"AR-ARCHELLA," nahihirapang usal at halos kapos hiningang saad ng nakahigang lalaki habang pilit na iniaabot ang kamay sa kaniyang mukha. Dinaluhan ni Archie ang lalaki kapagkuwan ay hinawakan ang mga kamay nitong nagsisimula ng manlamig. Walang anumang maramdaman si Archie habang nakatingin sa sugatang kaibigan. "I'll contact someone." Rinig niyang ani ni Chase na nasa kaniyang likuran pero hindi niya ito pinansin… ni ang pagkilos ng mga tauhan ni Eurick sa kaniyang paligid. Her heart is slowly breaking at the sight of her friend. "H-hold on please..." lumuluhang ani Archie habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni Damian at lalo siyang napahagulgol when Damian smile weakly at her. "O-okay ka lang b-ba? H-hindi ka ba n-nasaktan?" kunot noong tanong nito sa kaniya. Bakas sa pagsasal

