NAGISING si Archie sa munting ilaw na tumatama sa kaniyang mukha. Dahan dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata nang biglang sumidhi ang kirot sa kaniyang ulo hanggang sa mga oras na ‘yon ay nakakaramdam pa siya ng pagkahilo dahil sa pinsinghot sa kaniya bago siya mawalan ng malay doon na rumehistro sa kaniyang isipan ang kinasasadlakan. Mag-isa siya sa loob ng isangg gusali samantalang nakagapos ang dalawang kamay niya sa kaniya likuran. Ipinalibot niya ang tingin sa kaniyang paligid. Napakarumi ng paligid, walang mga gamit at sira sira ang bubong ng pabilog na gusali na tila ba isang lumang bodega. Walang mga bintana at iisa lamang ang labasan at pasukan ng establisimyento. Ang tanging nagsisilbing ilaw lamang sa loob ay ang ilaw na nanggagaling sa araw mula sa mga butas ng bubong.

