C a p í t u l o D i e z

2203 Words
"Asteria, alam mo apaka weird mo, kanina pa kita kinakausap tulala ka lang." Narinig kong sinabi ng taong nasa tabi ko ngayon. "At tsaka kanina mo pa hawak 'yang pocket watch na 'yan. Saan mo ba nakuha 'yan? Di ka naman mahilig sa ganyan ah." Naramdaman ko ang pagtapik sa akin na agad gumising sa diwa ko. "Hu-huh?" Inikot ko ang paningin ko and I realized na sa balkonahe pala kami ng Museo de Ezpenidas. Teka, andito ako? Nakapasok na ako? Di ba nasa labas ako dun sa may balon-- "Kanina kumakain kaming lahat, pero ikaw naka-tulala ka lang. Sumusunod ka lang ng sumusunod sa akin pero wala kang imik." Binaba niya ang binabasa niyang libro. "Para akong may kasamang multo e. Ang creepy kaya na, na sa luma at napaka-laking bahay tayo, tapos ganyan kasama ko." I blinked my eyes. Ano ba ito? Naptingin ako sa pocket watch na hawak ko. Hindi ko 'to dala kanina. Oo, napasok ko 'to kagabi sa mga bagahe ko, pero hindi ko maalala na nilabas ko ito. "Kanina lang nakita kitang kausap si George tapos hindi ko na alam ano nangyari sa iyo." Gusto ko mang pakinggan si Kim, kaso nagulat ako ng makita kong gumagalaw ang hour hand ng pocket watch na hawak ko. Imposible, sabi ni Lola Aurora, matagal ng sira ang orasang ito, pero bakit gumagana? The last time I checked this, hindi ito umaandar. "3:37 pm" I accidentally blurted out the indicated time from the watch, and obviously nagulat si Kim sa sinabi ko. "Ano? Hoy 2pm pa lang, 'wag mo naman ako pakabahin." Napahampas na lang sa ulo si Kim. "Ang dami pa nating gagawin, kaya." 2pm? I took out my phone and saw na 2:02pm pa lang ang oras. "Ah baka mali lang ang oras nito." I tried kalikutin ang pocket watch then I adjusted it sa accurate time ngayon. "Kim and Asteria, punta kayo sa library, pahanap naman ng kahit na anong history book from there. Need natin for our play." Bungad ng presidente ng history class namin. "Nagiisip na kasi kami ng script and story dito. May connection raw kasi ang mansyon nila George sa Cavite Mutiny 'nung 1872. Baka may mahanap kayong info." "Ikaw girl, baka may ideya ka? Fernandez Family ang nagtrigger sa Cavite Mutiny 'di ba?" Tanong ni Kim. Ah oo, 'yon ang sabi sa akin ng lola ko, kaso hindi pa rin malinaw at buo ang kwentong naririnig ko regarding dito. "Oo, kaso 'yung sinabi lang rin ng History ang alam ko." Napaisip ako, connected ang mansyon na 'to sa Cavite Mutiny? Paano? Parang wala namang nabanggit si Lola Aurora about sa mga Ezpenidas. She sighed. "Di bale, base na lang tayo sa nangyari siguro from history sa Cavite Mutiny Pres." Base sa kasaysayan ng Pilipinas, at lalo ng San Felipe, ang pamilya Fernandez raw ay tumutulong sa maraming mahihirap na Pilipino noon, sa kadahilanang napaka-yaman ng pamilya namin noon pa man. Maraming naiinggit na Espanol, kasi mas rinerespeto at mas sinusunod pa ang leader ng familia Fernandez na si Senor Diego even if he is a Peninsulares, born in Spain na lumaki lang sa Pilipinas, na kung tutuusin isang banyaga pero mahal ng mga Filipino noon. Ang aking ninuno naman na si Señora Isabella ay kalahating Filipino at kalahating Español, kaya malapit ang mga puso niya sa mga Filipino noon, kahit na ba may dugo siyang banyaga. Kung tutuusin ay kasumpa-sumpang lahi ng mga Pilipino noon ang pagkakaroon ng dugong Espanol dahil nagiging mapag-mata sa kapwa Pilipino. Karamihan ay naging abusado sa kapangyarihan dahil iniisip ng mga katulad nilang may dugong Espanol na nakakaangat sila sa kapwa Pilipino nila. Malala pa sabi sa akin ni Lola Aurora, ang karamihan pa nga raw ay hinuhubad ang pagka-Pilipino nila at mas yinayakap ang pagiging banyaga. Pero dahil nga mabubuting tao ang pamilya Fernandez, imbes na kamuhian sila dahil mas kilala sila bilang mga Peninsulares kaysa pagiging Pilipino, still minahal sila ng sobra ng mga taga-San Felipe. Kaya pinapatay raw ang buong pamilya nila mula sa mag-asawang Fernandez at lahat ng trabahador ng mansiyon nila pati mga kaalyado nila, kasi baka raw sila ay nagsisimula ng pagaaklas laban sa pamahalaan noon, kaya pina-ubos sila. Tanging ang nagiisang anak lang ni Senor Diego ang nabuhay, na pinag-mulan ng aming saling-lahi. Sa pangyayaring iyon, sinimulan ni Fernando La Madrid ang mutiny, dahil ang heneral na may hawak sa kaniyang tropa ay kasama sa napatay dahil kaalyado ito ng mga Fernandez. Dahil sa pangyayaring ito, nasisi ang tatlong paring Gomburza na sila raw ang nagplanong Cavite Mutiny, kaya sila ay naparusahang hindi naman nila nagawa. Nagising ang diwang nasiyonalismo ng mga Pilipino dahil dito, that eventually lead to the legendary revolution war of the Filipinos against the Spanish government. Kahit na ba kinatatamaran ko ang History subject, respeto na lang sa pamilyang pinang-galingan ko na kahit papano alam ko ang kasaysayan namin, 'di ba? "Sige maghanap na lang siguro kayo ng history book, need kasi connected dito sa historical site na 'to ang ishoshoot natin e." Huling pag-utos ni Pres. Um-oo na lang kami ni Kim at hinanap na ang library ng mansyon. Sinabit ko na lang muna ang pocket watch sa may bulsa ko kasi ayaw na akong samahan pa ni Kim na bumalik sa kwarto namin para maitago ko sana ito. Bumaba kami sa isang napaka-laking hagdan sa gitna nito at nakita ko ang napaka-laking chandelier na nakasabit sa itaas nito. My classmates were in the guest's hall, sobrang busy sila, samantalang ako, nagiisip pa rin paano ako nakarating dito. Ang huling ala-ala ko nandoon ako nakatayo sa fountain na balon pala talaga, at nag-wish ako tapos.. Teka nga, 'di ba nahimatay ako? Pano pala ko nakarating dito? O baka naman nananaginip lang ako. Ugh, bakit ba kasi wala akong naalala? Isa pa, I don't remember na linabas ko ang pocket watch na ito. Ano bang nangyayari? -- May nakita kaming lalaki na siguro trabahador ng mansyon at tinanong ni Kim kung saan ang library, kasi baka kapag hindi pa kami magtanong, e baka maligaw kami sa laki ng mansyong ito, kasi sa totoo lang, this mansion is like a palace. Sobrang laki and sobrang Spanish vintage ang design niya. Hindi mo aakalaing nasa Pilipinas ka dahil dito, it's more like a huge mansion from Spain na trinansfer dito. While we were on our way, I noticed the details inside the mansion; lahat ng gamit na siguro relevant para sa history ng mansyong 'to, ay nakalagay sa display cases. Mostly, books, vases, b***l, and some other antiques that I guess, were displayed for exhibit. Papasok na sana kami sa may entrance ng library ng may nakita kaming isa rin sa mga trabahador na nasa taas ng isang ladder na pinupunasan ang isang napaka-laking portrait sa tabi ng entrance. Papalapit na kami ni Kim, kaya mas naobserbahan ko ang painting. Ang lalaking na sa painting ay nakatayo sa isang lugar na puno ng mga rosas at sa likod 'nun ay parang isang theatre stage. Siya ay nakasuot ng isang kapa at sumbrerong itim, black suit, at agaw pansin maskarang itim din nito at hawak na tungkod na sa pinaka tuktok ng handle ay isang rosas na kitang-kita ang pagka-pula. It was like a gem, shaped into a rose. He was also wearing a red rose ring on his ring finger. Para siyang si Phantom ng theatre play na Phantom of the Opera, o kaya si Zorro. "Asteria Fernandez De Villa, baka naman gusto mo na pumasok. Yari tayo kay Pres kapag 'di natin nagawa pinapagawa niya." Kim told me and she entered the library, leaving me behind. Gusto ko ng pumasok at sundan si Kim, pero hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba mula sa portrait na iyon. Gusto kong iaalis ang mga mata ko, pero hindi ko magets bakit my eyes were just stuck at it. Hindi ko na namalayang linapitan ko na ito at sa hindi ko alam na kadahilanan, I touched the details of the portrait and immediately, I felt something more different. Sobrang kakaiba na hindi ko na maexplain, sa sobrang weird ng nararamdaman ko. Napaka-bigat ng puso ko, sobrang lungkot, hinagpis, takot, ayon ang mga salitang bumabalot sa pagkatao ko when I let my fingers ran on the details of the painting. "Ma'am ayos lang po ba kayo?" Nagulat na lang ako ng bigla akong tinanong 'nung serbador na naglilinis ng painting, na ngayon ay nakababa na mula sa ladder. "Napuwing ko ho ba kayo dahil sa mga alikabok ng potrait na ito? Pasensiya na ho." "Ah, hindi, ayos lang ako." Maikli kong sagot. Ni hindi ko man lang napansing naka-baba na si Manong. "Ah e, akala ko po kasi 'yon ang dahilan kung bakit napapaluha po kayo ngayon." Huh? Ako lumuluha? Teka, umiiyak ako? "Ho?" I tried touching my eyes, and to my surprise totoo nga ang sinabi ni Kuya, umiiyak nga ako. Pero bakit? Nagsasariling mundo ang mga mata ko! Amp. Napa-kuha agad ako ng panyo at agad kong pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. Takte, ano ba naman 'tong nangyayari sa akin? Kanina naglakad ako mag-isa with this pocket watch, now I am crying because of a portrait of someone whom I don't even know or do not have any idea kung nageexist ba talaga ang na sa painting na 'to. Grrr! Sobrang weird ko na! Hoy Asteria ang geek mo na masiyado kanina ka pa ah. Eeew na. "Ah pasensiya na ho, okay lang ho talaga ako. Masama lang po ang pakiramdam ko." Sige lusot pa iha. Napa-hawak na lang ako sa may leeg ko sa sobrang kahihiyan. "Ah, manong mawalang galang na ho, sino ho ba ang lalaking nasa potrait na yan?" Pag-iwas ko. Baka kasi weird na weird na si Manong sa akin. "Ah ayan ba?" Napa-turo si manong 'dun sa portrait. "Sabi sa amin ng boss namin dito, 'yan daw ay isang kilalang magaling na magnanakaw 'nung 1870's dito sa may San Felipe. Siya si Rojo Rosa." Rojo Rosa ay mga salitang Espanol na ang ibig sabihin ay Pulang Rosas. Kaya pala may hawak siyang tungkod at sing-sing na may roses, kasi that's his name. "Magnanakaw?" Wait, he is a thief, pero may portrait siya dito sa museum. Di ba dapat hindi hino-honor ang mga katulad niya? "Pero bakit po may painting siya dito, e magnanakaw po siya. Paglabag po sa batas ang ginawa niya." "Sabi ng mga kwentong bayan dito, mahal raw ng ibang mga taga-San Felipe si Rojo Rosa dahil ang mga ninanakaw raw niya ay tinutulong niya rin sa mga Pilipinong mahihirap 'nung panahon ng mga Espanol. Kaso..." "Kaso?" And again, nacurious na naman ako. Pinapaalala ko lang Asteria, hindi ka mahilig sa history! Ano ba namang 'yang nangyayari sa iyo? Ay sa akin pala! HAYS! "..naging rebelde raw ang isang 'yan at dahil sa kaniya ay napaka-raming buhay ng mga Pilipino ang nawala. Kaya kahit gaano pa kaganda ang mga nagawa niya para sa mahihirap noon, dahil nabahiran ng buhay at dugo ang kaniyang pangalan e mas kinilala siya dito sa amin na isang rebelde at mamatay indio, hindi bilang isang mabuting magnanakaw." "Bakit raw po siya nagrebelde?" Ibig sabihin, sa pamahalaan siya ng Espanol nagrebelde 'di ba? Kasi hindi naman Pilipino ang mga naka-upo sa pusisyon nung panahon na iyon. Shocks, akalain mo 'yon? May natutunan pala ako kay Mrs. Trajano kahit parati akong late sa Philippine History. Haha! "Ayon din ang hindi malinaw. Basta naglaho na lang sa dilim ang taong iyan, kaya walang malinaw na explenasyon, bakit siya nagrebelde. Ni wala ring naka-alam sa totoong pagkatao ni Rojo Rosa. Tanging ang kapa, susmbrerong itim, ang rosas na tungkod at sing-sing at ang maskara na lang niya ang nananatiling ala-ala ng alamat niya dito sa San Felipe." Linigpit na ni manong 'yong mga gamit niya. "Kaya ang portrait niya ay dito na lang sa tagong parte ng mansyon na ito dinisplay ng may-ari, para siguro hindi na tuluyan pang mapasa ang alamat ng Pulang Rosas sa susunod na henerasyon dahil sa mga kamalian niya." "Eh bakit ho 'di na lang inalis ng may-ari kung ayaw na po pala nila na maalala ito ng mga taga-San Felipe?" Tama naman di ba? Bakit hindi na lang ito tinago or tinapon para wala ng makakakita. "'Yon din pinagtataka namin e." Napa-kamot na lang sa ulo si Manong. "Tinanong na rin namin 'yan, pero ang sagot parati ni Ginoong Arnaldo e, may mga bagay raw na hindi na dapat pang-himasukan pa. Kaya hindi na lang rin namin inalam ang dahilan." Binalik ko ang tingin ko sa portrait na 'yon. Rojo Rosa, ang weird ng kwento ng buhay mo. Pero I know mas weird ako, kasi para bang sa kaka-unting pagkakaalam ko sa kaniya, hindi ko magets pero gusto ko pa siya makilala, kasi ang mysterious niya e---Teka. Ugh. Ayan ka na naman sa kweirduhan mo Asteria! Utang na loob mag-hunos dili ka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD