Nagpalit ang kan’yang mga tingin sa aming dalawa, habang hawak-hawak nito ang kan’yang bibig.
Gano’n na lamang ang gulat ko nang sumilip si Yi. Mas lalo akong kinabahan nang tumingin ito sa ‘kin nang gano’n na lamang ang maraming beses kong paglunok, dahil sa kaba.
"You? Again?”Diin na tanong ni Mavie sa ‘kin, habang ang mga tingin niya ay may halong inis at galit. Inalis ni Hell ang pagkakalagay ng kan’yang kamay sa pader saka niya ito inilagay sa kan’yang bulsa.
"Hell!” ta’wag ni Mavie, habang nakatingin ito kay Hell nang may lungkot. Naalala ko ang sinabi ni Nellisa kamakailan lang., ex ni Hell ang babaeng ito. Tinitigan ko si Mavie na nakatingin lang ito kay Hell at si Hell naman ay gano’n rin. Nakatingin din ito kay Mavie.
Nakaramdam ako ng selos ng isipin kong mahal ni Hell ang babaeng ito, dahil ang kan’yang mga mata ay makikitaan mo ng lungkot.
Napatingin ako sa gawi ni Yi ng ang tingin niya ay kay Mavie kahit nakatalikod ito sa kanya.
"Hell, Mahal mo pa rin ako, ‘di ba?”Gulat ko lamang ng tanungin iyon ni Mavie kay Hell. Mahal niya ang babaeng ito, ‘yun ang nararamdaman ko. Ramdam ko iyon at doon ako nakaramdam ng kirot sa aking dibdib. Napayuko na lamang ako, dahil hindi ko alam kung bakit ba ako naririto.
"Hel-"
"You know from the start na hindi kita minahal…”
Gulat akong tumingin kay Hell nang sabihin niya iyon. Bakit kailangan mo magsinungaling?
"Then... Then bakit mo ‘ko ginirlfriend? Ha! Why?!”sigaw na tanong ni Mavie habang nalabas ang kan’yang mga luha. Nakuha ng atensiyon ko ang kamay ni Yi na ngayon ay naka yukom na.
"Dahil gusto ko lang,”sagot ni Hell at doon ko na-realize kung nararamdaman rin ba ni Mavie ang pagsisinungaling ni Hell.
Bakit ba ito nagsisinungaling?
Saglit lamang ng biglang umalis ito sa kinatatayuan niya. Napatingin ako sa likod ni Hell na paalis at bahagyang napasilip rin kay Yi.
YAWA!
Ginalaw niya ang kan’yang mga labi na parang sinasabi na umalis na ko bago pa ko mamatay. Ang kan’yang mga tingin ay akala mo matatanggalan ako ng ulo.
Hindi ko alam kung ma papaalam pa ba ako pero ang tanging nagawa ko ay tinuro ang ang likod ni Hell at saka tumakbo sa kanya.
“Love!” ’yon na lamang ang nasabi ko, halos takbuhin ko ang direksyon niya, dahil ang bilis nitong maglakad. Ang isang hakbang nito ay tatlo na sa akin.
“Bakit mo ba ko sinusundan?” Inis nitong tanong sa ‘kin kahit nakatalikod pa rin ito. Ngayon ay naandito kami sa garden. Isang malawak at magandang garden. May puno at mga bulaklak… ang ganda.
“A-ano kasi,” Utal na sabi ko ngunit gano’n na lang ang gulat ko nang umupo siya sa bench, dahil sa ginawa niyang iyon ay parang pinahintulutan niya akong samahan siya. Sa mga ganitong senaryo ay aalisan niya lamang ako o kaya naman ay babatuhin ng bote o hindi naman ay susuntukin ang pader at pagbabantaan ako.
Tinignan ko lamang siyang nakatingin sa kawalan. Nga’yon ko lamang siya nakitang gan’yan siguro nga ay nasasaktan siya ng husto.
Agad akong umupo sa tabi niya ngunit may awang pa rin ang pagitan namin.
*Ringg Ringg*
Kinuha ko ang telepono ko, dahil naramdaman ko iyong nag-vibrate sa palagay ko ay kuya ko iyon. Hindi nga ako nag kakamali.
“Kuya...” Pagbungad ko sa kausap ko sa telepono.
“Hindi ako makakauwi talaga ngayon,,, Stacy. Ikaw na muna ang bahala sa kakainin mo ngayon,” Sabi nito mula sa kabilang linya. “Ha? bakit?” Takang tanong ko, dahil mukha itong nagmamadali.
“Pag-uusapan pa namin kung tutuloy ba kami sa India, para sa business partner ng Raja Corp.” Muling sabi nito sa kabilang linya. Trabaho nanaman.
“Kuya, gusto mo ba ay tulunga-” Hindi na ako pinatapos nito nang magsalita siya.
“Stacy, kung gusto mo ay matulog ka muna sa kaibigan mong si Nellisa. Nakisuyo na ako sa kanya at pumayag naman siya...' Pagsasabi nito muli sa ‘kin na mas lalo pinalaki ang mga mata ko.
ANO? KAILA YI! YAWA!
“Kuya! Bakit mo ‘ko papatulugin kaila Nellisa! May bahay naman tayo,, e!” Bigkas ko nang nagpapadyak-padyak pa. Hindi naman sa ayaw kong matulog kaila Nellisa, kundi naandon ang kasama nilang alagad ng demonyo.
Baka ay mag-away lang kami doon!
“Hays… Sige na! Ikaw na ang bahala, Stacy. Malaki ka na. Tata’wag na lang ako mamaya.” ‘Yun na lamang ang sabi nito at saka niya ko pinatayan ng telepono. “Kuya! Ayoko matulog doon!” Sigaw ko kahit wala na akong kausap sa telepono.
“Tss…” Halos kilabutan ako nang maalala kong katabi ko nga pala si Hell.
“So, you know Nellisa?” tanong nito sa ‘kin, habang unti-unting humarap sa ‘kin. Ang kan’yang mga kamay ay nakalagay lamang sa upuan at nagsisilbing tungkod niya.
Kita ko ang lungkot sa mga mata niya ngunit gano’n pa rin ang paghanga ko. Mas lalo pa siyang pinapogi ng sinag nang paglubog ng araw na tumatama sa kan’yang mukha.
“Classmate ko siya,” sagot ko sa kanya at tumungo-tungo ito. Nga’yon ko lamang ito nakausap ng ganito at nagpapasalamat ako sa panginoon na nabigyan niya ‘ko ng chance makausap ang lalaking hinahangaan ko.
“Kilala mo na ang pinsan niya?”
“Oo.” Tipid kong sagot saka ako ngumuso at tinignan lamang ang kapaligiran.
“Kaya ba ayaw mo matulog doon?” Napatingin ako sa gawi niya at doon ko napansing nakatingin na ito sa ‘kin.
Nanlaki ang aking mga mata at napahigop ng hangin, dahil para na akong matutunaw sa titig nito.
Love naman!
“Paniguradong mag-aaway lang kami pag nagkita nanaman kami,” sabi ko na ngayon ay nagtaka ang kan’yang itsura.
May sinasabi ba akong mali?
“Nanaman?” Tanong nito sa ‘kin.
“Unang pagkikita namin panay mura inabot ko.” Natatawang kwento ko nang maalala ko ang sasakyan nitong muntikan ng bumangga sa akin. “Sa bahay niya?” Tanong nito muli sa ‘kin. Mukhang curious ang bebe ko,, ah!! ‘wag kang magselos, love! Alam mong ikaw at ikaw lang!
“Hindi! Sa kalsada ‘yon.” Paninimula ko at gano’n ang panliliit ng kan’yang mga mata. “Nagpapapansin ka sa kanya?” Tanong nito sa ‘kin na kinabigla ko.
Kilabutan ka sa sinasabi mo, Hell!
“Yawa! Hindi, ‘no! ‘Yun ‘yong pinagkamalan akong girl friend mo, tapos kinuha nila ako tapos-"
“Iniligtas ka niya?” Pagpapatuloy nitong sabi sa ‘kin, hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang totoo. “Hindi.” kaagad naman siyang napangisi bahagya, mukhang hindi siya naniniwala.
“Bakit ka nagsinungaling?” Tanong ko sa kanya para maiba ang usapan namin ngunit gano’n na lamang ang paglingon niya sa ‘kin na parang naiinis.
“What are you talking about?” magsasalubong nanaman ang kan’yang mga kilay sa inis. “Nagsinungaling ka na hindi mo mahal si Mavie.” Mas lalong nandilim ang paningin nito sa ‘kin nang sabihin ko iyon sa kanya.
“Lumalayo ka na,” utos nito na halatang-halata na inis sa sinabi ko.
Ngumuso ako nang naisip ko na hindi pa ata siya handa pag-usapan ang mga bagay na iyon lalo na sa katulad ko. Pero kanino niya sasabihin ‘yong gano’n na sakit na napi-feel niya? Sasarilihin niya lang?
“Love…” Malambing na sabi ko nakinagulat niya.
“‘Wag mo nga kong tawaging-"
“Love?”
“f**k!”
“Hindi na kitang tatawaging love, basta magkwekwento ka sa ‘kin.” mas lalong nag-iba ang itsura niya. Walang, epek ata ‘yung sinabi ko,, ah!! Ngunit tahimik lamang ito at ramdam kong ayaw nitong magkwento.
“Una kitang nakita nu’ng inigtas mo kami ng mahal mo.” kwento sa kanya. “Sinabihan mo pa ‘kong pangit no’n at doon ako na inlove.”
“Hindi, dahil sa sinabihan mo ‘kong pangit,, ah!? Kung ‘di, dahil iniligtas mo kami at dagdag na rin ‘yung sinabihan mo ‘kong pangit,” sabay halakhak kong sabi. “Ano ba ‘yan?! Kinikilig ako!” Dagdag ko pa.
Mukhang pinagtatyagaan niya ‘kong pakinggan sa kwento ko kaya naman ‘di ko sasayangin ang pagkakataong ‘to.
“Mahal na mahal kita, Hell.” Kapal na mukhang sabi ko sa kanya at saka tumingin sa kanya at bahagyang ngumiti.
“Hindi kita mahal,” Bilis na sagot nito sa ‘kin.
“Alam ko kasi mahal mo siya, e!”
“Hindi ba’t mahal mo ‘ko? Bakit hindi ka masaya?” Tanong nito sa ‘kin na nagtataka. Ano ba’ng klaseng tanong na iyan?
“Paano ako magiging masaya, e… nasasaktan ka,” Mahinang sabi ko. Hindi na ito sumagot sa ‘kin na parang natameme sa sinabi ko. “Mahal kita at tagahanga mo ‘ko. Ang magagawa ko lang sa ‘yo ay suportahan ka sa lahat ng bagay na gusto mo…” dadagdag ko.
“Hindi ko hinihingi na mahalin mo ‘ko pabalik, pero kung papalarin ay pwede na rin!” Halos para akong tangang kinikilig mag-isa sa sinasabi ko.
“Alam ko na para ‘di ka masaktan!” Napatayo ako, habang nakaisip ng idea. “Ano nanaman ‘yan?” Napipilitan na tanong nito. “Sabihin mo lang 'Love' Mawawala na ‘yang sakit na napi-feel mo…” Proud na sabi ko sa kanya.
“Tss...” ‘yan na lamang nanaman ang sinabi nito sa ‘kin. Ano ba ito? Ahas?
“Bilis na! Sabihin mo, please?” Pagmamakaawa ko sa kanya at ngumuso pa. Kita sa mukha niya nagpaglukot nito. Halatang inis na inis na sa ‘kin.
“Ginagago mo ba ‘ko?”
“Hindi! Promise!” itinaas ang kanang kamay ko.
“L-love?” Mahinang sabi nito, ngunit gano’n na lamang ang ngiti ko nang sabihin niya iyon! Inilapit ko ang aking mukha sa kanya na halos konti na lamang ay magdidikit na ang ilong namin.
“Yes, Love?” Malambing na tanong ko.