NAGHAHANDA si Archie ng listahan ng kaniyang mga bibilhin sa grocery. Ito ang naisip niyang paraan para mabaling sa iba ang kaniyang atensyon… nang sa ganoon ay hindi niya na maisip ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang puso. Isasama niya si Muriel para makapagbonding silang dalawa at para makaiwasan niya na rin ang ma-stress para sa kaniyang baby. Patapos na siya sa pagsusulat ng bigla na lang may pamilyar na mga bisig ang pumulupot sa kaniyang baywang. Naghumirintado ang kaniyang puso nang lingunin niya ang kasalukuyang nakapikit na asawa. Nakapatong ang baba nito sa kaniyang balikat. Napakaguwapo ng maamo nitong mukha, nakangiti habang nanatiling nakapikit na para bang walang nangyari sa pagitan nilang dalawa ng nagdaang gabi, na para bang hindi ito nag-break down sa kaniyang m

