"ANO’NG ginagawa mo rito?" puno ng pagtatakang tanong ni Chase sa kaniya. Kasalukuyan silang nasa loob ng comfort room ng Thai Tanic Cafe. Nagpaalam muna ang lalaki sa dalawang kasama nito upang makausap lang siya. "Nakipagkita lang ako sa kaibigan ko," aniya. Lalong napakunot ang noo ng lalaki sa isinagot niya. "Kaibigan? Sino’ng kaibigan?" Kumabog ang puso ni Archie sa tanong nito. Panigurado kasing magagalit ito kapag nalaman nito na nakipagkita siya sa isang lalaki at ayaw niya na mangyari ‘yon. Agad siyang napaiwas ng tingin."Si Euri. Hindi mo naman kilala ‘yon eh. Bumalik ka na roon sa meeting mo," pagtulak niya sa asawa. Hinawakan siya ni Chase sa braso. Bagamat ‘di madiin pero nakaramdam pa rin siya ng takot sa lalaki. "Nasaan na ang kaibigan mo? Bakit hindi mo ipakilal

