KASALUKUYANG nasa loob ng kaniyang silid si Archie habang malalim na nag-iisip at nakatanaw sa malayo. Ilang araw na siyang wala sa sarili dahil sa mga salitang sinabi ni Chase. Wala pang dalawang araw na ang nakakalipas. Iyon rin ang huling kita niya sa lalaki dahil hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa ito umuwi sa bahay nila. Pakiramdam niya ay iniiwasan na naman siya nito katulad nang makauwi sila galing ng ibang bansa. Archie heaved a heavy sigh. Mabuti na rin na wala siya at least hindi ako makakaramdam ng pagkailang. Isa pa hindi pa ako handa na harapin siya… matapos ng lahat. Wala siyang naging imik pagkatapos nitong sabihin na mahal siya nito. Laking pasalamat na lang niya ng pagkatapos no’n ay basta na lang siya nitong iwan dahil kung sakali ay hindi niya rin naman alam ku

