CHAPTER 15

1645 Words
Hawak-hawak pa rin nito ang aking kamay at pilit itinatago sa kan’yang likod. Mas pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak nito sa aking kamay ng may limang lalaki ang paparating sa gawi namin. “Stay here,” Mabilis na sinabi ni Hell saka nito sinungaban ng suntok ang isang lalaki. Ang tatlo ay may hawak na batuta kaya hindi ko alam kung paano ako tutulong, dahil hindi ko rin alam saan ko sisimulan. Bakit kung kailan kailangan ko ang lakas na iyon ay hindi ko iyon mahagilap sa katawan ko. Bakit hindi ko malabas? Nanlalaki ang mga mata kong panooring kahit tamaan si Hell ng batuta sa kan’yang likod ay hindi niya pa rin ito inaalintana ang sakit. Naagaw nito ang isang babutang hawak ng isa sa kan’yang mga nakasagupa kaya naman gano’n niya kabilis mapatumba ang tatlo. Halos ang paghampas lamang niya ay tumatama sa kamay at paa hindi niya ipinatatama ang mga ito sa ulo, leeg at likod. Ako ang nakaramdam ng sakit ng tamaan muli siya sa likod. Tumulo ang mga luha ko nang makitang dumura ito ng dugo. Hind... Pumilit itong tumayo at doon ko nakita ang kan’yang mga matang hindi katulad kanina. “I’m not giving mercy,” Diin na sabi nito at bahagyang inikot ang ulo nito. Dinig ko ang tunog mula sa pagkaikot nito ng kan’yang ulo. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak ng kanyang batuta at agad sinalubong ang dalawa pa. Pasugod ang isa ngunit agad itong sinipa ni Hell sa t’yan kaya naman ay napaluhod ito. Ang isa naman ay bago pa makalapit kay Hell ay ihinagis ni Hell ang batutang hawak nito sa isa. Nang matamaan ito ay agad niya itong pinagsusuntok sa mukha. Halos dumura na ng dugo ang lalaking iyon. Kinuha ni Hell ang batuta saka niya ito muli hinawakan ng madiin. “Mahusay ka talaga, Hell!” Dagdag ng lalaking pinuno na ngayon ay pumapalakpak. “Ngunit nakakapagtaka naman ang Binibining nasa likod mo.” Nanlaki ang mga mata ko ng itukoy niya ako. Napaurong akong muli at napatingin ako sa ibaba ng maapakan ko ang gulong ng aking bisikleta. Kita ko ang paglingon ni Hell sa gawi ko, kahit ang mga mata niya ay nababalutan ng pagaalala. “Hindi ba’t malakas ka?” Dinig kong tanong muli ng lalaki sa akin, saka ito ngumiti at sinilip ang pwesto ko. Napalunok na lamang ako nang makita ko iyon. Bakit ngayon pa ako nakapitan ng takot at kaba? Bakit hindi ko mailabas ang lakas ko? Bakit takot ang nararamdaman ko? “What do you want?” kalmadong tanong ni Hell. Napalunok akong muli ng isipin kong madami sila at dalawa lang kami. I mean isa lang siya, dahil wala naman akong maitutulong. Asan naba ang mga ka myembro niya? Kita ko ang pag-ilaw sa bulsa ni Hell mula sa kan’yang pantalon. Kukuhain na sana niya iyon ng bigla siyang sinugod ng lima pang lalaki, tulad nang sinabi ko sa inyo ay marami nga sila. Parang nasa bente sila bukod sa lalaking ito na ngayon ay nakatayo lamang. Nakangiti itong nanonood ng bakbakan. Hinampas agad ni Hell ang unang lalaking pumalapit sa kanya. Ngunit ang atensyon ko ay naandon pa rin sa ilaw mula sa kan’yang bulsa. Hindi kaya isa sa mga KAZU iyon? Sila na lang ang mahihingian ko ng tulong! Para mailigtas dito si Hell. Tumakbo ako bahagya at saka niyakap ang bewang na kinagulat niya. "f**k! Get off me!” Sigaw ni Hell kaya naman ay mabilis kong kinapa kung saang bulsa iyon mula sa likod niya, ngunit bigla itong tumagilid upang ilagan ang papalapit na pahampas sa kanya. Nakapa ko ang kan’yang cellphone. Napakalaki naman nito at parang mataba. Nang mahawakan ko ng buo ay… “You f*****g pervert!” Halos nanlaki ang mga mata ko! Ano ‘yon?! Dinosaur? Hinawakan nito ang kamay ko na nakadikit pa rin sa ano. Bote ng banana catsup at saka niya iyon tinabig. Naiwan akong nakaupo sa sahig, habang siya ang busy sa pakikipag-away. Cellphone ko! Tumayo ako saka kinuha ang cellphone ko mula sa aking bulsa at dinial ang numero ni Nellisa. “Please! Pick up the pho- Nellisa! Papuntahin mo rito si Yi sa schoo-” Hindi natapos ang sasabihin ko nang may biglang humampas ng kung ano sa aking hita upang maluhod. Dama ko ang sakit ng natamo ko. “Hawakan niyo ang babaeng iyang bago kayo malumpuhan ni’yan.” “Don’t touch her,” Diin na sabi ni Hell, habang hawak-hawak nito ang lalaking tinatanggal ang braso ni Hell mula sa bisig nito. Sinasakal niya ito gamit ang kan’yang braso. “Kung ayaw niyong patayin ko ‘tong kasama niyo,” Dagdag niya. Kita ko ang mga mata ni’yang puno ng galit. 'I’m not giving mercy' Dinig kong muli sa isip nang maalala ang sinabi niya na iyon. Mukhang hindi siya nagbibiro. “Kung sana ay sumama ka sa grupo namin ay hindi nangyayari ito sa mga nagiging nobyo mo. Pati na rin sa ‘yo.” Sabi muli ng lalaki na ngayon ay nakapamewang lamang. Dalawang lalaki ang nakabantay sa akin at hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin ako. “Bakit hindi mo ipakita sa nobyo mo ang iyong ginawa nu’ng kinuha ka naming?” halos pilitin ko ang sarili kong ibalik ang dating na iyon, ngunit hindi ako pinayagan ng aking katawan. Bakit ngayon pa?! Kailangan ko ang lakas na iyon! Halos wala pa man akong ginagawa ay nanghihina na ako nang dahil sa hampas nito sa likod ng binti ko. “Ahh!” Tinig ko nang hilain nito ang buhok ko. “Bitawan mo ‘ko,” Mahinang bigkas ko ngunit naandon ang diin. “Boss, bitawan ko raw siya!” Natatawang sabi ng lalaki nakahawak sa buhok. “‘Wag mong bitawan ang isang ‘yan, kung ayaw mong pulutin ka sa kangkungan. Maige pa ay pahirapan niyo ang isang ‘yan bago pa makakuha ng lakas ‘yan.” Utos ng boss nila. “Subukan niyo at malapit nang maubos ang pasensiya ko,” walang emosyon sabi ni Hell nang mas lalong mamula ang mukha ng lalaking iniipit niya sa braso nito. Hindi makalapit ang mga kasamahan nito, dahil sa ginawa ni Hell. “B-boss...” Hirap na singhal ng lalaki. Ramdam kong lumapit ang mukha ng lalaking nakahawak sa buhok ko na ngayon ay tinititigan ang aking mukha. “Napakaganda mo naman,” sabi nito sa akin, habang nakangiti siya. Isa siyang mukhang garapatang hindi ko maintindihan. Lalapit pa sana nito ang mukha nito sa akin nang in-untog ko ang ulo ko sa mukha niya. Ang tumama sa noo ko ay ang ilong niya. Ramdam ko ang sakit ng noo ko pero mas batid kong mas masakit ang itinamo niya. Ang unang gusto kong makahalik sa akin ay hindi ikaw, Baktol! Kung hindi si Hell! “Ang sabi ko ay hawakan niyo ang isang ‘yan!” Sigaw ng boss nila na ngayon ay hindi magkanda-ugaga sa gulat nang gawin ko iyon sa isa ni’yang galamay. Tatayo na sana ako nang maramdaman ko ang hampas mula sa likod ko para sa kadahilan ay bumagkas ako ng tuluyan sa lupa. Ramdam ko ang sakit lalo na nang hawakan nito ang buhok kong muli. “Pwe!” dura nito at mas lalong iniangat ang buhok ko. “Ahhh!” Sigaw ko nang maramdaman ko ang sakit mula sa pagkahila nito sa buhok ko, habang ang kan’yang paa ay nakatapak sa likod ko. Kita ko ang itim sa mga mata ni Hell, habang siya ay nakatingin sa gawi ko. Gulat na lamang ako nang pabagsakin niya ang lalaking hawak niya at hinampas ng batuta sa ulo na kinadahilanan nito para magdugo. Hindi ka pwedeng pumatay, Hell! ‘Wag mong gagawin ‘yon! Mabilis ang pangyayari nang pabagsakin ni Hell ang tatlo ng mabilis lamang. Sakit na pabangon ang iba pang nakatamo ng suntok at hampas mula kay Hell. Kita ko ang pagtakbo ng Boss nila na pumunta sa akin.Nang mahagip ni Hell ang isa nilang kasamahan na ngayon ay sinasakal niya ang leeg gamit ulit ang kan’yang braso. “Sige! Ituloy mo!” Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ko ang matulis na bagay mula sa leeg ko. Hawak hawak pa rin ng lalaki ang buhok ko at apak-apak niya ang likod ko, habang ang boss na tinatawag nila ay hawak ang isang kutsilyo at nakatutok ito sa leeg ko. “Bitawan mo ang babaeng iyan. Papakawalan ko ang lalaking ito,” si Hell. Napalunok na lamang ako ng isipin ang bagay na iyon. Ginagawa niya iyon para sa akin, para iligtas ako. “Akala mo ay mauuto mo ako?” Tanong ng kanilang boss at bahagyang tumawa. Ngunit nanlaki ang mata ko nang may kinukuha ang lalaking sinasakal ni Hell gamit ang braso niya sa kan’yang bulsa. Isang metal na… biglang naghugis kutsilyo. “H-Hell!” Sigaw ko, ngunit huli na ang lahat. Nagawang masaksak ng lalaki si Hell sa tagiliran kahit hawak-hawak siya nito sa leeg. Hindi iyon napansin ni Hell, dahil sa pagtatanong ng boss na sinasabi nila. “Hell!” Tining na aking sigaw at maramdaman ang pagtulo ng mga luha ko. Pilit kong kumawala ngunit gano’n na lang kabigat ang pag-apak nito sa likod ko. Ramdam kong tumayo ang boss nila mula sa tabi ko at pumalakpak. Nakawala ang lalaking sakal-sakal ni Hell. Pansin ko ang dugo mula sa kan’yang uniporme. Hindi ito makakilos ng maayos, dahil sa natamo niya. Pinilit niya pa rin makipag laban ng pagtulungan siya ng anim na tao. “Hindi!” Sigaw ko nang makita kong nakahiga na lamang sa sahig si Hell at pinagsisipa ng mga lalaki. “Maganda bang makita ang nobya mong ganiyan?” Rinig kong tanong sa akin ng sinasabi nilang boss. Ngunit gano’n na lamang nandilim ang paningin ko nang makita ko si Hell na pinaghahampas nila at pinagsisipa pang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD