“KAKALOKA ka namang babae ka. Dapat ay nagsabi ka sa akin para naman masundo kita hindi iyong basta basta ka na lang susugod dito sa studio ko. Paano kung nagkataong wala pala ako rito?” Hindi nagsalita si Archie bagkus ay nanatili lang itong nakayuko at hindi makatingin sa kaibigang si Elle. Sa studio siya nito dumiretso matapos siyang umalis sa bahay ni Chase. Ayaw niyang kontakin ang kaibigang si Eurick dahil alam niya ang magiging reaksyon ng kaibigan kapag nalaman nito ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Chase. Ayaw niyang mangyari ulit na magkasakitan ang dalawang importanteng tao sa kaniyang buhay. Wala sa loob na napabuntonghininga siya nang maramdaman niya ang mga kamay ni Elle sa kaniyang balikat. Iniangat niya ang tingin sa mukha nito. Worried plastered all over her fri

