CHAPTER 14

1168 Words
Mariin kong tinignan ang kan’yang mga mata. Ramdam ko ang paghinga niya, dahil sa lapit namin. Nakatingin lamang ito sa mga mata ko ng may halong gulat parang hindi nito inasahan ang aking gagawin. Ngumiti ako bahagya at alam kong ngingiti rin ang aking mga mata yung tinatawag nilang eye smile. Nang gawin ko iyon ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglunok nito, nakakatuwa kang pagmasdan. Dama ko ang sensiryo nito, habang tinitignan ang mga mata ko. Nilalabanan niya ang mga tingin na ibinibigay ko sa kanya. Pumikit-pikit ito at doon ko napansing unti-unting nagdidikit ang mga kilay nito,, habang tinititigan ang mga mata ko. “Alis. ” Dinakma nito ang mukha ko saka ito itinulak. Ang mga kamay niyang inappiran ang mukha ko napakayawa mo! “Mukha ba ‘kong nakikipagbiruan?” Inis na tanong nito sa akin, habang ang kan’yang mga mata ay may halos inis. Ako naman itong si tanga ang aanga-anga na kinikilig pa, dahil hinawakan nito ang aking mukha! “Hey! Hey!” Halos nag-iba ang tinig nito sa pandinig ko. Kahit nga ang kan’yang mga kilos ay nag-iba sa paningin ko. Akala mo ay lumalapit ito sa akin, habang siya ay nalipad at sinabihan akong 'I love you'. “Shhh... I know! I love you too!” Malambing na tinig ko, habang ang mga kamay ko ay nakahawak pa sa dibdib ko. Feeling ko ang mga mata ko ay nagmistulang hugis puso, dahil na i-imagine ko! “f**k!” “Nasisiraan ka na ba ng bait? f**k! Kanina ko pa kinakausap ‘yung may sapak sa ulo!” Sigaw nito, habang sinisipa ang mga damo sa lupa. “Ano ba ginagawa mo?!” Takang tanong ko sa kanya na, dahil ito siya ngayon nagsasalita ng kung anu-ano at pinagpapadyakan ang mga kawawang damo na walang ka malay-malay sa lupa. “You!” Napaurong ako nang ituro niya ko. Ano nanaman ang ginawa ko? “Uulit-ulitin ko ba sa ‘yo? Hindi kita ma-" “Mahal?” Pagpapatuloy ko na kinahinto niya at nagpipikit-pikit muli. Gayo’n na lamang ang itsura ko na parang nadidismaya look ng bigla itong tumawa sa walang ka, dahilan. Tumawa ito, habang siyang nakapamewang. “Nababaliw na ako talaga!” sabi muli nito, habang siya ay nakaangat ang tingin sa kawalan at natawa. Hinawakan nito ang kan’yang ilong saka tumingin sa akin. “It's getting dark,” dagdag ko nang unti-unting lumubog ang araw. Tinignan nito ang langit at bigla siyang ngumiti na parang may naalala mula sa langit. “Mas gusto ko ang dilim kaysa sa liwanag.” Paninimula niya, ngunit hindi ko tinignan ang pinagmamasdan niya mula sa itaas. Sapagkat ang tinitignan ko ay siya… ang mukha niya. Ngayon ay naiisip kong napapalapit na ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit siya nagkwekwento sa akin ng ganito, hindi ba, dahil komportable na siya sa'kin o baka naman, dahil ngayon lang siya nakapagkwento sa isang kaibigan. Sa isip-isip ko kahit hindi niya ako mahalin pabalik ay okay lang basta masaya siya, dahil hindi mo mapipilit ang isang tao na mahalin ka. Sapagkat ang taong pinilit mong mahalin ay para mo ng kinulong ang sarili mo sa lungkot. Kita ko ang ningning sa kan’yang mga mata, habang pinagmamasdam ang dilim ng langit. Doon ko nakita ang mga lungkot nito na hindi ko nakita noon sa liwanag. “Bakit mo laging tinataguan ang liwanag?” “Hindi ko tinataguan ang liwanag.” Unti-unti itong tumingin sa akin. Ang mga mata niya… Kita sa mga mata niya ang lungkot. Ano ba ang nangyari sa ‘yo sa dilim? “Dahil hindi pa ‘ko natatagpuan ng liwanag.” Ramdam mo ang lungkot, habang sinasabi niya iyon. Napayuko ito bahagya at tinignan ang relong umilaw. “Let’s go,” yaya nito sa akin. Feeling close na talaga kami Iniba ko ang usapan, habang naglalakad kami patungo sa parking lot. Sa palagay ko ay komportable na siyang kausapin ako. “Komportable ka na ba sa akin?” tanong ko at agad naman itong huminto sa paglalakad saka nito ako hinarap. “You wish.” Cool na sabi nito sa akin, habang ang mga kamay niya ay nasa kan’yang mga bulsa. Nauna itong maglakad sa akin kaya naman ay mabilis rin akong naglakad masabayan lamang siya. “Dito na ‘ko.” nang makaharap ko ang bike ko. Ngunit gano’n na lang nawala ang ngiti ko ng maalerto akong may patamang bagay sa akin mula sa likod ko. Napatingin ako kay Hell nang mabilis itong kumilos at iniyakap ako. Sandali kong narinig ang mahinang ungol nito nang siya ang tamaan ng bakal sa likod. Kita ko ang pagpigil ng sakit nito sa kan’yang mga mata na kinabigla ko. Napatingin ako sa lalaking gumawa nito, ngunit gano’n na lang muli ang gulat ko ng napalibutan nila kami. Lumingon ako upang tignan kung mayroon bang taong pwede tumulong sa amin, ngunit wala ng tao ang naroroon maliban sa amin. “Ano ba kailanga-” Hindi natuloy ang sasabihin ko nang biglang tumayo si Hell at saka niya ako inalalayan. Hinawakan nito ang kamay ko at itinago sa kan’yang likod. Ika-ika itong tumayo, dahil malakas ang pagtama ng bakal nito sakan’yang likod. “Kumusta na, Hell?” Rinig kong bigkas ng lalaki, ngunit tanging pagtaas ng balahibo ko ang aking naramdaman nang marinig ang tinig na iyon. “Kumusta rin, Binibini? Ang sabi mo ay hindi ka girl friend ni Hell?” hindi ko man siya makita, dahil pilit akong itinatago ni Hell sa kan’yang likod. Aminado akong natatakot ako ngayon, hindi para sa akin, kung hindi para kay Hell. Iilan sila at dalawa lang kami. “Alam mo ba ang girl friend mo ay malaki ang atraso sa amin?” Doon ko nakita ang pagturo nito sa akin ng bakal na pinang hampas kay Hell. “Ano ba ang kailangan mo, Kasim?” Walang buhay na tanong ni Hell. Mukhang kampante ito na kaya niyang pabagsakin ang mga tauhan ng lalaking ito. “Nabalian lang naman ng kamay ang kasamahan ko. Ang isa naman ay muntikan ng mabaldado at ang isa naman ay muntikan lang naman mamatay.” Galit na sabi nito kay Hell, doon ko lamang naisip ang araw na kinidnap nila ako. Ang mga iyon, gano’n pala ang natamo nila. Hindi ko rin alam kung paano ko iyon nagawa, ngunit hindi ko na muna dapat isipin ‘yon ngayon, dahil heto kami ngayon na iisang gulo. “What did you say?” Natatawang tanong ni Hell sa lalaking kaharap namin ngayon. “You mean? Itong babaeng ito ay binali ang kamay ng kasama niyo? Nang pilay at binubugog ang kasama niyo?” Pagpapatuloy nitong muli, habang natatawa na parang hindi makapaniwala sa kan’yang narinig. “Lima!” Sigaw ng lalaking ito at doon ko naramdaman ang higpit ng hawak nito sa kamay ko. Napaurong kami bahagya ng mabagsak ko ang bike, masama ito. Gusto ko mang makipaglaban, ngunit nangunguna sa akin ang takot. Bakit hindi lumalabas ang tapang ko? Paano kita matutulungan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD