ang kan’yang paa ay nakapatong mula sa likod, ngunit kahit nakaramdam ako ng sakit ng paa niya ay tumama sa aking uluhan, hindi ko inalintana iyon. Patayo pa lamang ako ng maramdaman ko ang mga pasugod sa gawi ko. Agad namang tumakbo ang boss nila, ngunit aang paningin ko ay nasa kanya lamang. Pagsisihan mo ito. Nawala na ang atensiyon nila kay Hell na ngayon ay wala ng malay at panay duguan. Kailangan ko ng magmadali, dahil mauubusan na siya ng dugo pagpinatagal ko pa ito. “Binalaan ko na kayo.” “Bilisan niyo na sabay-sabay niyo nang patulan iyan!” Nagmamadaling sabi ng kanilang boss. Ano nga ba ulit ang pangalan nito? Kasim? “Boss, babae iyan!” Turo sa ‘kin ng lalaking sumaksak kay Hell. Kaya naman mas lalong nandilim ang paningin ko at ang galit sa katawan ko ay gusto ko ng ipatikim sa kanila. “Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo kay Hell,” Diin kong sabi saka mabilis na sinugod ang lakaking sumaksak sa aking mahal. Gulat ito nang lapitan ko, ngunit gano’n na lamang ako kabilis para mapabagsak siya ng isang suntok ko lamang. Naalerto lamang ako ng may patamang bagay sa ‘kin mula sa likod ko kaya naman inilagan ko iyon. Saktong tumama ito sa lalaking sumaksak kay Hell. Sinipa ko ang tagiliran nito at kinuha ang batutang hawak nito. “Babalaan ko kayo. Umalis na kayo.” ngunit pumalakpak ng mabilis ang boss nila. “Bilis! Bilis! Pabagsakin niyo na ‘yan!” Pagmamadali nito habang pumapalakpak ng mabilis! Apat ang pasugod sa ‘kin, pasuntok sa ‘kin ang isa nang makuha ko ang kamao nito at hinampas sa ulo niya ang batutang hawak ko. Sumalpak ito sa baba. Napahinto ang iba nang gawin ko iyon. “Kapag iyang lalaking iyan ay hindi nagising bukas ay hindi rin kayo magigising habambuhay.” Turo ko pa gamit ang batuta kay Hell. “Ano ba ginagawa niyo?! Bilisan niyo na!” Sigaw ng boss nila na ngayon ay hindi na alam ang gagawin, dahil ibinagsak ko ang tatlo nitong galamay ng minuto lamang. Lima na ang sumugod sa ‘kin kaya naman ay hinanda ko ang sarili ko. Lahat sila ay may hawak na pwedeng ihampas sa ‘kin. Inihanda ko na rin ang aking katawan, dahil maari nila akong tamaan. Nag-iisa lang ako. Nasa gitna kami ngayon ng daanan sa parking lot at sinimulanang hawakan ng madiin ang batutang hawak ko. “Humanda ka!” Hampas na takbo sa ‘kin ng unang lalaki na papalapit at diretso ako nitong hahampasin na maaring tamaan ang aking ulo, kung hindi ako iilag kaya’t mabilis akong umilag at hinampas ang kan’yang braso mula sa likod at sinipa palayo. Hindi ito pwedeng magtagal kailangan ako ni Hell. Kailangan ko siyang madala sa ospital. Naghahati ang atensiyon ko, dahil sa kalagayan ni Hell at kalagayan ko. Ako na mismo ang sumugod sa apat pang pasugod sa ‘kin. Dama ko ang hampas ng isang lalaki mula sa likod ko, masakit iyon, ngunit hindi ko muna ininda. Gano’n na lamang ang malas ko nang mabitawan ko ang batutang hawak ko. Kita ko ang pagngiti ng lalaki at saka sumugod sa gawi ko. Hahampasin na niya sana ako nang tumagilid ako sa kanya at siniko ang kan’yang dibdib, ngunit hindi ko hinayaang makatayo pa siya at sinuntok ko ang kan’yang ulo. Sa madaling salita ay kinotongan ko siya. “Uhhm! Pukingina! Buhay ka pa?!” Gigil na tanong ko sa kanya at saka humarap muli sa tatlo pasugod pa sa ‘kin. Tatlo na silang sumunod talaga sa ‘kin. Ramdam ko ang hampas sa ‘kin ng isa nang tumama ito sa braso ko. Kaya agad kong hinarang ang aking mga kamay upang gawing harang. Halos mapasigaw ako sa sakit nang tumama ito sa buto ko. Tinuhod ko ang bayag nito at sinisiguro kong magkukulay itim ‘yang bayag mo sa pang malupitang pagtuhod ko. Napatuko ito sa sakit na natamo nito, ngunit agad kong hinawakan ang kan’yang buhok at tinuhod ang kan’yang mukha ng sa kadahilan na iyon ay bumagsak siya. Dalawa. Ginugulpi ko ang isa nang tamaan ang likod ko at dali akong napaluhod. Ngunit bago pa ako mapaluhod ay naaninag ko ang isang ilaw ng kotse. Nakuha ng lalaki ang atensiyon mula sa ilaw at hindi nito naramdaman ang pagbilis kong pagtayo na ikinagulat nito nang salubungin ito ng aking malakas na suntok. Talbog itong sumalampak sa lupa saka ako napangisi. Nanghaharapin ko ang iba ay nagsimula na silang magtakbuhan. Sa gulat kong akala mo ay mistulang hangin kung tumakbo mula sa likod ko. Ang KAZU! Nang makita ko si Hell ay agad ko iyong pinuntahan. “Hell! Love! Gising!” Halos samapalin ko ito, ngunit hindi siya nagsasalita at nakibo. Wala na itong malay. Halos kabado akong hawakan ang pisngi nito at bumaba sa kaniyang dibdib upang pakiramdaman ang t***k ng puso nito. “Ar! Bilis!” Sigaw ni Seven at tumingin ito sa ‘kin na nag-aalala at sinulyapan si Hell. Mabilis na tumakbo si Ar at Singko sa gawi namin. “Tangina! Ang bigat ng lalaking ‘to!” Sigaw ni Ar habang pinagtutulungan nila itong buhatin. “Stacy!” Napatingin ako sa sumigaw at halos manghina ako nang makita ko siya. “Nellisa!” sinalubong niya ako ng yakap at inalalayan papunta sa sasakyan. “Tara na!” Sigaw ni Seven nang makasakay kami sa sasakyan at pinaandar ito. “Paano sina Yi?” Tanong ni Nellisa na nagaalala para sa kan’yang pinsan. “Kailangan natin si Hell mapadala sa ospital ngayon na. May sasakyan naman silang dala,” si Ar at pinaandar ito nang mabilis. “What happened?” Tanong ni Seven sa ‘kin. “Kasim,” ‘Yun na lang ang nasagot ko nang biglang kumirot ang likod ko, dahil sa paghampas sa ‘kin ng lalaki. “Ano na sasabihin ko sa Kuya mo, Stacy!?” Tanong sa ‘kin ni Nellisa na ngayon ay kabadong-kabado. “Hindi mo na kailangan sabihin pa ito sa kaniya...” wika ko at hinawakan ang aking likod. “Sumobra na talaga ang Kasim na iyon,” sambit ni Ar nang linungin kami mula sa likod ng sasakyan. Nakaiga si Hell sa lapag ng sasak’yan saka ko ito tinignan. “Pagsisihan nila ‘to.” Yumukom ang aking kamao nang maalala ang ginawa nila kay Hell. Hindi na sila nagtanong pa nang makarating kami sa emergency room. Agad naman nilang kinuha si Hell mula sa sasakyan at saka idinila sa isang kwarto na hindi kami pwedeng pumasok. “Kailangan mo magpa-check,” utos ni Seven sa ‘kin nang nakaupo na kami sa loob. “I’m fine,” Malumanay na sabi ko, ngunit ang galit ko ay naandito pa rin. Sisiguraduhin kong pagsisisihan nila ito. Oras ang nakalipas ng patakbong dumating sina Yi papunta sa amin. “Ayos na siya ngayon?” Pag-aalalang tanong ni Yi. “Ano ba kasi ang putanginang nangyari?!” Tanong nito ng may kalakasan kaya’t hinawakan ito ni Roku sa braso at sinabihang huminahon. “Ikaw!” Sigaw ni Yi at ituro ako. Tinignan ko ito at saka iniwasan. “Tangina!” Sigaw niyang muli at hinilamos ang kan’yang kamay sa mukha. “Bakit ba iyon nangyari, Stacy?” Tanong ni Nellisa sa tabi ko. “Uuwi na sana kami, kasi ayon humarang sila.” Tipid na kwento at hinawakan ang braso kong masakit. “Ano ba ang pinagsasabi nito? Kayang-kaya ni Hell iyon nang mag-isa!” galit na bulyaw ni Yi. “Ginawa ka nilang pa-in, ‘no?” si Singko. Kung lagi siyang masayahin at laging may dalang pagkain, ngunit ngayon ay panay ang pagdikit ng kilay nito. Tumama ang mata ko kay Tres na nakatingin lamang sa ‘kin, ngunit agad niya itong inalis ang tingin nang makita niyang nakatingin rin ako sa kanya. Gulat ako nang hawakan ni Yi ang braso ko. “Yi! Saan mo siya dadalhin?” Sigaw ni Nellisa nang hilain ako ni Yi at hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin. “Bitawan mo nga ko!” Pagpipigil ko, ngunit masyado itong malakas. Masakit pa ang aking katawan kaya naman ay hindi ko magamit ang lakas ko. Hell… Sana ay maging maayos ka lang. “Woman!” Napalingon ang nurse sa amin nang lumapit ito. “Gamutin mo ‘to!” Saka ako binato ni Yi sa isang nurse na babae na ngayon ay nakatulala lamang kay Yi at saka kami nito tinalikuran. Ano ang nangyari? “Hi!” Bati sa ‘kin ng nurse, ngunit naiba din ang kan’yang ngiti nang makita ang malaking pasa sa magkabilang braso ko. Ngunit wala akong pakialam kung ano man ang mayroon sa katawan ko ngayon. Iisa lang ang nasaisip ko… Hell, gumising ka, ha! Dahil sasagutin mo pa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD