C a p í t u l o N u e v e

2074 Words
"Alam mo kasi apo, mayroong alamat o parang kwentong bayan sa San Felipe. Kapag pumunta ka doon, mapapansin mo ang mga bahay doon ay mga balon sa loob ng mga bakuran." Hay buhay. Ang haba na ng history class ko kay Lola Aurora. Kagabi pa ito e. Ugh. Umaga na at hindi pumayag ang lola ko na umalis ako ng I am not eating my breakfast. Paalis na sana kami ni Kuya Will, kaso naharang ako. Mga lola talaga e, wala ng bago. Nasa dining hall kami ngayon at naguumagahan and again may share ko lang moments na namang pang-malakasan ang aking Lola. "Ah talaga po?" Sa totoo lang, gusto ko ng umalis kaso si Lola may kwento na namang bago, about some legend sa San Felipe. "Sabi kasi ng mga matatanda, ang San Felipe daw ay tinitirhan ng isang diwata ng kalikasan, na taga-bantay ng mga katawang tubig sa lugar na iyon." Tuloy niya. "Kaya mayabong ang likas na yamang tubig nila dahil doon. Masarap raw ang tubig sa bayang iyon na nagmumula sa isang napaka-laking Talon doon." Ang weird na may lasa ang tubig nila. Try ko nga mamaya. Ge, galing ko 'dun. Hayaan ko na nga ang kwento ni Lola, at least kahit papano may alam ako sa bayang pinagmulan ng pamilya ko. "Sabihin katubigan pala ang paligid ng San Felipe?" "Oo, at dahil sa sobrang yaman nito, ang mga mamayanan doon noon hanggang ngayon ay hindi nahirapan sa pagkuha ng sariling tubig para sa pang-araw araw, kaya ang bawat bahay dun ay may balon. Kasi pinaniniwalaang dumadalaw sa mga pamamahay nila ang Sangre ng Tubig upang biyayaan ng kayamanang tubig ang kanilang pamamahay kapag may balon ang kanilang bahay." Hala ano 'to? Di ko knows may pa-encatadia pala ang San Felipe. Andoon pala nakatira si Sangre Alena. Haha. Char. Nakakaloka ang mga kwento ni Lola, as in kagabi pa. "Kaya pinapadala ko yoong barya na iyon sa iyo, kasi kabahagi ng alamat ang kathang-isip sa bayang iyon na, kapag may isa kang barya na sobrang hirap mahanap sa kahit na anong dekada o panahon, kapag ayun daw ay hinulog mo sa kahit saang balon doon at humiling ka, matutupad daw iyon." So gusto ni Lola na magwish ako? "Lola naman e, 20 na po ako. Parang my age does not match fairytale stories na po." Totoo naman ang tanda ko na para maniwala pa sa ganun. Natawa naman sa sagot ko ang aking Lola. "Alam ko iyon apo, hindi ko rin sigurado kung totoo ang alamat na iyon, pero hindi naman masamang subukan 'di ba?" Tinapik niya ang aking balikat. "At least kahit hindi mo nakita ang mansiyon natin sa San Felipe, kahit man lang ang isang tradisyon nila ay makabahagi ka." Sige na nga Lola, pagbibigyan na kita, hay. --- "Magandang Tanghali mga binibini at mga ginoo, kinagagalak namin na kayo ay nakabisita sa Museo de Ezpenidas." Bati ng isang matandang lalaki sa amin, na base sa itsura niya ay siguro siya ay mag60 na. "Ako nga pala si Ginoong Arnaldo, ang inyong tour guide sa maghapong ito." Magtatanghali na ng makarating ang van na sinasakyan namin sa ancestral house nila George dito sa may San Felipe Cavite. Hindi ko man lang na-enjoy ang mga view sa biyahe, nakakainngit ang mga kaklase ko. Paano, tulog lang ako sa biyahe. Sayang naman. Pagbaba't pagbaba namin bumungad agad sa amin ang napaka-laking mansiyon nila. Itong mansyon ay Spanish-Filipino era ang design. "Andito na tayo!" Sigaw ng presidente namin. "Sige na, you can stroll muna while I am going to look for George." "Lah ang laki nito!" "Ang ganda dito, para akong nasa Spain." "Hoy, pang my day 'to. Picturan mo ko dali." "Babe, come on let's take a picture." "Asteria! Tara dali picturan kita, here." Kinuha ni Kim ang camera niya at nagselfie na nga kami. Kitang-kita sa amin ng mga kaklase ko ang pagkamangha sa kagandahang ng mansyon nila George. Ang gate pa lang nila sobrang vintage na. Sa harap ng malaking pinto nito ay may fountain na may statue ng isang serena at isang isda sa kalagitnaan, sa bibig ng isda nanggagaling ang tubig ng fountain. Sobrang fresh ang labas nito kasi ang daming puno at kitang-kita ang pamumunga mula sa ilan ng mga ito. Para bang 'yung mga sizes ng puno dito e doble o triple ang laki kumpara sa Maynila or sa kahit na anong probinsiyang napuntahan ko. Ang lalaki nila, siguro kasi sobrang linis lang dito sa San Felipe kaya ganto ang puno dito. Kitang-kita namin ang balkonahe sa taas nito, mula roon nakatayo si George at kinakawayan kami. Na-una na raw kasi siya dito para iprepare ang mga kailangan namin dahil nga magoovernight kami dito. Kahit hindi ko hilig ang mga historical sites, pero iba ang dating sa akin ng isang ito. Deja vu, iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito at hindi ko maexplain kung bakit. Pinangunahan ng presidente namin ang aming paglalakad papasok ng mansyon. Na-una na si Kim dahil sa sobrang excited makita ang museum sa loob, kasi mahilig talaga ang isang 'to sa history. Papasok na sana ako ng mapansin ko ang lalim ng fountain nito ay hindi yung pangkaraniwan ang lalim. Actually, hindi siya mukhang fountain, parang balon ang isang ito-- "Kapag ang dalawang tao mula sa nakaraan at kasalukuyan ay nagtagpo dahil sa iisang kahilingan na naganap sa iisang oras, at pagkakataon, ang Sangre ng Balon ay magbibigay ng kakaibang daan upang maisakatuparan ang kanilang iisang kagustuhan.." Pagsingit ni Mr. Arnaldo na laking kinagulat ko kasi bigla na lang siyang sumulpot sa gilid ko. Teka, parang ayon 'yung legend na sinabi ni Lola Aurora sa akin kanina, pero mas direct and consize lang. Pero wala 'yong sa part na maghuhulog akong barya. "Kung iniisip mong isa itong balon, oo tama ka iha, hindi lamang isang fountain iyan, kung hindi iyan ang Balon ng mga Ezpenida." Dagdag pa niya. "Ah oo nga po." Maikli kong sagot. Nagtaka naman ako sa reaksyon ni Mr. Arnaldo ng magtama ang mga mata namin. Kitang-kita ang malaki niyang pagkagulat nang makita niya ako. Hindi maipinta ang expression na sinasabi ng mga mata niya. Para siyang nagtataka na natatakot na, ewan basta 'yon. Teka may ginawa ba ako? Hala baka inaatake na siya sa puso! OMG. "Ah, Mr. Arnaldo ayos lang po ba kayo---" "Binibini pwede ko bang malaman ang iyong pangalan?" Tanong niya habang bakas pa rin sa kaniya ang malaking pagka-gulat. "Ah, ako nga po pala si Asteria Fernan---" "Manong Arnaldo, paki sabihan na ho si Aling Clarita na ihanda na ang Nilagang Manok at Baboy, para mapakain na ang mga kaklase ko." Pagputol ni George. Medyo bastos si Kuya, oh. Ngayon ako naman ang nagtataka. Nagkatitigan silang dalawa na parang nag-uusap yung mga mata nila. Hindi ko magets kung bakit. Pero napabuntong hininga na lang si Mr. Arnaldo at agad na sumunod sa sinabi ni George. "Masusunod po, Señor." At pumasok na nga siya sa loob ng mansyon. "Pagpasensiyahan mo na si Manong Arnaldo talagang minsan may pagkawirdo ang isang 'iyon." Natatawa niyang sinabi. "Matanda na kasi e, paki intindi na lang." "A-ayos lang." "Nasan pala si ate Kim?" At inikot niya ang mga mata niya. "Himala di mo ata kasama?" "Ah, excited kasi 'yon na makita ang museum sa loob ng mansyon niyo, kaya ayon iniwan ako." Nakakainis mang isipin pero mukhang mas mahal ni Kim ang history kaysa sa akin. Saket. "Di bale, ako na lang dadaldal sa iyo." At nagsimula na nga siyang magkwento. "Sabi sa alamat, kapag humiling ka sa isang balon dito sa San Felipe gamit ang coin na hindi pangkaraniwang nakikita sa panahon na 'to e, matutupad daw." My ears perked up nung narinig ko 'yun. Ayon yung kwento sa akin ni Lola kanina. Akala ko joke lang. "Na-ikwento nga sa akin ni Lola Aurora ang tungkol diyan." "Haha. Oo malamang, taga-dito rin kayo e." Tumawa siya. "Alam mo kapag siguro sinisid ang balong 'to yayaman ang taong 'yon." "Huh bakit namin?" "Everytime kasing may pumapasok na mga turista dito e, sinusubukan ang balon na iyan." Nagbato siya ng isang barya doon sa balon. Hindi ko maitindihan bakit parang bumagal na naman ang oras habang naka-titig ako sa isang pirasong baryang linaglag ni George sa balon. "Humihiling sila dito, kaya ang daming barya sa ilalim nito-- Asteria?" Nagising ang diwa ko ng tapikin niya ang mga balikat ko. "Huy, ayos ka lang?" Teka, ang weird. Ano ba naman 'tong nangyayari sa akin? Pangalawa na 'to. Una yung sa classroom, ngayon eto. Nasisiraan na ata ako ng bait. "Ah oo, sorry tulala lang, inaantok ako e. Haha." Palusot ko. Awkward ang wala. "Ah kala ko e." "Ikaw ba kung hihiling ka dito, ano 'yon?" Bigla kong tanong para lang mabaling na ang atensyon niya sa iba. "Ako?" Nag-isip siya. "Hindi naman natin alam kung totoo ang kwento na 'yun." "Hindi naman siguro masamang subukan e, wala namang mawawala." Wow, coming from you Asteria? E ikaw nga 'di natuwa sa kwento ni Aladin at Genie. Psh. Nag-isip ulit siya. "Siguro, iyon ay ang makilala niya ulit ako." Nakatingin siya sa akin, hindi ko na naman maitindihan ang nararamdaman ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Ano ba naman 'to. Hoy gising Asteria, hindi ikaw ang sinasabihan niya. Gumising ka, at loka ka ba? Ilang beses pa lang kayong nagkakasama ni George, maghunos dili ka. Siguro dahil tinulungan niya ako kaya I am starting to like him, though as a friend lang. Gosh nagkaroon din ako ng ibang kaibigan maliban kay Kim, after ilang months na mag-isa ako. Congratulations self, em so proud of you. Siguro ay napansin niyang nailang ako sa sinabi niya kaya bigla na lang siyang tumawa. "Ikaw ba kung hihiling ka dito? Anong hihilingin mo?" Binalik niya ang tanong sa akin. Ako? Kung sakaling totoo ang kakayanan ng balong 'to, "Hihilingin ko na bigyan ulit ako ng pagkakataon na maitama ko ang mga nagawa ko sa nakaraan." Nagtaka naman ako kasi nanlaki ang mga mata ni George sa sinabi ko, pero agad itong nawala. "Tara na, Señorita De Villa, at baka luto na ang pananghalian ni Aling Clarita." Na-una ng pumasok si George sa mansyon. Ako, ito nakatitig sa ilalim ng balon. Teka, totoo kaya ang alamat nito? "Wala namang masama kung susubukan ko e." Kahit na ba sobrang imposible. Tsk, ano ba nangyayari sa akin at naniniwala ako sa ganto? Gising Asteria. Nakakaloka ka. Kinuha ko ang isang pirasong barya na binigay kagabi sa akin ni Lola Aurora. "Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon na maitama ang nakaraan, mga pagkakamali at kakulangan ko, muli kong isusulat ang kinabukasan ko pero this time, magiging tama na ang mga magiging desisyon ko." Sinambit ko ang mga ito na nasa isip ko ang mga taong nagawan ko ng mali; sila Mommy and Daddy, si Ivonne at lalong si Ken and siyempre ang iba pa na hindi ko sadyang nasaktan. Sila ang mga gusto kong gawan ng tama, na kung pwede hindi ko na sila magawan ng mali. Kahit naman ang sarap sabunutan ni Ivonne, hindi ko pa rin siya masisisi kung ganun ang naging epekto sa kaniya. Kung titignan ko, parehas lang kaming biktima sa nangyari. Siraulo kasing Eliot to, nako talaga. Sana noon ko pa 'to na realize, hay. Humiling ako habang nakapikit ako. Nang matapos na ako sa pagwish, nilaglag ko na nga ang isang pirasong barya sa kalagitnaan ng balon. Pagkalapag na pagkalapag ng barya sa laman na tubig nito, agad kong naramdaman ang biglanv malakas na pagihip ng hangin sa aking paligid. Eto na naman siya, hindi ko na naman maexplain ang nararamdaman ko. Nakakapag-taka ano ba ito? Nakaramdam ako ng pagkahilo na para bang lumabo ang pagtingin ko. Buti na lang kamo at napa-hawak ako sa gilid ng balon kung hindi baka tumumba na ako. Sinubukan kong ayusin ang pagtingin ko, ngunit pagmulat na pagkamulat ng mga mata ko hindi ko na naitindihan ang sunod na nangyari. This time alam ko hindi na ito guni-guni, alam kong bumabagal ang oras. Ano ba ito? Hihingi na sana ako ng tulong ngunit bago pa man ako makapag-salita bigla na lang akong may narinig na boses na bumulong sa akin.. "Estella..Estella..." Ayon ang huli kong narinig bago pa tuluyang magdilim ang paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD